| Azmarie Kate Dalla |
Pinilit ko si Blaize na ihatid ako sa bahay kahit ayaw niya dahil may importante daw siyang gagawin.
"Sige naman na Blaize oh?"
"I said no. You leave." aniya habang inaayos ang long sleeve niyang striped black and white.
"Pero, Blaize... Magagalit sa akin si Daddy."
"I don't care. It's your problem, not mine."
Bumuntong hininga ako.
"I'm your girlfriend, right? Boyfriend should take care of his girl. Hindi mo ba naiisip na baka mapahamak ako sa daan?"
"Sasakay ka naman ha?"
"Blaize!" halos lumuhod na ako sa harapan niya.
Hindi sa gusto ko siyang makasama. Alam ko kasing baka hindi ako pagalitan ni Daddy at Mommy kapag nakita nilang si Blaize ang naghatid sa akin. Knowing Dad baka mas lalo pa siyang matuwa dahil Schubertz ang nasungkit ng anak nila. Ugh.
Inalis niya ang kamay ko sa dulo ng damit niya.
"Magsasabay lang tayo palabas ng condo but hindi kita ihahatid."
Nag umpisa na siyang maglakad palabas. Nanlumo ako.
Nakayuko lang ako habang sumusunod sa likuran niya. Sumakay kami ng elevator pero nasa likuran niya lang ako at nakayuko.
Ang dami kong iniisip. Una, yung tungkol kay Dad. Pangalawa, kung paano ihanda ang sarili ko sa awarding ko mamaya kay Daddy at Mommy. At pangatlo, ang nangyri sa amin ni Blaize kagabi.
Pero hindi ko alam kung bakit kumikirot itong puso ko kapag iniisip kong walang pakialam si Blaize sa akin.
I heaved a deep sigh.
Naghiwalay na kami ng landas ni Blaize dahil sa parking lot ang punta niya.
Para bang nadurog ang puso ko. Sobra akong nanlumo habang naglalakad ako sa hintuan ng taxi.
"Azmarie?"
Malungkot akong lumingon sa tumawag sa aking pangalan. Nanlaki ang mata ko nang makitang si Light iyon.
"May unit ka dito?" tukoy niya sa building.
Mabilis akong umiling at naghintay sa taxing hihinto.
"Ah, I get it. Dito nga pala ung unit ni Blaize."
Hindi ko nalang siya pinansin dahil wala ako sa mood. Naiinis ako kay Blaize. Bakit ganoon siya?
Bakit wala siyang pakialam sa akin? Mahalaga ba ang gagawin niya?
"Uhm, Azmarie, you know what? I'll drive you home if you want to."
Napalingon ako kay Light na tinuro ang kotse niyang nakaparada sa gilid ng kalsada.
"No thanks." sabi ko.
May nakita akong taxi. Paparahin ko na sana pero may namamadaling pumasok doon.
I sighed frustratedly.
Gusto ko na umuwi at magkulong sa kwarto dahil sa inis na nararamdaman ko.
"Az - "
"Can you please shut up?"
Nanlaki ang mata ko nang pagtaasan ko ng boses si Light.
"I-I'm sorry. I didn't meant to rais - "
"It's okay. I know you have a problem. I understand."
I sighed.
May pamilyar na kotseng huminto sa harapan namin ni Light.
BINABASA MO ANG
Gangster Can Be Played
Teen FictionHindi lahat ng gangster ay dapat katakutan. Susubukan kong paglaruan siya...