| Azmarie Kate Dalla |
Tumitingin-tingin ako sa mga pagkain dito sa cafeteria. Hindi ko talaga alam kung ano ang gusto ni Blaize
."Miss, anong tawag dito?" tanong ko sa babaeng nagtitinda.
"Patty Crab po 'yan." sagot niya.
Patty Crab?
Ngayon lang ako nakarinig 'non ah.
Hindi halatang alimango siya. Hmm... Ito nalang kaya? Tama. Binili ko ito para kay Blaize at nilagay sa tray. Syempre may kanin na. Bumili na rin ako ng pagkain ko. Pagkatapos ay bumili ako ng mga soda. Para kila Kelly at samin. Trip ko lang. Meron na akongnakitang pagkain doon sila Zach eh. Pinaplastic ko 'yung sodas at sinapit 'yon sa kamay ko. Nahihirapan nga ako eh. Dalawa ba namang plato ang nasa tray at dalawang malaking styro na naglalaman ng ulam at kanin namin. May kutsara din. Aish. Ang bigat! Kailangan ko pa ring gawin dahil baka mawala nalang ako bigla sa mundong ito. Umakyat na ako pataas ng rooftop at pumasok. Pagkapasok ko ay mukhang may pinag uusapan silang apat. Seryoso ang mga mukha nila at natatakot ako sa black aura na nakapalibot kay Blaize. Anong meron? Naglakad ako papasok at huminto naman sila sa pag uusap.
"Oy akin ba 'yan? Thanks!" aagawin sana ni Drake ang tray pero kinuha 'yon ni Blaize at pinuwesto sa lamesa.
"Sabi ko nga hindi sa akin 'yon."
Nilapag ko 'yung soda .Naka can pala iyon. Kumuha sila isa-isa.
"Ang bait mo naman, Azmarie!" nakangiting sabi sa akin ni Zach.
"Oo nga! Sana lagi ka nalang dito para ilibre mo kami palagi!" sabi ni Drake. Ngumiti nalang ako. Sabay-sabay kaming kumain.
"What's this?"
"Anything." walang gana kong sagot habang nagsimula ng sumupo.
"Steak 'yan, tol. Diba peyborit mo?" tanong ni Drake.
"Tss." kumain na rin siya.Pero maya-maya pa ay nagulat kami dahil namumula na ang mukha ni Blaize at nahihirapang huminga.
"F*ck."mura niya.
Nag panic ako kaya inabutan ko siya ng soda. Ininom niya 'yon.
"Teka, dalhin mo muna sa clinic si Blaize! Puta, Kelly, buhatin mo na!" sigaw ni Drake.
Binuhat naman siya ni Kelly.
"'Yung inhaler ni Blaize sa bag, kuhanin mo Zach!" sigaw ulit ni Drake.
"Tatawag ako sa doctor ni Blaize!"
Hindi ko alam kung anong meron. Sumunod ako kay Kelly na buhat si Blaize. Nag sisitinginan na sa amin ang iba at maski sila ay nag panic na din.
"A-ano b-bang nangyayari, Kelly?" tanong ko. Walang malaysi Blaize.
"I'll explain it later!" maski si Kelly kabado din at nafe-freaked out.
--
/CLINIC/
Pabalik-balik ang lakad ng tatlo sa harap ng kama ni Blaize.
Nakaupo lang ako sa may couch at hinihintay na dumating ang doctor ni Blaize.
"Patty Crab ba'yung kinain ni Blaize?" huminto si Zach at tinanong 'yan sa akin.
Tumango ako.
"ALLERGIC SIYA SA CRAB!" sabay-sabay nilang sigaw na kinagulat ko.
A-ano...
Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat.
"Hindi ko alam!" sabi ko at napatayo.
"S*ht. Gagong doctor na 'yon. Ang tagal dumating!" sigaw ni Drake.
"Wala pa ring malay si Blaize. Wait, where's the inhaler?" tanong ni Kelly kay Zach.
"Hindi ko mahanap sa bag ni Blaize. Iniwan."
"That Blaize!"
"Sandali muna, Kelly. Diba meron 'yon sa locker niya?"
"Ang talino mo talaga, Drake! Takbuhin mo na, Zach!"
Napaupo nalang ulit ako. Maya-maya pa ay dumating na ang doctor. Sinigawan siya ni Drake. Galit si Drake. Nasa labas ako ng clinic nakaupo. It feels like it's all my fault. Dapat una palang sinabi ko ng Patty Crab 'yon at hindi steak.
Walang malay tuloy si Blaize at hirap huminga...
I sighed.
Lahat sila na freaked out.
"It's my fault." I whispered through the air.Paano nalang kung may masamang mangyari kay Blaize? Nakakatakot. Paniguradong paggising niya bubulyawan niya ako. Sinabi niya kasi na kahit ano eh.
I sighed again.
Parang gusto ko tuloy lumayo nalang. Natakot kasi ako bigla sa kanila... Lahat sila ay galit dahil sa nangyari kay Blaize.
"It's really my fault." sabi ko.
"Don't blame yourself for what happened to Blaize." napatindig ako dahil sa nag salitang si Kelly.
"Kasalanan ko." yumuko ako.
"We have nothing to blame."
"It's still my fault. Dapat inalam ko muna kung saan siya allergic."
"Stop it, Azmarie."
"K-kasalanan ko..." mahina kong sabi.
"'Wag mo sabi sisihi--"
Dumating bigla siZach na haggard at nag aalala.
"Dadalhin si Blaize sa hospital!" sabi nito at tumakbo papasok ulit.
Nanlaki ang mata ko.
"Hindi kaya ni Blaize. Matindi ang allergy ni Blaize sa crab... I'll go now. Don't blame yourself."
"I'm sorry." yumuko ako.
Umalis na si Kelly. Tumulo nalang ang luha ko at tumakbo pabalik sa classroom ko. Inubob ko ang mukha ko sa lamesa at doon umiyak.
Kasalanan ko.
Feeling ko galit sila sa akin.
Lalayo muna ako. Kasalanan ko talaga.
Sorry talaga Blaize!
BINABASA MO ANG
Gangster Can Be Played
Novela JuvenilHindi lahat ng gangster ay dapat katakutan. Susubukan kong paglaruan siya...