Kabanata 39: Drawings
I tied my hair into a bun. Nakapameywang ako at huminga ng malalim habang pinasadahan ng tingin ang mga dalawang nakabukas na maleta na nakapatong sa kama ko. May laman na ang mga ito ng damit ko. Sabado pa lang pero bilin ni mama ay mag-impake na ako para wala akong makalimutan. Dad told me to pack small because he will buy me clothes once we have time time to shop in Manila. Nanghihinayang ako sa iiwanan ko dito kaya sinisikapan ko pa ring isiksik iyon sa mga maleta.
Tinext ko na si Miss Marj na bibisitahin ko siya ngayon. Thank God she's free today at hindi masyadong packed ang schedule niya.
Binuksan ko ang pinakamababang drawer na matagal at madalang ko lang talagang buksan. Naroon ang mga damit na madalang ko ring suotin. Sweatpants, jogging pants and a couple of sandos. Kinuha ko ang mga nakapatong na damit at may nakapa akong kung anong matigas sa likod ng aking daliri. Inangat ko ang mga damit ko at doon ay may nakatagong payat na kahong mabulaklakin. Kumunot ang noo ko at inalala kung ano iyon. Umupo ako sa sahig ng pa-indian seat at pinatong iyon sa aking hita.
Papers with a variety of colors are stacked in there. Binuksan ko ang isang nakatiklop at nakita ang drawing ng isang batang babae at isang batang lalaki na magkahawak ang kamay. Napasinghap ako at kumalabog ang puso ko nang napagtanto kung ano iyon. Lahat iyon ay mga drawing ang laman, kung hindi ay sulat kamay ng pangalan naming dalawa.
Tinipon ko iyon, mabilis na nilagay sa kahon, sinarado ito at mariin na pumikit. Uminit ng gilid ng mata ko.
"Macy?" Narinig ko ang pagkatok ni mama sa pinto.
Pinunasan ko ang luhang nagbadyang lumabas at agaran akong tumayo at pinatong ang kahon sa kama ko. "Po?"
Mama opened the door. Mabilis siyang napatingin sa mga maleta ko at sa mga damit na nilabas ko sa cabinet. "Do you need help?" She asked.
Tipid ang ngiti ko at umiling.
Tumango siya at tinitigan ako. I saw empathy in her eyes. Pinasadahan niya ng tingin ang suot ko. Tight jeans and a white pullover ang suot ko ngayon.
"Lalabas ka?"
"Opo. Kakausapin ko boss ko, yung naghire sa akin na magturo ng piano lessons." Sabi ko habang nilagay ang isang jogging pants sa lamesa.
Tumango ulit si mama. Parang may gusto siyang tanungin kanina pa pero nagdadalawang isip siya. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagtupi sa isang damit na nagulo, si mama ay pinapanood ako.
"Macy, what did your friends say?"
Napatigil ako sa pagtupi at inangat ang tingin kay mama. Hindi ako kaagad nakasagot.
I bit my lower lip before answering. "Uh, well... Vivien is mad... but that's okay, I expected it. Si Rick naman, hindi, but he's probably disappointed."
Tinaas ni mama ang kilay niya. As if waiting for something more. "And? Yung naghatid sayo? Si Basty? What did he say?"
I gritted my teeth. Parang interesado si mama sa magiging sagot ko. She wants to know Basty's reaction. But I can't answer that. For one, I don't know what he would say. At hindi ko naman sinabi sa kanya, wala siyang alam.
Nagkibit-balikat ako at umiwas ng tingin. "Nothing. Wala siyang sinabi." I lied. That's because whenever Basty is the topic, lalo lang akong naguguilty, kaya mas mabuti pang putulin ko na ang usapang siya ang topic.
Narinig ko ang buntong hinga niya. Now I don't know if she believes my lie or she's just disappointed at something.
"I'll make pancakes by the way, eat before you go." Ani mama bago lumabas ng pinto.
BINABASA MO ANG
Playful Melodies (COMPLETED)
JugendliteraturMacy Jean Lim has always been the typical nerd at school. Yung top sa klase, lapitan ng mga bullies, the weakest among the weak. How did she exactly fall inlove with a guy her opposite? Si Sebastian Guevarra III, often associated with the name, Bas...