Isang ordinaryong biyernes.
Ang showtime studio ay puno ng energy at ng tawanan.
Syempre, sino pa nga ba ang mga pasimuno?
Edi... sila Vhong, Anne, Billy, Jhong, Jugs, Teddy, Kuya Kim, Coleen, Ryan........
Vice at Karylle.
Daily routine na sa Showtime ang pagkakaroon ng Vicerylle moments tuwing Sine Mo 'To. Minsan pa nga, halos silang dalawa na lang talaga ang cast. Pagkatapos ibigay ng hosts ang premyo ng mga madlang artista, nagkaroon muna ng commercial break na nagbigay daan na naman para magkaroon ng Vicerylle moments.
*Off Cam*
Vice: K, 'lika ditooooooooooo. *sabay hila sa kamay ni Karylle papunta sa mga kawayang upuang inuupuan nila tuwing segment ng Pinoy Halo-halo*
K: 'Wag kang magulo diyan, Viceral.
Vice: Init ng ulo mo, bakit ka ba ganyan? *pout*
Anne: Ako alam ko kung bakit!! Hahahahaha
Vice: Nakiki-eksena ka na naman ngangabu! Pero, bakit nga?
K: LQ na naman kami ni Yael kagabi eh. Di kasi ako nakasama sa gig nila.
Vice: Nako Anne, pigilan mo ko!! Konti na lang talaga papaliitin ko pa lalo 'yang minion ni K!!
*Inirapan naman ni K si Vice dahil sa hard joke na binigay niya*
Vice: Joke lang. Eh kasi naman kurba, bakit ba talaga sa maliit ka pa nagkagusto... Andito ko oh, 5'11... Ano bang meron sa kanya na wala ako? *Vice Pogi tone*
K: Iba kasi siya eh. Tuwing kakanta siya, iba yung pakiramdam ko. Parang nasa langit ako tuwing maririnig ko yung boses niya. Hindi siya vocal... pero more on actions.. Kaso lately lang talaga, puro away ang nagaganap sa'min eh. *Unti-unti nang nabubuo ang mga luha sa mata*
VICE'S POV:
Sana pala, di ko na lang siya tinanong. Lalo ko lang sinasaktan sarili ko. Medyo shunga ka rin minsan, selfie 'no? Paano ko ba maaamin to? O dapat ko pa ba aminin? Gusto kitang i-comfort, K... Pero tuwing gagawin ko yun, nasasaktan ko lang din ang sarili ko. K, matagal na 'to eh.. Ang tagal ko na tong tinatago. Unti-unti ko na ngang pinapahalata sa babies natin. Oh diba, sila pa nga 'yung unang nakakapansin. K naman, 'wag kang manhid.
Billy: Guys, resume na. Bilis! Viceral ano ba, lalim ng iniisip ha? Mamaya na 'yan.
Pagkatapos ng Showtime, dumiretso na agad sa DR nila Karylle at Anne si Vice para mangulit, ang magdamubs, pero wala na si Anne.
Vice: Kurba? K? Karylle? Ana? *pasigaw*
K: Yes pogi? B't andito ka pa? May GGV ka ha.
Vice: Eh syempre dadalawin muna kita. *abot ng paperbag* Oh yan, para man lang ngumiti ka. Sayang ganda mo eh... ah eh... ako... sayang ganda ko. Wooh, init naman dito!! *pinagpapawisan* Syet, intense!! Basta ano.. diyan ka na.. Alis na ko.. Bye kurba!! *sabay takbo palabas*
K: Ano nangyari d'un?
Habang nagddrive si Karylle pauwi, inabutan na siya ng traffic sa EDSA. Kaya nama'y habang naka-stop pa, minabuti muna niyang buksan ang paperbag na bigay ni Vice.
Mangiyak-ngiyak si K nang buksan niya ang paperbag. May laman kasi itong isang stalk na white rose, chuckie, ang kanyang self-titled album na "Vice Ganda" (malamang, self titled eh) at note.
Note: Hi Kurba! Ito oh, para man lang sumaya ka kahit ilang segundo. Chuckie, pampa-sweet, lagi mong tatandaan na ako ang iyong one and only chocolatey buddy, at ito oh.. album ko. 150 na lang yan para sayo. chos! Ano.. pakinggan mo. Alam ko nagddrive ka ngayon. Basta, tignan mo ang daan ha! Love, Pogi.
Sinunod naman ni K. Nilagay niya ang cd sa player, at ang unang tumugtog pa ay yung Dahil Mahal na Mahal Kita.
Kahit na nagmumukhang tanga
Kahit na sinasaktan ako
Umiiyak ako dahil sa 'yo
Heto pa rin ako
Halos baliw sa 'yo
K: Maganda pala boses mo, Vice eh... Nakakadala ng feelings..
Kahit na
Niloloko mo lang ako
Kahit na tumingin ka sa iba
Magmahal ka ng iba
Magbubulag-bulagan ako
Masakit man ito dito sa puso ko
Hindi namalayan ni K na tumutulo na pala ang luha niya.. Destiny na yata nang biglang tumawag si Vice sa phone niya, at sinagot naman niya ito.
Vice: Hi kurbs!!!
Hindi naman nakapagsalita ng maayos si Karylle dahil nga sa umiiyak siya... at tanging narinig lang ni Vice ay yung paghikbi niya..
Vice: Karylle?! Umiiyak ka ba? Nasaan ka? Ano nangyari sayo? Okay ka lang ba?
Karylle: Hi pogi. Ikaw talaga, oa ka rin minsan no? Ito kasing kanta mo eh, nakakadala. On the way na ko pauwi. Salamat ha?
Vice: Akala ko naman kung ano.. ay K, may itatanong sana ako sa'yo eh.
K: Ano yun, Vicey?
Vice: Ano... pwede ka bang mainvite bukas? Star Magic Ball diba?
K: Oo nga. Pero hindi tayo Star Magic babies. Haha!
Vice: Gagawan ko nang paraan.... Ano K, okay lang ba ikaw ka-date ko?
K: Ikaw pa ba tatanggihan ko? Go! Hahaha sige see you tom Vice. Magpahinga ka na. Thank you talaga, naappreciate ko. Love you! *end call*
VICE'S POV:
Jusko Lord, salamat. Love you daw? Okay. Asa pa. Pero kahit na. Mahal niya ko. Bleh!!! 'Di ko ineexpect na o-oo sya. Chos, ano to engagement lang? Hahaha. Salamat po at pinakilala niyo siya sakin. 'Wag po kayong mag-alala, iingatan ko po siya! :)
a/n: ok ba guys? hahaha feel free to feed back! thanks for reading :) -m
BINABASA MO ANG
Daylight || Vicerylle
FanfictionSome people meet for a certain reason. Will their dreams really come true, or will they make their own reality?