"Ang daya mo naman. Nagsisimula palang tayo, iiwan mo na ako."
"Hindi ko naman to ginusto, K... Gusto pa kitang makasama, pero tadhana na yung nagdikta K e, wala akong laban dun. Basta, palagi mo lang tatandaan, mahal na mahal kita. Higit pa sa iniisip mo."
"Hindi ko kakayanin , Vice.. Hindi ko kaya."
-
Sa limang buwan na pagsasama nina Karylle at Vice pagkatapos ng kasal nila, marami nang dumaan. Marami-rami na rin silang pinagsamahan na hindi na mabubura pa ng panahon. Mga pagsubok na lalo pang nagtibay ng pagsasama nila. 'Yung nga lang, katulad ng dami nang mga pagkakataon nito, kasabay din nito ang dami ng pagpunta ni Vice sa iba't-ibang ospital.
It was a typical afternoon for them. Nakaupo lang sa isang comfy couch while watching The Notebook. K was lying on Vice's lap.
K: Babe?
Vice: Yes po? *grabs a bowl of popcorn and handed it to K*
K: Thank you for still not leaving me..
Vice: K, 'wag mo nang ipaalala.. Nanonood lang naman tayo rito. *niyakap si K*
K: Ang hirap pala ng araw-araw kang gigising na natatakot ka kasi baka paggising mo wala na 'yung taong mahal mo. Vice, 'pag hindi mo na kaya, sabihin mo lang sa'kin ha?
Pinatay ni Vice ang TV at pumasok sa kwarto nila. K followed and saw Vice crying at the left side of their bed.
K: I'm sorry.. I'm sorry.
Vice: Karylle, hindi ka ba napapagod? Kasi ako actually pagod na. Magkano na kaya ang total na nasayang nating gas sa bawat punta natin sa doktor? Magkano na 'yung mga gamot ko? Wala namang treatment pero ginagastusan. Oo Karylle may sapat tayong pera para dito pero wala na rin namang patutunguhan to.. Itigil na natin..
K: No Vice. Hindi tayo titigil. Susubukan natin, okay? 'Wag kang susuko.
K suddenly felt dizzy and went straight to the bathroom. Nagpanic naman si Vice at sinundan ito.
Vice: Babe, are you okay?
K: Vice... tingin mo?
Vice realized what K was saying and the next thing Karylle knew, Vice was lying in the cold ground unconscious.
-
May nararamdaman si Vice na nakahawak sa kanya. Tanging katahamikan na lang ang naririnig sa kwarto ni Vice, maliban sa pag-iyak ng isang tao. Vice opened his eyes and saw Karylle.
K: Buti naman gumising ka na. Akala ko iiwan mo na ako.
Vice: Diba sabi mo 'pag aalis na ako, sabihin ko muna sa'yo?
K: Oo... para man lang ready ako.
Vice: Baby, this is it.
K: No, hindi ako naniniwala sa'yo. Sinasabi mo lang 'yan.
Vice: Kantahan na lang kita, baby.
K: Mabuti pa nga.
Tumabi na si K sa side ng kama ni Vice at niyakap ito.
Here I am waiting. I'll have to leave soon... Why am I holding on? We knew this day would come. We knew it all along. How did it come so fast?
Sa sobrang antok ni Karylle, nakatulog na ito habang nakaunan sa braso ni Vice. K also went through a lot. Patuloy pa rin ang pagkanta ni Vice.
This is our last night but it's late.. And I'm trying not to sleep, cause I know, when I wake, I will have to slip away.
Biglang naalala ni Vice lahat ng nangyari sa kanila. Simula nang lumipat si Karylle ng network at nagsimula bilang hurado ng Showtime. hanggang sa naging host. Sariwa pa sa alaala ni Vice lahat ng kulitan, asaran, yakapan, pick-up lines, kisses, akbayan. 5 years spending time with K wasn't bad, after all.
And when the daylight comes I'll have to go but tonight I'm gonna hold you so close. 'Cause in the daylight, we'll be on our own; but tonight I need to hold you so close.
Niyakap ni Vice si K nang mahigpit.
"Karylle, naalala mo ba n'ung sumayaw ka dun sa side ko habang naguhuhurado? Binago mo ko nun babe..."
Here I am staring at your perfection in my arms, so beautiful.
"Tapos 'yung tuwing papasok ka, ang baho literal ng hininga mo nun! Pero kasama yun sa mga minahal ko sa'yo."
The sky is getting bright, the stars are burning out... Somebody slow it down.
"Alam mo ba baby, kung meron man akong pinaka-pinasasalamatan na tao kasunod kay God, si Jireh Lim 'yun. Hahaha! Kasi naman, dahil sa kanta niya, lalo pa tayong pinaglapit ng tadhana."
This is way too hard, cause I know, when the sun comes up, I will leave.
"Ang pinaka-favorite kong memory natin hindi yung kasal. Hindi yung unang pagkikita. Ang favorites ko ay yung tuwing nakakasama kita sa Showtime. Akala nung una baby arte arte lang eh.. nafall na pala ako sa'yo..."
This is my last glance that will soon be memory.
"Good night Ana Karylle, I love you so much. O ayan ha, nagpaalam pa rin ako sa'yo. Tulog ka nga lang. Mahal na mahal kita. Sorry, hindi ko na kaya. Hinding-hindi kita iiwan, andito lang ako."
Kinuha ni Vice ang phone niya at tinext si Russ.
"Russ, pagpunta mo bukas dito nang umaga, bili kang Chuckie. Please? Hehe thank you. I love you beks! I'm sorry din... Sa ibang lugar na lang tayong magtatagpo ulit. Take care of my Team Vice. :)"
-
The next morning, the saddest daylight came.
"K? Good morning. *hands out chuckie*
"Uyy, thank you. Ang aga naman para rito. Where's Vice??"
"K, he's gone. Sabi ng nurse pinapunta siya ni Vice na 2:10 am para ikwento raw ang favorite Sine Mo To episode niya. Yung episode daw na nakapangPeter siya, for GBBT. Yung third kiss niyo. Karylle.... Vice died exactly 2:14 am."
K didn't help not to cry. She saw the chuckie Russ handed out minutes ago with a little note at the back.
"Babe, nagpaalam ako sa'yo pero tulog ka na eh :) I hope you enjoy our favorite drink. Mahal na mahal kita. - Your forever chocolatey buddy."
-
Nagising si Vice nang litung-lito. Wala muna siyang sinabihan tungkol sa panaginip niya. All the time he was preparing for Showtime, tanging naiisip lang niya ay yung takbo ng panaginip niya. Unfamiliar pero pakiramdam niya, totoo lahat ng pangyayari.
Pagdating ni Vice sa studio, sinalubong siya ni Direk Bobet.
"Oh Vice, b'at parang aligaga ka?"
"Naku, wala direk. Nakakalokang umaga lang."
"May nahanap na akong guest hurado natin this week."
"Sino po?"
"You know Karylle? Tatlonghari? Yung anak ni Zsazsa. Yun. Fresh from the network. Maging mabait ka sa kanya ha?"
"Oh my god."
-
[ Nagets niyo ba yung story? Okay, kung hindi... All of the chapters of this story is just Vice's dream, except the last part of this chapter. ;) Hahahaha! Last chapter on the 24th. Isasakto ko sa birthday ko, don't worry. Hahaha! Advance happy monthsary, babies! I hope you enjoyed the story. Let me know your thoughts and reactions, suggestions and everything. ;) - @maemalaya]
BINABASA MO ANG
Daylight || Vicerylle
FanfictionSome people meet for a certain reason. Will their dreams really come true, or will they make their own reality?