Kabanata 58: Last goodbye
Bumalik ako ng ospital. I could take a cab but Theo won't let me, ang gusto niya ay ihatid ako doon. Sa totoo lang ay ayaw niya akong bumalik sa takot na pagsabihan nanaman ako ng masasakit na salita ng nanay ni Basty. But I told him I would go there either way, kahit ihatid niya man ako o hindi. Sa huli ay wala na siyang nagawa.
"Wala na doon ang nanay niya." Sabi ko. Nagbabaka sakali makakapagpanatag ng loob ni Theo.
Malapit na mag-gabi nang nakarating kami ng ospital.
"Thank you, Theo." Sabi ko pagkalabas ng sasakyan. Dala-dala ang case ng gitara at keyboard ay akmang papasok na ako sa ospital ng narinig ang pagbukas ng pintuan ng sasakyan ni Theo. Hinarap ko siya at nakita ko ng lumabas siya, inangat niya ang kilay niya sa akin.
"Theo..."
I want him to go home. Masyado ng marami ang mga pabor ko sa kanya at nakakahiyang ginaganito ko pa siya. I don't want to hurt him pero ginagawa ko pa rin. I don't want to give him false hopes pero ginagawa ko pa rin. Ayaw ko itong ginagawa ko sa kanya. Pakiramdam ko ay ang sama ko ng tao.
"Theo, umuwi ka na." Sabi ko sabay tingin sa madilim na langit.
"Sasamahan kita."
Pumikit ako't huminga ng malalim. "Theo, you've done enough, and I'm thankful. Pero nakakahiya na. Baka hinahanap ka na ng ate mo sa bahay."
Kinagat niya ang labi at parang pinipigilan ang sariling magsalita. "Macy, I can't bare seeing you hurt."
Nagkatitigan kami ni Theo. I don't know what he meant by that. Kumunot ang noo ko.
"Alam kong wala akong binatbat sa lalaking simula pa lang noong bata kayo ay tumitibok na ang puso mo para sa kanya. At alam kong isa ako sa mga pumipigil sayo para makasama ang lalaking iyon."
Kinagat ko ang labi ko.
Here is a man that loved me dearly. Pero hindi ko magawang mahalin siya pabalik. At masakit iyon para sa akin. Ako ang nasasaktan para sa kanya.
"I know I'm probably being pathetic, hoping that-" I stopped him mid-sentence.
"You are not pathetic, Theo."
Umiling siya. "Don't take this the wrong way, Macy. Sana huwag mong isipin na pinagmumukha kong kawawa ang sarili ko para ako ang piliin mo. I love you. And I want you happy. I won't say I am letting you go, because apparently, I never had you. Kung masaya ka, Macy, masaya na rin ako para sayo."
"Theo." I unconsciously hugged him. It happened again. Yung pakiramdam na nakasakit ka pero pati ikaw ay masasaktan. Nangyari na iyon dati noon kay Basty. Sinaktan ko siya, tinataboy, at nasasaktan ako kapag ginagawa ko iyon. Ngayon naman ay nangyayari ito ulit.
Kung tutuusin, swerte ako kay Theo. Siguro kapag ibang lalaki lang siya ay hindi na niya ako papayagang makipagkita kay Basty. Siguro ay hindi siya papayag na huwag ko siyang piliin. But he loves me enough to let me go. And I admire him for that. Yes, only admiration. Because I really can't give him love, kahit anong gawin ko.
Pinanood ko ang sasakyan ni Theo paalis ng parking lot ng ospital bago pumasok. Parang pinupunit ang puso ko habang pinapanood siyang umalis.
Dumiretso ako sa elevator at tumaas na. Si Genevieve lang ang naabutan ko na tumayo kaagad mula sa pagakaupo nang nakita ako.
"Macy." Aniya. Bumilog ang mata ko nang sinalubong niya ako ng mahigpit ng yakap at nagtagal ng ilang segundo bago iyon ikalas.
"Finally, I get to meet you. I'm Genevieve, Basty's second eldest sister."
BINABASA MO ANG
Playful Melodies (COMPLETED)
Teen FictionMacy Jean Lim has always been the typical nerd at school. Yung top sa klase, lapitan ng mga bullies, the weakest among the weak. How did she exactly fall inlove with a guy her opposite? Si Sebastian Guevarra III, often associated with the name, Bas...