| Azmarie Kate Dalla |Pagkapasok ko palang sa mansyon nila Blaize halos malaglag ang panga ko dahil sa nakita ko.
They are all waiting on us.
Marami sila. Buong angkan ni Blaize! Maski si Blaize nagulat din at hindi makapaniwala.
"Mom, Dad, ano 'to? Are you two crazy?" sabi ni Blaize.
"Of course not, Ryan. " sagot ng mommy ni Blaize.
Kinamot ni Blaize 'yung batok niya sa inis.
"Well, that's your mom's plan." sabi naman ng daddy niya at tumingin sa akin.
"You're Ryan's girlfriend?"
Tumango ako. Kinakabahan talaga ako.
Nilapitan ako ng mommy niya at niyakap nalang bigla.
"You're so pretty, hija. You're Azmarie, right?"
I nodded again.
"Tama ang pinili ni Ryan. Ilang taon na rin siyang walang pinapakilala sa amin." then they laughed.
"Mom! Aish." hinila ni Blaize sa tabi niya.
"You met her already. We can go now." sabi niya.
"What? She doesn't even know what's our name!" pigil ng mom niya.
"Hija, I'm Rayne and call me Mommy Rayne--" pinutol siya ni Blaize.
"We're not married. Tita Rayne is better."
"Ewan ko sayo, anak. Oh sige na. I'm your Tita Rayne and he's Tito Blake. They are our cousines, sisters and brothers--"
"Done, Mom." pigil ni Blaize at hinila na ako paalis.
"Wait, Ryan! Let's eat!" habol ni Tita Rayne.
Huminto bigla si Blaize at tumingin sa akin.
"I didn't eat since I was confined in hospital."
"Ano?" gulat kong tanong.
"Don't wanna repeat it. Tss. Let's go back there and eat." sabi niya at hinila na ako doon. I saw them smiling so I smiled.
--
/DINING TABLE/
Mabait ang family ni Blaize.
"Hija, tell me how you two met." Tita Rayne said while we're eating.
"Hulaan ko, masungit 'yan si Blaize ano?" sabi 'yan ng tita ni Blaize.
Napatingin ako kay Blaize. Ano bang isasagot ko? Sasabihin ko ba nanapakawalang hiya ng anak niyo? Erase. Erase.
Pero siya patuloy lang siyang kumakain. Sinipa ko 'yung paa niya. Magkatabi kami. Nilingon niya ako and asked me, "What?"
Tinignan ko sila, "Si Blaize nalang po ang magku-kwento." sabi ko at ngumiti.
"For what?" kunot noong tanong niya. Nilingon niya ako, "Why would I tell them a story?"
"You're not listening!" sabi sa kanya ni Tita Rayne.
"Paano kayo nagkakilala, I said!" dagdag ni tita.
"Ah." tumango-tango si Blaize.
Ano kayang sasabihin ng lalaki na 'to?
Tsaka hindi naman namin mahal ang isa't-isa! May plano pa ako na i-break siya kapag nahulog na siya sa akin. I trust myself. Hindi ako mahuhulog sa kanya. Kahit na gwapo pa siya o ano!
"Well, it's too private to tell you." walang ganang sabi ni Blaize.
Nakita kong nagbago ang itsura ni Tita Rayne.
Sinipa ko ulit siya sa paa pero sinipa niya rin ako pabalik. Sinamaan ko siya ng tingin pero tinaasan niya ako ng kilay. Kumain nalang ulit ako
."Why can't you tell? We're just curious, Ryan!" Tito Blake said.
"Aish. I'm not in the mood to talk."
Grabe naman sumagot si Blaize. Feeling ko hindi niya close parents niya eh.
"Stop it, Blake. Uhm, Azmarie, ilang months na kayo ni Ryan?" Tita Rayne asked.
Bahala na nga! Mag sisinungaling nalang ako.
"Mag ti-three--" pinutol ako bigla ni Blaize.
"We're going." hinila niya na ako patayo.
"Una na kami." sabi niya at hinila nalang ako patakbo. Narinig ko pang tinawag ako nila Tita Rayne pero ang bilis tumakbo ni Blaize. Asar naman!
Huminto na kami sa labas at tinulak ako papasok sa kotse niya.
Nauntog pa nga ako eh.
Pinaandar niya ng mabilis 'yung kotse niya.
"Hoy, Blaize! Wala pa akong seatbelt!" sigaw ko sa kanya at sinuot 'yung seatbelt.
Papatayin yata ako ng lalaki na 'to.
"Nagmamadali ako. Where's your house?" he asked.
Tinuro ko 'yung daan.
Medyo bumagal na 'yung takbo niya. Napatingin nalang ako sa labas ng bintana. Gabi na.
12 pm pasok namin at mag lalabasan ng 8 pm. Nasa 6 palang ng gabi.
"Hindi ba tayo babalik saschool?" tanong ko sa kanya.
"Nope."
"Okay." sabi ko nalang.
"Kate," napalingon ako sa kanya pero diretso lang ang tingin niya sa daan.
"Let's try this."
Kumunot 'yung noo ko.
"Ang ano?"
"This f*cking relationsh*t!" sigaw niya.
I gasped.
"I mean, relationship."
"Paano mo naman nasabi?"
"Ah... I don't know. It's been 2 years since I serioused a girl. I don't like playing anymore so let's try. That's an order."
Napatahimik ako bigla.
Subukan naming mag work 'to? If we try, mahuhulog siya sa akin. Right!
"Ikaw ang bahala." sabi ko.
"You sure?"
"Masama pa rin ang loob ko 'nung sinabi mong... 'yung una tayong nagkita!"
"Oh that. Just forget about it."
Hindi ko makakalimutan 'yon. Maraming nag iisip na ginagamit lang ako ni Blaize at gamit na ako ni Blaize! Kailangan kong ituloy ang plano ko.
"Sige na. Subukan na natin." sabi ko. Tinignan niya ako sa rear view mirror.
"'Kay then." sabi niya at tumingin na sa daan. Bahala na si Batman sa mangyayari 'no! Sana... Ikaw ang unang mahulog sa ating dalawa.
BINABASA MO ANG
Gangster Can Be Played
Teen FictionHindi lahat ng gangster ay dapat katakutan. Susubukan kong paglaruan siya...