Kabanata 33

2.5K 36 0
                                    

Kabanata 33: Desperate

I always thought that my decision is final, pero sa tuwing sumasagi sa isipan ko sila Rick at Vivien ay nalilito lamang ako. I don't want to leave them. Ayaw ko silang iwan gayong sobrang lapit na namin sa isa't-isa. I will break their hearts once I leave and it will be torture for me once I do that.

Agaran akong umupo galing sa pagkahiga sa aking kama nang nakarinig nang katok kinagabihan. Kaagad kong namataan si daddy sa bukana ng pintuan.

"I know I shouldn't have done this since hindi ka pa naman nakakapagdesisyon..." Pagsimula niya.

Umupo si papa sa dulo ng kama at tinignan ako ng mariin. May nilahad siyang papel. Isang tingin pa lang ay alam ko ng plane ticket iyon. My eyes widened. Daddy is really pressuring to come with him. I understand him though. Kaya nanatili pa rin akong tikom ang bibig kahit gusto kong tanungin bakit ang bilis naman niya ata kung kumilos.

"I already gave your mom hers. I know you are probably having a hard time deciding, that's why I will give you more time. Kapag papayag ka, instead on Friday, we'll fly on Monday."

Gulat, napaangat ako ng tingin kay daddy. I want to ask for more time pero ang ticket na ito ang ebidensyang hindi siya papayag.

Inabot niya sa akin ang ticket at mabilis ko iyong kinuha. Nakalagay doon ang pangalan ng airline. My name is printed on it as a passenger. Our time of departure is 3:15pm on the date this Monday. Destination is from Cagayan de Oro to Manila. Pakiramdam ko ay nanginginig na aking kamay habang iniisip kong aalis na nga yata ako dahil totoong nahahawakan ko na ang ticket na iyon.

Ang sabi ni daddy ay hihintayin niya pa rin ang magiging desisyon ko. Pero sa ginawa niyang pagbili kaagad ng ticket ay pakiramdam ko tuloy gusto niyang magiging oo ang sasabihin ko. Oo at sasama ako sa kanya. Oo at iiwanan ko ang mga kaibigan ko dito. Oo at aalis ako ng Cagayan de Oro.

I sighed.

The idea of me studying in Manila is tempting. Dapat ay hindi ko na ito pinag-iisipan pa. I should gladly take the offer without hesitations. Dapat ay wala na nakakapigil sa akin. Dapat ay hindi na ako naiipit at nahihirapan pa sa pagpili, damn it!

"Ipagpapaalam kita kay mama mo, Mace." Ani Vivien at pinalupot ang kamay sa aking braso habang naglalakad kami sa gitna ng hall.

Aniya ay may party na gaganapin mamaya sa kanila at ito siya't pinipilit akong pumunta. Walang pasok bukas dahil sa isang seminar na pupuntahan ng lahat ng guro kaya naisip ni Vivien na gawin ito mamayang gabi. Kahit hindi niya sinabi ang dahilan ng pagdaraos ay alam kong dahil iyon sa nagbati na sila sa wakas ni Yohan. At kahit hindi sabihin ni Vivien, alam kong marami ang imbitado, all of our classmates are invited and probably some of Vivien's friends outside the classroom.

"I don't know, nandito si daddy." Kinagat ko ang labi ko.

Naisip ko kasi na may kasalanan pa ako kay mama at dad kaya malabo ang payagan nila ako, and to think na gabi pa ito gaganapin, mas lalo lang malabong payagan pa ako, kahit sabihin pa nating may tiwala si mama kay Vivien dahil inuwi naman niya ako ng buhay at walang galos kung saan noong dumalo kami ng concert.

"E di magpaalam din tayo sa kanya." Sabi ni Vivien na parang napakadali lang nitong gawin. Napangiwi ako.

Hindi namin kasama si Rick ngayon dahil may practice sila ng team nila para sa sportsfest next week, ang sportsfest na hindi ko alam kung madadaluhan ko pa ba. Basty, of course, is included in the team, kaya hindi ko pa sila nakikita ngayong araw. Pero alam kong kung sasama ako kagabi, makikita ko sila. Basty will obviously come dahil kaklase namin siya at kaibigan siya ni Yohan, kaya hindi ko maiwasang magkita kami.

Playful Melodies (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon