Kinakabahan ako. Pabalik-balik akong naglalakad sa loob ng kwarto ko. Iniisip ko kung tama ba ang naging desisyon kong pumayag na subukan namin ni Blaize yung relasyon namin na hindi totoo.
"Az, naman!" bulong ko sa sarili ko. "Dapat hindi ka nalang pumayag! You don't even know him well! Paano kung saktan ka niya? Paano kung trip ka niya? Paano kung may balak siya sayo?" I stopped walking. Natulala ako. "Oh sh*t!" binatukan ko ang sarili ko.
Umupo ako sa kama. Baka nga may binabalak sa akin ang lalaking 'yon. Hindi ba't malaki ang galit niya sa akin simula noong tinawag ko siyang jerk. Ugh! I shouldn't agree with him. Binatukan ko ang sarili ko. 'Do anything, Az! Gaganti ka pa diba?' I thought.
Ayoko na... Ayokong pumayag. Ayoko siyang makarelasyon. But what should I do? I already said yes. At napakilala niya na ako sa kanyang pamilya at mag-anak. They'll get disappointed kapag nalaman nilang wala nang kami na wala naman talaga.
Humiga ako at nagtalukbong.
"Curse you, Blaize!" sigaw ko.
**
"Azmarie!"
Napahinto ako sa paglakad sa gitna ng hallway nang may tumawag sa akin. I saw Arthur walking towards me. Kinabahan ako. Ano kayang kailangan niya? Natatakot ako na baka magtanong siya tungkol sa amin ng Schubertz na 'yon. Nako naman, Az. Humanda ka na sa mapanuring mata ni Arthur. His eyes will kill you.
"H-hi, A-Arthur." kabado kong bati nang nasa harapan ko na siya.
Luminga-linga siya sa paligid.
"W-why did you c-called me?" I asked akwardly.
"Actually," kinabahan ako agad, "Totoo ba 'yon?"
Nanlaki aang mata ko. Malamang makakarating sa kanya ang balita! Baliw ka ba, Az? He's your classmate. Ngayon lang siya naglakas-loob na kausapin ka.
Tumawa ako ng peke.
"Ha-ha-ha! N-nagbibiro ka ba, Arthur?"
"Can't you see I'm so serious?"
Natigilan ako. I sighed.
"I thought you were one of the girl na devoted lang sa pag-aaral. But I'm so fcking wrong. Didn't I?"
Yumuko ako.
"I'm so disappointed, Azmarie."
Kumirot yung dibdib ko. Ito ang unang beses na nasabihan ako na nadisappoint sila sa akin. Mula kay Arthur pa na bully.
"I-I-I'm sorry..." hindi dapat ako humihingi ng tawad dahil wala siyang pakialam kung magkaboyfriend man ako o hindi. Pero masakit pa rin na isipin na bumaba ang tingin ng isang tao sayo.
Tinaas ko ang tingin ko at nagulat ako dahil nakita ko si Blaize sa hindi kalayuan sa amin na nakikinig habang nakasandal sa pader. Hindi siya nakikita ni Arthur dahil nasa likuran siya nito. Nakatingin siya sa akin ng blanko. Bumaling ako kay Arthur.
"Aalis na ako - "
"Azmarie," hinawakan niya ang braso ko, "I know I bullied you so many times. Maaari pang maulit 'yon."
"A-Arthur, why are you saying these?"
Tinitigan niya ako ng seryoso sa mata.
"Enough for the drama. Let's go, Kate." nagulat ako ng bigla akong hinila ni Blaize palayo kay Arthur. Nagpahila nalang ako sa kanya habang pinagmasdan ko si Arthur na ngayon ay nakangisi na. I don't get him. What's wrong with him?
Binitawan ako ni Blaize. Nandito na kami sa tapat ng room namin.
"Go inside." malamig niyang sabi at tinalikuran ako.
BINABASA MO ANG
Gangster Can Be Played
Teen FictionHindi lahat ng gangster ay dapat katakutan. Susubukan kong paglaruan siya...