Kabanata 18

2.9K 42 0
                                    

Kabanata 18: First love

"Papasok na ba iyong boyfriend mo?" Tanong ni Vivien.

Umismid ako. Alam ko na kaagad sino ang tinutukoy niyang 'boyfriend' ko.

Sa sumunod na araw ay wala pa rin akong balita kay Basty. Hinintay kong magtext siya at magpaliwanag kung bakit hindi siya nakapasok kaso walang dumating. Hindi ko nga alam kung bakit ko pa hinintay gayong alam kong hindi talaga siya magtetext. Naghintay rin ako ng mensahe galing kay Miss Marj pero wala ring dumating.

Pinangako ko sa sarili ko na magsosorry ako kay Basty ng maayos. Gusto ko rin na magbati kami. Ako bilang Jen-jen, at siya bilang si Chan-chan Gugustuhin ko man hindi, siya pa rin si Chan-chan na kababata ko.

"Hala, si Basty ba iyon?" Nakuha ni Vivien ang buong atensyon ko nang sinabi niya ang pangalan ni Basty.

Nilingon ko ang tinuturo niya at nakita si Basty na may kausap na babaeng hindi nakauniporme sa gilid ng isang shed. Nanliit ang mata ko habang tinitignan silang dalawa. Medyo malayo kami sa kanila kaya hindi ko nakikita ang ekspresyon nila ngayon.

"Sino yung kasama niya?" Ani Vivien.

Bumilog ang aking mata nang nakita ng maayos ang mukha ng babae.

Ito yung babaeng nakita ko sa mansyon nila!

Hinawakan ng babae ang braso ni Basty at parang hinihila ito. Tumingin sa paligid si Basty at kinuha ang braso ng babae at hinila kung saan.

Parang may sumakit sa bandang dibdib ko habang nakikita ang kamay ni Basty sa braso ng babaeng iyon.

Naramdaman ko na lang na niyugyog ako ni Vivien. "Uy, kilala mo iyon?"

Nagkibit balikat ako. Hindi ko iyon kilala at parang ayaw ko ng malaman.

Akala ko kakausapin ako ni Basty sa araw na iyon. I was hoping that he would apologize because of what happened last Sunday. Hindi naman niya kailangang mag-sorry pero parang nakilala ko na siyang bilang ganoong klaseng tao. Kaya nang hindi niya ginawa niya ay parang nabigo ako.

How ironic that I told him to stay away from me, kasi natatakot ako sa mga chismis. Ngayong lumalayo na nga siya, gusto kong lapitan niya ako.

"Paano kayo gagawa ng kanta kung nag-aaway kayo?" Tanong ni Vivien.

Right. Bigla ko nanaman iyong naalala. I should talk to Basty on Sunday then. Hindi dapat namin dinadala sa school works ang away namin. Sa linggo, pagkatapos ng tutoring, sisimulan na namin ang paggawa ng kanta.

Kinamusta ni Mr. Mendoza ang kantang dapat nasimulan na namin. Mabuti na lang ay may karamay akong hindi pa ito nasisimulan. Sila Vivien at Yohan ay hindi pa daw nakakapagsulat dahil panay lang ang date, lampungan o kung ano man ang pwede nilang gawin kapag magkasama silang dalawa. Hindi ko alam kung sila na ba o ano, hindi ko rin naman tinatanong si Vivien tungkol doon.

"Sir." Isang malalim na tinig ang nagsalita.

"Yes?"

Lahat kami ay lumingon kay Rick na nagtaas ng kamay.

"Wala po akong partner." Aniya.

Kumunot ang noo ni Mr. Mendoza sa kanya at mabilis na binuklat ang class record. Mukhang nakalimutan niya na transferee ito.

"Oh. Paano ba iyan? Who else doesn't have a partner aside from him?" Tanong ng guro.

Walang sumagot. Alam ko kasi ay even talaga ang bilang namin sa section namin at nang nadagdag si Rick sa amin ay nag-iba iyon. Kaya paniguradong, bukod sa kanya, kami lahat at may partner.

Playful Melodies (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon