Chapter 14

23 3 0
                                    

Azmarie's POV

Pinagmasdan ko lang siyang lumakad papalapit sa pwesto namin. At nang makalapit siya ay agad niya akong hinila palabas ng court.

"Teka, Blaize, saan mo ako dadalhin?" Tanong ko subalit wala akong nakuhang sagot mula sa kanya.

Nang makalabas kami ng gymnasium saka ko inalis ang kamay niya sa aking pulsuhan.

"Ano ba ang problema mo?" Tanong ko.

"You," tipid niyang sagot at nagpamulsa.

Napairap ako. Ano naman ang problema niya sa akin? Hindi ba't ako dapat ang magalit sa kanya dahil hindi niya man lang ako hinatid?

"Ano naman ang problema mo sa akin?"

Pinagmasdan niya lang ako. Napataas ang ang kilay.

"Blaize, mag-uumpisa na ang play kaya babalik na ako doon." Mahina kong sabi.

Ngayon, ang kilay niya naman ang tumaas.

"Who told you you'll go back there?"

Kumunot ang noo ko.

"Pinipigilan mo ba ako?"

"Nope," kalmado niyang sabi.

Mas lalong kumunot ang aking noo.

"Go on," sabi niya at biglang naglakad papaalis.

Hala, anong problema no'n?

Hinabol ko siya.

"Blaize, sandali!" Humawak ako sa braso niya pero hindi niya ako pinansin.

"Blaize naman! Bakit ba ang isip bata mo?"

Napatakip ako sa aking bibig ng marealized ang aking sinabi.

Binitawan ko ang kanyang braso. Bigla rin siyang huminto sa paglalakad at hinarap ako na may masamang tingin.

"What did you say again?"

Ngumuso ako. May mga estudyanteng napapatingin sa amin kaya umayos ako ng tindig.

"Wala. Kung gusto mo tumabi ka nalang sa amin nila Nash!" Suhestyon ko.

Umarko ang kanyang kilay.

"Manonood ka rin naman diba?"

"Tsk." Naglakad na siya ulit pabalik sa gym kaya sumunod na ako sa kanya.

Sumabay ako sa kanyang gilid.

Ramdam ko na agad ang tingin sa kanya ng kanyang mga fans na babae. Napapairap nalang ako. Kailan kaya siya mawawalan ng fans?

Malapit na kami sa pwesto namin ni Nash nang biglang may tumawag sa pangalan ni Blaize mula sa likod. It is Drake.

Lumapit siya sa amin. Nginitian niya ako saglit at bumaling kay Blaize.

"I have something to tell you."

"What is it?"

Lumingon sa akin si Drake. Mukhang private ang kanilang pag-uusapan.

"Hintayin nalang kita doon ha." Sabi ko kay Blaize.

Tinanguan niya lang ako at pinagmasdan akong pumunta sa aming pwesto. Nang makaupo ako ay nakita kong naglakad sila papunta sa kung saan.

"Okay na kayo?" Napalingon ako kay Nash.

"Oo?" Hindi ko sigurado na sagot.

Napansin kong lumipat na sa ibang pwesto si Light. Mabuti na rin 'yon para may pwesto si Blaize.

Gangster Can Be PlayedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon