Twin Dreams

3.8K 104 3
                                    

"Ayaw mo ba?"

"Hindi pero..."

"Jose Marie Viceral, tama? Ang tagal mo na ring nagpapakita sa panaginip ko."

"Wait, ano?"

"See you tomorrow, Vicey." nilapitan niya ako and gave me a quick kiss on the cheek."

-

"So ayun  nga, Vice."

"Ang sinasabi mo sa'kin, lahat ng kinwento ko sa'yo, nangyari rin sa panaginip mo last week?"

"Oo, lahat 'yun." 

"Same scenarios, script?"

"Yes."

Kahit alam kong ang hirap paniwalaan, posible pala 'yun. Posible pala na magkaroon ka ng parehong panaginip katulad ng sa ibang tao. Pagkatapos ng dalawang linggo na pagiging hurado ni Karylle, kailangan niyang umalis dahil mayroon siyang agenda outside the country; at doon na rin ako nagsimulang magplano. Ang una kong kinausap si Billy.

Ako: Bestie, tulungan mo naman ako sa plano ko. 

Billy: Kahit ano basta 'wag pera brad ah. May date kami ni Coleen eh. 

Ako: 'Tado! Kahit kailan kuripot ka. Di, ano... Tulungan mo kong manligaw.

Billy: Ikaw, manliligaw? Sus, kailangan mo pa ba ng tulong diyan? Gawin mo 'yung dati. Rubber shoes. Motorsiklo.

Ako: Baliw ka! Babae 'to.

Biglang nanlalaki ang mga mata ni Billy.

Billy: Ba..babae?! Si Karylle?

Ako: Paano mo nalaman?

Billy: Si Karylle lang naman ang sinasamahan mo nang dis-oras ng gabi, maliban na lang kung gala natin diba? Kaya pala ganon ka sa kanya.. Proud ako bestie, lalaki ka na!

Ako: Lalaki naman talaga ako, napariwara lang.

Billy: So anong plano? 

Ako: Kaya nga ako lumapit sa'yo diba? Wala akong alam sa mga ganito!

Billy: Ah... tara may pupuntahan tayo. 

Agad-agad ng pagtatapos ng usapan namin ni Billy,  dumiretso na kami sa mall. Sabi ni Billy sa'kin, naappreciate daw ng mga babae ang mga damit. Kaya binilhan ko si Karylle ng dark blue na dress, naisip ko kasi pagkakita ko noon na bagay na bagay sa kanya. Ewan ko pero simula noong napanaginipan ko siya, para bang lalaking-lalaki ako. Walang nagbago sa pananalita ko, sa suot ko, pero parang yung kalooban ko 'yung nabago. 

Pauwi na kami ni Billy nang dumaan kami sa isang shoe store, at may nakita akong sobrang gandang sapatos. It was a glass shoes, just like Cinderella's, kaya binili ko ito. May naramdaman din kasi akong kakaiba sa sapatos na 'yon. 

-

Tatlong linggo na ang lumipas simula noong nagguest si Karylle sa'min, at sobrang namimiss ko na siya. Nasanay ako na palagi siyang nandiyan para sakin. Habang kausap ko si Anne kanina during the opening, biglang bumukas ang LED and then I saw her beautiful face again. 

Nakasuot siya ng apple green polo shirt, denim shorts and sneakers, at sa simpleng suot niya na 'yon ako napatigil. Ang ganda ganda niya kahit ang simple niyang tignan. 

"What's up, madlang people!"

"Welcome back K!" Teddy said as he guided K to the hurado seat.

"Ay, hindi na kaya babalik si K diyan!" sabi ni Vhong, na nagulat naman kaming lahat. 

"Kasi Vice, guys... dito na siya sa stage! Welcome to Showtime family, Karylle!" 

And in that moment, I swear I am the happiest person in the world. 

"Uy, hulaan ko kung sino ang pinakamasaya sa'tin." sabi ni Billy, na may tonong pang-aasar habang nakatingin sa'kin. Nilakihan ko na lang siya ng mata as a sign of warning. 

"Si... Vice! Hahahaha!"

Naramdaman ko na nag-iinit ang pisngi ko sa hiya at kilig, kaya tinuloy ko na ang spiels ko. 

-

"Billy, kailan ko gagawin plano ko?"

"Ngayon na! I mean, mamaya. Alam mo ba bahay niya?"

"Oo. Pupuntahan ko na lang mamaya."

"Okay. Good luck bestie! Gandahan mo suot mo."

8:35 na ng gabi. Balita sa'kin sobrang health conscious daw ni Karylle kaya dadalhan ko na lang siya ng dinner. Bumili ako ng fresh lumpia at caesar salad. Bumili rin ako ng broccolli. Dala-dala ko na ang mga ibibigay ko sa kanya. 

Habang ako, nakacostume ng prince. 

Kumatok na ako at sa 15 segundo, binuksan na niya ang pinto, namumungay ang mga mata. 

"Hi Karylle! Sorry, naistorbo ba kita? Parang nakatulog ka na ah."

"Oo eh, pero hindi naman. Okay lang. Anong ginagawa mo rito?"

"Nililigawan ka. O eto, broccolli for you!" sabay about ng broccolli. Tawang-tawa naman siya habang kinuha niya.

"Sabi kasi sa'kin healthy liver ka raw. Kaya ayan, double purpose. Broccolli is a vegetable and at the same time a flower." 

"Hahaha thank you, tara pasok ka." 

Pumasok naman ako. Naamaze ako sa sobrang linis ng bahay niya. Inabot ko na rin yung dala kong pagkain. Buong bisita ko noong gabing 'yon, nakatitig lang ako sa kanya. Nagset up naman siya ng movie, at kung ang ibang tao, popcorn ang kinakain 'pag nanonood, kakaiba 'tong babaeng 'to. Salad ang pinatos.

Karylle: Ay Vice, may nakalimutan akong sabihin sa'yo. 

Ako: Ano yun?

Karylle: Dun sa panaginip ko nagkasakit ako. Ikaw din daw. Pero wala naman talaga akong sakit. Hahaha. 

Vice: Ako rin, bronchial asthma lang naman, walang heart kiyeme. 

Nakita kong medyo inaantok na ulit siya kaya nilabas ko na 'yung binili kong sapatos. 

"Karylle, pwede ba kitang gawing Cinderella ko? Sayang naman 'tong outfit ko."

K hugged me tightly and said, "Yes, Vice. Even before we met nagawa na ang love story natin at 'yun ang dahilan kung bakit hindi kita matatanggihan."

"Ang galing ni Lord. Parang sa movies, pinaghahanda niya 'yung tao from a beautiful story. Parang trailer lang."

"What's the difference between movie and us is that we are a living story."

-

x Short UD! This is the second to the last one. :) x

Daylight || VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon