Chapter 12

17 3 0
                                    

Leigh's Note: At dahil natutuwa ako, 2 chapters for this day, everyone!

| Azmarie Kate Dalla|

Labis ang kaba ko nang ginawa ko iyon.

Sa una ay nagulat pa siya subalit siniil niya na rin ako ng halik. Habang parahas ng parahas ang halik namin, palakas naman ng palakas ang tibok ng puso ko. Lumipat ang kamay niya sa pisngi ko habang ang isang kamay niya ay nasa batok ko. Yumakap ako sa leeg niya. Nalasahan ko ang alak. Para bang nalalasing din ako. We're kissing torridly like there's no tomorrow.

Huminto siya at pinagmasdan ako sa mata. Gusto kong umiwas pero dapat hindi.

Bigla siyang ngumisi at hinalikan ulit ako. Napahigpit ang pagyakap ko sa kanya nang kagatin niya ang ibabang labi ko. Ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko. Para bang sasabog na ito.

Napasinghap ako nang bumaba ang isang kamay niya sa dibdib ko kaya natulak ko siya palayo.

"B-bakit mo ginawa yon?!" gulat kong tanong.

Nagkibit-balikat lang siya at inayos ang suot niyang V-neck na gray. Nag shot siya ng isa at nilingon ako.

Inayos ko ang dress ko at umiwas ng tingin.

"Dahil sa ginawa mong paghalik sa akin ayoko na tuloy pakawalan ka pa."

Nanlaki ang mata ko.

"A-ano?"

"You heard it, right?"

"I can't believe you!"

"It's okay."

"Hah!" napasinghap nalang ako.

Nahuhulog na ba siya? Sandali, bakit ba ang lakas ng tibok nitong puso ko?

Bumuntong hininga ako. Hindi dapat ako ang magpapaapekto. Siya dapat ang maapektuhan.

**

Hirap na hirap akong bumungon dahil sa bigat ng pakiramdam ko. Pakiramdam ko ay sasabog ang ulo ko. Ang sakit ng ulo ko. Dinilat ko ang mga mata ko at literal na nanlaki ito ng makitang wala ako sa kwarto ko. Napatingin ako sa katabi ko. Si Blaize.

"Oh my God." bulong ko.

Mahimbing siyang natutulog sa tabi ko. Nataranta ako. Naalala ko, di nga pala ako nakauwi dahil...

+Flashback+

Nakakailang shots na si Blaize at mapupungay na ang mga mata niya. Naiwan na ulit kaming dalawa dito dahil nagsasayawan na ang iba sa first floor.

Napatingin ako basong nasa harap ko na may lamang wine. Gusto kong tikman dahil never pa akong nakatikim ng wine o alak.

"Let's drink."

Nagulat ako dahil biglang umupo sa harapan namin ni Blaize si Bernadette at inaya akong uminom.

"A-ako?" sa una'y nag-alinlangan pa ako kung ako ba ang inaya niya.

"Yah." tumango siya at ininom ang baso niyang hawak.

"Stay here." sabi ni Blaize at saka tumayo.

Tumingin ako sa basong nasa harapan ko. Alinlangan kong kinuha iyon at ngumiti kay Bernadette.

"Cheers?" tinaas niya ang baso niya.

Alinlangan kong dinikit ang baso ko.

"Ch-Cheers."

Ininom ko ang wine. Napapikit ako.

"So, how are you and Blaize?" tanong niya.

"Okay naman."

Gangster Can Be PlayedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon