Kabanata 14: Selos
I compose songs during my spare time kaya sigurado akong hindi ako mahihirapang magsulat para may maipasang proyekto. Pero dahil si Basty pa ang naging partner ko ay hindi ko alam kung maayos ba ang magagawa kong output, idagdag pa ang nangyaring alitan ay mas lalo lang nakakabahala. Kahit gusto kong ako na lang ang gumawa ng kanta para hindi nalang kami mag-usap at sasabihin ko sa teacher na tinulungan ako ni Basty ay hindi naman pwede, hindi papayag si Basty at syempre kahit papano ay ayaw ko ring mag-isa gumawa, samantalang ang iba ang may partner na katulong, that's unfair.
"Magpalit kayo ni Basty, Viv." Sabi ko kay Vivien, lunch time na at kakatapos pa lang naming kumain. Naglalakad kami para daw mabilisan ang pagdigest ng kinain namin, gusto ni Vivien kaya sumunod na lang ako.
Ngumiwi si Vivien. Alam kong ayaw niya ang gusto ko dahil una, crush niya diumano si Yohan na partner na niya ngayon, at pangalawa, gusto niyang magbati kami ni Basty.
"Mace, alam mong imposible iyang gusto mo. Hindi papayag si Mr. Mendoza." Aniya.
Umirap ako. "Papayag siya." Pagpilit ko kahit alam kong tama siya at hindi talaga papayag si Mr. Mendoza.
"Ano pa kasi ang problema kung si Basty ang partner mo?"
"Marami, Vivien." Utas ko.
"Like?"
Kinagat ko ang labi ko. Marami talaga ang problema pero bakit hindi ko masabi kay Vivien?
"Kasi crush mo siya?"
Hindi ako umimik. Alam kong kahit walang alitan na nangyari sa amin ni Basty ay hindi pa rin ako magiging komportable na maging partner siya kung saan mang proyekyo dahil crush ko siya.
"Hindi ko alam, Macy, pero ang swerte mo nga at si Basty, crush mo, ang partner mo. Tignan mo ako. Partner ko crush ko pero okay lang sa akin."
That's the thing, magkaiba kasi kami ni Vivien. Kung siya ay vocal sa feelings niya, ako hindi.
"Nag-away kami, Vivien." Sabi ko.
"Oh, edi chance mo na iyan para magbati kayo."
I hate that Vivien has a point.
"Paano yung mga babaeng nagkakacrush sa kanya? Ayaw ko ng atensyon. Sa oras na kumalat na nag-uusap ulit kami ni Basty ay hindi ko alam kung ano ang susunod na mangyayari, they will hate me even more."
Vivien exhaled violently. "Do you really think Basty will let that happen? Hindi ba nga nawarningan na sila? Na kapag may nangyaring masama sa'yo, lagot sila sa kanya."
Tuluyan na akong walang masabi.
"Besides, hayaan mo nga ang mga babaeng nagkakacrush doon. They are just insecure bitches that doesn't have anything better to do kaya pinagdidiskitihan ka nila."
Napanguso ako.
Isang buwan pa bago ang deadline ng proyekto. I usually compose one song in a span of one to two weeks kaya siguro ay sapat na ang oras na nilaan para sa amin.
Sa araw na iyon ay panay ang turo ni Vivien kay Basty dahil tinitignan daw ako nito. Aniya ay baka gusto niya akong kausapin kaso ay hindi niya magawa-gawa. Sana ay siya na lang ang lumapit sa akin kung gusto niyang pag-usapan ang kantang isusulat namin, dahil alam ko ay kung ako ang lalapit sa kanya, hindi ko kakayanin.
Sa sumunod na araw ay mag-isa akong naglalakad patungong classroom nang may nakabangga sa akin sa
"Aray."
"Oops, sorry." Aniya.
Nahulog ang mga dala-dala niyang papel at nagkalat iyon sa buong lugar. Pinasadahan ko ng tingin ang lalaking nakabangga sa akin, may gitarang nakasabit sa likod niya. Estudyante rin siguro dahil nakasuot ng uniporme namin. Lumuhod ako at nagsimula ring magpulot ng mga papel.
BINABASA MO ANG
Playful Melodies (COMPLETED)
Teen FictionMacy Jean Lim has always been the typical nerd at school. Yung top sa klase, lapitan ng mga bullies, the weakest among the weak. How did she exactly fall inlove with a guy her opposite? Si Sebastian Guevarra III, often associated with the name, Bas...