Kabanata 4: Concert
Dinala niya naman ako ngayon sa stall na maraming salamin. Akala ko ba ay pinapatanggal niya ang salamin ko? Ngayon ay bibili ulit kami?
"Magpapagawa po kami ng contact lens." Ani Vivien sa babaeng nakaporma na parang doktor.
Nang pinasunod nila ako sa kanya ay tinignan nila ang mata ko gamit ang kung anong bagay. Pinaghintay nila kami ng natapos na.
Nang natapos ay kumain na kami sa Mang Inasal. Nag take out din kami para kay mama.
"Ano kaya paboritong pagkain ni Basty, no?" Tanong niya habang kumakain kami.
Napatingin ako sa kanya. This girl is really head over heels inlove with Basty, I mean, who wouldn't be, right? Maging ako ay tinablan ng kamandag niya.
"Paano mo pala nakilala si Basty? First day pa lang, kilala mo na siya."
"Kilala ko na siya, sa dating school ko pa lang. May game sila noon, sa school namin yung laban, kaya nakilala ko siya. Sikat na nga siya doon e."
Right. Si Sebastian Guevarra III pa ba? That makes him more unreachable.
"Sa buong four years na classmates kayo, hindi ka naaattract sa kanya? Not even one bit?"
Umiling ako. I hate to lie pero ayaw ko pa rin malaman ng kahit na sino na gusto ko si Basty.
"Really? Tatag mo naman kung ganon." Sa gitna ng pagsabi niya nito ay nakita ko sa likod niya si Dino at Yohan. Ito yung kabarkada ni Basty, why isn't he with them?
Napatingin si Vivien sa likod niya nang napansing nakatingin ako doon.
"Uy, kabarkada ni Basty yun diba? Dino at Yohan? Sila yung tumulong sayo sa clinic kahapon. Tawagin natin."
Aangal na sana ako pero tinawag na niya.
"Yohan! Dino!" Nang namataan kami ni Yohan ay tinapik niya si Dino at tinuro kami, pagkatapos ay lumapit.
"Macy? Hmm Vivien right? Yung transferee?" Tumango si Vivien nang nakaismid.
"Si Basty? Kasama niyo ba?" Tanong ni Vivien habang lumilinga sa likod nila Yohan.
Napatingin ako sa kanya. How come she has that kind of confidence? How come she can be vocal about her feelings while I can't? Dahil ako, hindi ko kayang tanungin yun.
Humalakhak si Dino dahil sa tanong ni Vivien.
"Bakit mo siya hinahanap? Ayun, may kadate. Kaya iniwan kami ni Yohan." Ani Dino. At hindi ko alam pero matapos niyang binanggit ang pangalan ni Basty ay tinitigan niya ako. I don't like it. Alam niya bang gusto ko si Basty?
And wait, may kadate siya? He has a girlfriend?
"Tayo na lang ang magdate, bro." Ani Yohan at inakbayan si Dino, na kaagad naman nitong inalis.
"Ano? Kilabutan ka nga pre. Kadiri ka." Tumawa lang si Yohan.
"Ano? Anong date? Walang girlfriend si Basty no." Mas lalong umismid si Vivien habang ako ay nanatiling tahimik at paulit-ulit na hinahalo ang softdrinks ko gamit ang straw.
"Whoa. Interesado ka ba sa kaibigan namin?" Sambit ni Dino.
"What if I am? Anong gagawin niyo?" Kumpyansang sagot ni Vivien.
"Ano ba nagugustuhan niyo kay Basty? Gwapo rin naman ako, ah." Ani Yohan.
Vivien faked a laugh. "Whatever."
Humahalakhak si Dino.
"Speaking of the devil." Bulong ni Dino kaya napatingin ako sa kanya.
Halos mapatalon ako nang nakita si Basty na palapit sa amin.
BINABASA MO ANG
Playful Melodies (COMPLETED)
Novela JuvenilMacy Jean Lim has always been the typical nerd at school. Yung top sa klase, lapitan ng mga bullies, the weakest among the weak. How did she exactly fall inlove with a guy her opposite? Si Sebastian Guevarra III, often associated with the name, Bas...