Chapter 15

14 2 0
                                    

"Why the hell would you stay here in 3 days?" he asked me annoyingly.

"3 days lang naman!" nakanguso kong sabi.

"The fck, 3 fcking days are not that short, Kate." inis niyang sabi. "Are you out of your mind?" dagdag pa niya.

Tumayo ako sa pagkakaupo mula sa sofa.

"Okay. Sabihin mo na lang kasi na hindi ako welcome dito sa condo mo, hindi yung kung ano ano pa ang pinagsasabi mo." iritable kong sabi at humakbang patalikod sa kanya.

Naramdaman kong kumirot yung puso ko. So he is just a boyfriend. A normal boyfriend. A boyfriend who doesn't care about you. Sa bagay, hindi naman talaga niya ako tunay na girlfriend dahil pagpapanggap lang ang lahat ng ito.

"Fck. It's not what I meant." he said.

Huminto ako sa paglalakad at nagsalita nang hindi siya hinaharap.

"It's fine. Ano bang karapatan ko na makitira rito? We're not even that close." matamlay kong sabi.

Kaunti na lang at tutulo na ang luha ko. Ang sakit lang dahil sa nangyayari sa buhay ko ngayon. Hindi ko na alam. Halo halo na ang sakit na nararamdaman ko.

Iniisip ko pa lang na maghihiwalay sina mommy at daddy ay namimilipit na sa sakit ang puso ko. I don't want them get divorced. Sila na lang ang meron ako. Ayoko. Ayoko.

"Hey..."

Sa sobrang lalim ng iniisip ko, hindi ko namalayan na humihikbi na pala ako.

"Hey, are you alright?" hindi ko namalay na nasa likod ko na pala si Blaize.

Marahan kong pinunasan ang luha ko at ngumiti kahit na hindi niya nakikita.

"I'm fine. Alis na ako." matamlay kong sabi at bubuksan na sana ang pinto pero pinigilan niya ako gamit ang kamay niya na nakahawak sa braso ko.

"Hindi ko sinasadya na sabihin yon. I am just worried because it's already 10pm. What do you think I would do? Of course I will get mad."

Hindi ko alam pero napansin kong naging malumanay ang boses ni Blaize. Worried siya sa akin?

Humarap ako sa kanya.

"Ano ba nangyari?" he asked.

Sa tanong niya na yon ay lalo akong naiyak. He was shocked.

"Sht. Don't cry!" natataranta niyang sabi.

Nakayuko lang ako habang malakas na humagulgol.

"I don't know anymore. Mom and dad got a divorce and I don't know what I will do anymore. Ayokong magkaroon ng broken family!"

Napamura siya sa sinabi ko.

"I love my mom and dad! Ayokong makita silang hindi ayos! Ayokong makitang hindi sila magkasama. Ayokong tumira nang kami lang dalawa ni mommy sa bahay! Ayoko, Blaize!"

Halos 30 minutes akong umiyak kay Blaize at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako habang nakayakap sa kanya.

NAGISING AKO sa sinag ng araw. Pagkatingin ko sa paligid, naalala ko ang lahat ng nangyari kagabi. I cried and slept while we were standing in front of the door.

Napansin kong wala si Blaize sa kwarto. Saan siya natulog? I didn't know.

Tumayo ako upang lumabas ng kwarto.

Halatang wala na akong kasama sa condo na ito dahil walang bakas na nandito si Blaize. Nasaan ba siya?

Nang makaramdam ako ng gutom ay pumunta ako sa kanyang kusina, at doon, may nakita akong note.

Gangster Can Be PlayedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon