Chapter One: He's a Jerk!
| Azmarie Kate Dalla |
Tahimik akong naglalakad sa hallway at tanging mga bibig ng chismosa lang ng school ang maririnig mo.
'What's new?' I thought.
Pero paminsan-minsan ay may maganda din silang dulot.
Binagalan ko ang paglakad ko. Nadidistract ako sa usapan nila ngayon. Nakinig ako.
"No, si Blaize!"
"Blaize what?"
"Ryan Blaize Schubertz! Oh God. Son of the owner of this school."
"You mean, Blaize? The famous gangster?"
"Yes, girl." she rolled her eyes
Blaize... Blaize...
The name sounds familiar but I don't care.
Patuloy ako naglakad na at puro si 'Blaize' ang topic ng mga schoolmates ko.
I heard from them na dito na daw siya mag-aaral.
Fresh from America.
Dumiretso na ako sa classroom ko.
Pati rin dito si Blaize ang usapan.
Umupo ako sa pinakadulo. Walang katabi. Sa tagal ko dito sa Brinstone Academy, wala pa rin akong mahanap na tunay na kaibigan at katulad kong average lang ang kabuhayan. Hindi ako sobrang yaman tulad nila.I always chanting to myself that I will be like them... Someday. I'm hopeful.
'Mag-aaral akong mabuti.' I thought.
Binuklat ko ang libro ko para sana mag advance reading sa Physics pero nadistract ako sa tilian ng mga kababaihan. Anong meron?
They're screaming Blaize's name. 'Yung mga classmates ko ay nagsilabasan at nakikumpol doon. Syempre puro babae iyon at bakla.
I heard some boys said:
"Kaasar naman. Iniwan ako ng gf ko dahil sa Blaize na 'yan!"
"Who's that Blaize?"
"Matakot ka na!"
Grabe. Pati 'yung lalaking may boyfriend iniwan ng girlfriend niya para lang matignan ang Blaize na 'yon at salubungin. Tatayo sana ako para makisilip pero huminto ako dahil nagsalita si Arthur na sikat din dito sa BSA (Brinstone Academy).
"Even you, Azmarie?" he asked.
Umupo ulit ako ng dahan-dahan. "A-ah... Hindi ah. Mag ci-cr lang sana ako." sagot ko na walang katotohanan.
Titingin din sana ako pero nakakagulat nga lang dahil kinausap ako ng isang Arthur Cruz na sobrang sikat dito.
Hindi niya kasi ako kinakausap dahil ang tingin niya sa akin ay sobrang baba lamang. Pinagmasdan niya ang mata ko ng maigi. Yumuko ako. Ayokong mabuko niya ako.
He laughed, "I thought you're one of them."
Tumingala ulit ako at ngumiti ng pilit.
Umalis na siya sa harapan ko at umupo doon sa harapan na kung saan ang mga kaibigan niya ay nakaupo. Tumayo ako at lumabas. Gusto kong makita kung sino ang Blaize na 'yon. Nakisiksik ako hanggang sa biglang may tumulak sa akin at napunta ako sa harapan. Isang matangkad at maputing lalaki ang tumambad sa harapan ko.
BINABASA MO ANG
Gangster Can Be Played
Teen FictionHindi lahat ng gangster ay dapat katakutan. Susubukan kong paglaruan siya...