Jar Of Hearts

9.1K 90 10
                                    

*flashback*

V: Mahal na mahal kita.....

Nang marinig ito ni K ay wala siyang nagawa kundi takpan na lang kanyang bibig habang umiiyak at umalis na ito... habang nag lalakad ito sa hallway ng ospital ay walang humpay pa rin ang pag iyak niya... dahil sa sobrang sakit ng kanyang mga nakita at narinig  ay napa sandal ito sa isang pader at napa upo......

-------------------

 *LISTEN TO MULTIMEDIA BOX*

Nadatnan naman ni Billy si Karylle na umiiyak sa labas ng kwarto ni Vice.

Billy: *tapik sa likod ni K* K... He'll be okay soon. Pray lang tayo.

Karylle: He will... pero paggising naman niya... Hindi na 'ko yung hahanapin niya... Hindi niya na ko mahal, Billy eh.  It will never be the same. Yes, pwedeng magkapatawaran... Pwede magpansinan.... but it will never be okay.

Billy: Ano bang pinagsasabi mo, K. Ikaw lang naman ang mahal niya eh. For three years, K. Three years nang pagkatorpe nya. Three years yun... pero kahit kailan hindi mo naramdaman lahat ng efforts niya, lahat ng pagmamahal niyang ibinuhos niya sa'yo.

K: I don't know... I don't know.. Bababa muna ko sa chapel at bibili ng pagkain. Please call me if there are updates already, okay? And... tell him I love him.

*Flashback*

V: Babe... dito ka lang natatakot ako... *hawak sa kamay ni karen*

Karen: Dito lang ako.. hinding hindi kita iiwan.

V: Mahal na mahal kita....

*Umalis na si Karylle at di na naglookback pa.*

Karen: Vice, baka nakakalimutan mong Karylle kalokalike lang ako. Sige na, magpahinga ka na.... Ibabalita ko na lang 'to kay Ate K. Get well soon...

*end of flashback*

Sa kalagitnaan ng ala-una ng madaling-araw, bigla namang nagising si Vice at tinanaw kung nasa loob ng kanyang kwarto si Karylle... pero wala siyang nakita maski man lang ang anino nito.

Vice: *kalabit kay Billy* Kuys... nasa'n si Karylle?

Billy: Bumaba muna siya, Vice... Bumili lang ng pagkain natin.  Nandito siya kanina, pero nadatnan ka niyang kausap si Karen...

Vice: Ha? Siya yung kausap ko........

Billy: Kuys, kalokalike. Si Karen yun.

Vice: Ah eh... ano sabi ni K? :(

Billy: 'Wag daw kita pababayaan... tapos tawagan ko raw siya kapag nagising ka na... tsaka... mahal na mahal ka raw niya.

Napalunok si Vice sa kanyang narinig...

"Talaga? Mahal niya ako? Eh bakit niya ginawa sa'kin to? Bakit niya ako pinagpalit? Bakit niya ko niloko? Nasan sya ngayon kung kailan kailangan ko ng yakap niya?" nagsimula na namang maiyak si Vice nang biglang magslow down ang heart rate nito...

.

.

.

.

_____/\_______/\/\_____________________________

Nataranta naman si BIlly at agad na tumawag ng doktor at sinimulan na ring i-contact si K..

*on phone*

Billy: K, please go here. Nagising na siya pero umiyak siya at ito bumagal na ang heart rate niya. Please, umakyat ka na....

Dali-dali namang umakyat si Karylle at nadatnan si Vice nang.....

Doctor: 1,2,3....... clear!

Naninikip na rin ang puso ni Karylle sa nakikita niya....

Doctor: 1,2,3.... clear!

"Vice gumising ka na.... please. Kaya mo to...." 

Doctor: Nasa'n po ang mga malalapit sa pasyente? Dito muna ho kayo sa gilid... sabihin nyo na lahat... Sa ngayon naririnig niya pa rin kayo.

Lumapit si Karylle.

K: *hinawakan ang parehong kamay ni Vice* Babe... lumaban ka. Kayanin mo 'to. Gagawin ko lahat. Magpapakalayo ako, kung 'yan ang ikabubuti mo... Gumising ka lang. Di ko kakayaning mawala ka nang ganito, Vice... please.

Unti-unting tumulo ang luha sa kanang mata niVice....

at nagising ito.

Dinilat na niya ang kanyang mga mata.

Vice: *kumalas sa hawak ni K* Nagising na ko, K.... Sana lumayo ka na. Ayaw na kitang makita pa.

Nanlumo si Karylle sa kanyang mga narinig.

K: Kung iyan ang pasya mo, Vice... mahal na mahal kita.

Tumalikod si Karylle at lumabas na ng kwarto, umiiyak pa rin.

Billy: Bakit, Vice? Ayusin nyo naman to. Wag kayong bumitaw ng ganito na lang.

Vice: Sino ba ang unang bumitaw?

Billy: May iniwan nga pala si Karylle. 

Inabot ni Billy kay Vice ang isang box na naglalaman ng jar na puno ng mga capsule-shaped lalagyan na naglalaman ng mga pick-up lines at mga rason kung bakit, paano, at ano ang napamahal kay Karylle kay Vice, isang sulat, at isang chuckie.

Nakasaad sa sulat ang... 

"Vice, sana makarating sa'yo to. Sana nababasa mo to. Kasi hindi ko makakayang mawala ka sakin. Kung alam mo lang ang nararamdaman ko.... Alam kong kahit anong pilit ko, hindi mo ako papakinggan at baka masampal mo lang ako 'pag sinubukan kong magpaliwanag. Vice, ang mga nakita mo ay totoo. Totoong nand'on si Yael... pero hindi sa kung ano ang iniisip mo. Nung gabing 'yun, tinanong niya kung mahal pa niya ako... Vice, wala ka sa tabi ko nun... Napaisip ako, oo. Pero hindi kita kayang saktan. Hindi ko na siya mahal. Ikaw na, eh. Ikaw na ang bumubuo sa buhay ko ngayon. Pero kung hindi mo talaga ako matatanggap, magpapakalayo ako. Magsisimula ako sa buhay na payak, na walang nasasaktan. Sobra-sobra na lahat ng sakit na binigay ko sayo, three years ago pa. I hope you're happy. I hope you're breathing. I'll do everything, wag ka lang mawala. Mahal, na mahal, na mahal, na mahal kita....

P.S: Malayo man, mananatili pa rin akong chocolatey buddy mo. 

 Love, Karylle.

Hindi maiwasang mahagulgol si Vice sa nabasa niya...

Sunod niyang kinuha ang jar.

Nakasulat sa jar na...

"Once a day, lang ha. Baka maoverdose ka eh..."

Binuksan niya ito at binuksan ang lima mula sa napakaraming kapsulang 'yon.

"February 14..... wala akong pakialam kung mainstream. Kung universal day ng love. Pero espesyal pa rin ito sakin..."

"BuKo ka ba? Kasi... ikaw ang Buhay ko."

"Pinanghahawakan ko pa rin yung sinabi mong....... "Hindi ko na kailangang halikan ang babaeng 'to, para mapatunayan ang aking pag-ibig. Mapapasakin rin ito sa araw ng kasal ko.""

"Alam mo ba 'tong mga bigas na 'to? Mahalaga to para mabuhay ako... Kasama ng tubig, hangin... pero mawala na ang lahat ng ito. Wag lang ikaw." Hindi mo alam, kung gaano ako kasaya nung sinabi mo to....."

"Mahal na mahal kita."

Naiwan si Vice nang malungkot, umiiyak........

Daylight || VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon