Kabanata 25

2.5K 30 0
                                    

Kabanata 25: Late

Vivien insisted na isama na niya ako sa sasakyan nila at ihahatid niya ako sa bahay. Pero dahil sa nangyari sa kanila ni Yohan kanina, hindi na ako nagpaunlak pa. I want her to rest immediately. Kung ihahatid pa ako ng driver nila at kailangan pa nilang umikot ng daanan, magtatagal lamang sila at kung magpapahatid ako, imbes na nasa bahay na siya't nagpapahinga, nasa sasakyan pa rin siya.

"Ma! Nandito na po ako." Binuksan ko ang pinto at sinara rin iyon kaagad.

Sinalubong ako ng mabangong amoy mula sa kusina. Mom must be busy cooking dinner right now. Hindi ko napigilang gutumin kaagad.

"Macy..." Lumingon ako sa buong at malalim na boses na tumawag sa aking pangalan. Lalaki siyang nakasuot ng pangpormal.

Kumunot ang noo ko at tinignan ang lakaki mula ulo hanggang paa. Sino itong lalaking ito? Ang unang sumagi sa isip ko ay baka bisita ni mama pero nang nakita ko ng maigi ang kanyang mata ay napaatras ako.

Bumilis ang kabog ng aking dibdib.

"Macy." Nilingon ko si mama na kakalabas pa lang ng kusina. Puno ng pag-aalala ang kanyang mata, mabilis niya akong dinaluhan.

Tinignan ni mama ang lalaking tumawag sa akin. Umatras muli ako pero hinawakan ni mama ang braso ko.

"Macy... anak..." Nilapitan ako ng lalaki. Nanlaki ang aking mata dahil sa katagang tinawag niya akin.

Anak? Hindi ako nakapagsalita. Everything is just too much for me to take in. I don't loathe my father, alam ko iyon sa sarili ko. Pero ngayong nandito na siya sa aking harapan ay hindi ko pa rin mapigilan ang pag-usbong ng mapait na nararamdaman.

Tumikhim ako. "Excuse me." Sabi ko at mabilis na kumaripas ng takbo paakyat sa aking kwarto, agaran ko iyong nilock. Sumandal ako sa pinto.

Mabilis ang aking hininga at parang pakiramdam ko ay panaginip lang ang nangyari. It's been, what, more than ten years ever since we last saw each other, at hindi nila masisisi kung ito ang aking magiging reaksyon.

What happened? Why is he here? What the hell is my father doing here?

Narinig ko ang dahan-dahang pagkatok nila sa pintuan ng aking kwarto. Hindi pa rin ako nakagalaw galing sa pagsandal.

"Macy, anak..." It was mom.

Tumikhim ako at inayos ang boses. "Po? My?" Pinunas ko ang nagbabadyang luha.

Walang nagsalita sa labas. Nilapit ko ang aking tenga at narinig ang mga munting bulong.

"Nagulat lang siya, Fredo. Give her time."

"I understand..."

Pagkatapos noon ay wala na akong narinig na kung ano galing sa labas. Umupo ako sa dulo ng aking kama. My tears flowed like water, pero mabilis ko iyong pinunasan.

I miss daddy. God knows how much I missed him and how much I long for a father. And I know mom does too, kahit hindi niya sinasabi, alam ko, alam kong namimiss niya si tatay.

Napalingon ako sa pintuan nang nakarinig nanaman ako ng katok. "Anak." It was mom again.

Tumayo ako at pinunas ang luha. Bumuntong hinga ako.

"Wala na siya. You can open the door now." Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nang narinig ko iyon. Ano? And just with that he's gone again?

Binuksan ko ang pintuan at hindi ko napigilan ang sariling yakapin si mama. Umiyak ako sa kanyang bisig at naramdaman ko ang kanyang haplos sa aking buhok. I literally cried like a baby girl, and I wasn't ashamed of it.

Playful Melodies (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon