Kabanata 59: Wait
I took a cab home. Mabilis akong nilapitan ng kasamabahay nang nakita ako para ibuhat ang dala kong gitara at keyboard.
"Thank you." Sabi ko at mabilis na dumiretso sa sofa, pinahinga ko kaagad ang ulo ko sa back rest nito. Pagod ang utak ko dahil sa sobrang dami ng iniisip at pagod rin ang katawan ko dahil kulang ang tulog ko.
"Ma'am, sa kwarto niyo po ba?" Tanong ni Aling Flor na siyang kumuha ng mga dala ko.
Tumango ako at ilang sandali ay narinig ko ang pangalan ko galing sa itaas. Daddy, wearing a white shirt and black pants, is sweating while walking down the stairs. Mukhang galing sa pagtakbo gamit ang kanyang treadmill dahil may bimpo sa likod ng kanyang leeg. It's his day-off today, probably.
I still can't believe he didn't tell me he saw Basty last year. Kahit gusto ko siyang intindihin ay nananaig pa rin ang kagustuhan kong malaman iyon at isipin na mali ang ginawa niya.
Lumabas si mama galing kusina at nang nakita ako ay kaagad akong tinabihan. She was about to tell me something but stopped when she noticed dad's presence.
May nagbigay kay daddy ng isang baso ng tubig at ininom niya iyon bago ako harapin.
"Macy, gutom ka ba?" Tanong ni mama na halos hindi ko na narinig dahil nakatingin ako kay daddy at nasa kanya ang buong atensyon ko. Madami akong tanong sa kanya at gusto kong malaman ang sagot.
"Daddy..." I called him.
"Yes, dear?" He asked while wiping the sweat on his forehead with his small towel.
"Nagkita ba kayo ni Basty last year?" Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa.
Kumunot ang noo ni daddy, probably shocked that I knew about it. Nagtinginan pa sila nila mama kaya napatingin din ako sa kanya. Medyo nagulat ako nang hawakan ako ni mama sa braso.
"Did Basty tell you that?" Asked dad.
"He's unconscious at the hospital, probably on his deathbed, how can he tell me?" I sarcastically asked, hindi ko na talaga napigilan. Sobrang galit ako kay daddy. Hindi ko alam bakit mas nagalit pa ako sa kanya ngayon kumpara noong bigla na lang siyang nagpakita pagkatapos kaming iwan.
What if the circumstances will change? What if dad told me? Much better, what if dad didn't stop him from talking to me in the first place? Ano kaya ang mangyayari?
"What hospital?" Hindi ko alam kung ako o si mama ang tinatanong niya dahil pabalik-balik ang tingin niya sa akin at sa kanya.
"Macy..." Si mama. Parang pinapakalma ako.
"Basty is in the hospital right now. His mom talked to me. At... at ang sabi niya ay pumunta daw dito si Basty noong isang taon pa. But you stopped him... why?"
Daddy bit his lower lip and sighed heavily.
"Macy, ako ang nagsabi sa daddy mo, ako ang nagsabing huwag sabihin sayo. He was planning to tell you about it."
Sa gulat ay nilayo ko kay mama ang braso ko. Alam niya? Damn, alam niya?
"What? W-why?"
Unbelievable! Alam pala nilang dalawa at hindi man lang binanggit sa akin?
"We want you to move on, Macy. It was said that he will marry somebody else, gusto mo bang marinig ang balitang iyon galing sa kanya?" Ani daddy. "And you already knew about it, anyway."
Umiling ako. Hindi ako makapaniwala. Pakiramdam ko ay pinagkaisahan nila ako.
"That's not the real reason." Sabi ko.
BINABASA MO ANG
Playful Melodies (COMPLETED)
Teen FictionMacy Jean Lim has always been the typical nerd at school. Yung top sa klase, lapitan ng mga bullies, the weakest among the weak. How did she exactly fall inlove with a guy her opposite? Si Sebastian Guevarra III, often associated with the name, Bas...