Pagdating ni Vice sa studio, sinalubong siya ni Direk Bobet.
"Oh Vice, b'at parang aligaga ka?"
"Naku, wala direk. Nakakalokang umaga lang."
"May nahanap na akong guest hurado natin this week."
"Sino po?"
"You know Karylle? Tatlonghari? Yung anak ni Zsazsa. Yun. Fresh from the network. Maging mabait ka sa kanya ha?"
"Oh my god."
-
It's 25 minutes before the show starts. Apat na taon na akong parte ng programang ito pero kabadong-kabado ako. Hindi ko pa rin nakakalimutan, in fact, sariwa pa sa alaala ko 'yung panaginip na pagkahaba-haba kagabi. Last night, my boyfriend broke up with me; giving me pointless and nonsense excuses. Napapagod na akong marinig ang gano'ng mga salita nang paulit-ulit na lang, kaya siguro, nung umagree ako, nagulat siya. Akala niya siguro papalampasin ko. Hindi ko na kaya, napagod na akong umintindi.
25 came 20.... 15.... 10... 5 minutes.
It's Showtime!
Madlang people, salubungin natin ang nag-iinit na summer with your favorite hosts!
Vhong Navarro.
Anne Curtis.
Billy Crawford.
Kuya Kim.
Jugs & Teddy
Ryan Bang.
Coleen Garcia.
and...
Vice Ganda!
Opening spiels. Wala pang limang minuto nagrurun ang program pero parang gusto ko nang tapusin. Sobrang hindi ako komportable, hindi ko alam kung bakit.
Commercial break came.
"Brad, bakit ba parang balisa ka?" Vhong said.
"Ah, yun ba? Wala na kami..." sabi ko naman. Actually, hindi nga ako masyadong tinatablan ng lungkot. Parang wala akong naramdaman, namanhid na ako sa lahat nang panloloko na ginawa niya sa'kin. Yung nararamdaman kong takot ngayon, dahil 'yun sa panaginip ko. Dahil yun sa babae sa panaginip ko. Dahil yun kay Karylle. Dahil yun sa babaeng makikilala ko ngayon.
"Ano? Sabi ko naman kasi sa'yo, walang idudulot na maganda sayo yun. Mambabae ka na lang uli! Hahaha joke lang."
"Siraulo, prinsesa pa rin ako. Wala lang prince..."
Hindi ko namalayan na and'un na yung mga guest hurado. One is Joy Viado, and one, si Karylle na nga. Tumayo sila dun sa taas with only their shadows reavealing them.
Direk Bobet came closer to me and said, "Vice, wala nga pala si Jhong. Ikaw muna sa hurado seat niya."
-
Second gap came. Joy was revealed.
Vhong: O eto, madlang people! Isang sexy singer and actress, galing nga lang sa kabila.... Hahaha!
Anne: Madlang people, please welcome, Karylle Tatlonghari!
It was the uneasiest scenario I got in my whole life.
BINABASA MO ANG
Daylight || Vicerylle
FanfictionSome people meet for a certain reason. Will their dreams really come true, or will they make their own reality?