Synesthesia

7K 99 11
                                    

Matapos makalabas si Vice ng ospital, araw-araw na rin siyang umuuwi sa Condo ni Karylle. Hindi nating masasabing live-in, kasi minsan ay umuuwi at bumibisita pa rin siya sa kanyang pamilya. Masayang sinalubong ng magkasintahan ang bagong taon. 

January 1, 2014. 2:56 AM

K: Babe... nasabi na natin sa Nanay at pamilya mo. Nasabi na natin sa mga kaibigan natin. Pero hindi pa natin nasasabi kila......

Vice: Hala babe, 'yung side mo. I'm sorry ha. Sobrang rushed at biglaan kasi 'to, di ba? Tara, ipaalam na natin. 

K: Ah, wala sila ngayon diba? Nasa L.A. pa sila.

Vice: Kurba parang hindi techie... tara naaa Skype na 'yan! 

Kinuha ni Vice ang laptop niya at naglog-in sa Skype account niya. Sakto, online si Zia.

*Video Call*

K: Happy new year, sis!! And ma, at sa lahat ng nandiyan!! 

Vice: Happy new year po. 

Zsazsa: Happy new year! Bakit biglaan yata ito ha?

K: Wala lang ma, namimiss ko na kasi kayong lahat d'yan.. tsaka may ipapaalam po sana kami ni Vice.

Zia: Oh my god ate, buntis ka?!

Zsazsa: Anak, totoo ba yon?!

Tawang-tawa ang dalawa sa pinagsasabi ng mga nasa LA.

Vice: Ah eh opo... kambal po.

K: Hahahahaha 'wag kayong maniwala dyan ma!! Hahaha hindi, ano po...

Hinawakan ni Vice ang kamay ni Karylle, na halatang kinakabahan.

Vice: Tita, Zia, and all the Padillas na nandyan... ikakasal na po kami ni Karylle.

Limang segundong katahimikan. Katahimikan na ikinatakot ni Vice. Paano kung ayaw nila? Ano kaya ang sasabihin nila?

Pagkatapos ng katahimikan, hiyawan, tilian, at palakpakan ang narinig nina Vice at K sa kabilang linya.

Zsazsa: I'm so proud of you two. Alam nyo namang boto ako sa inyo, di ba? Congratulations, Vice, and soon-to-be Mrs. Viceral.

Naluluha si Vice sa narinig niya, hindi niya inakala na ganitong mga reaksyon ang matatanggap niya sa mga ito.

Vice: Thank you po, salamat. Salamat taaga. 'Wag po kayong mag-aalala, aalagaan ko po ang anak niyo.

Zia: Congrats, Kuya Vice, Ate K! We'll go home soon na rin, baka next week. Make kwento ate ha?

K: Naman sis. Sige na, late na rito. Tulog na kami. 

*ends video call*

Kumuha si Karylle ng dalawang basong tubig. Iniabot ang isa kay Vice.

Vice: Sakto, baby. Nauhaw ako dun, ha? Hahaha!

K: Ikaw naman, nagtaka ka pa. Alam mo namang dati pa nila tayong pinu-push ng mga yon. Haha.

Tumayo si Vice at niyakap patalikod si Karylle.

K: Namiss ko to, Vice...

Vice: Alin?

K: Yakap mo. 

Vice: Yakap ko lang, ganon? 

K: Hindi... ito. Yung mga ganitong eksena na parang nasa pelikula ba tayo. Ikaw, ikaw mismo namiss ko. Ang dami nating pinagdaanan pero tayo pa rin talaga sa huli, no?

Daylight || VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon