Magaling na si Vice.
Dumaan ang limang araw na walang kaalam-alam ang hosts at pamilya ni K kung nasaan siya...
Sa Unang araw............
Buern: Meme, hindi mo ba hahanapin si K?
Vice: Papachix lang 'yun. Magsasawa rin yun katatago niya.
Sa pangalawang araw......
Archie: Nagtext na ba si Ate K?
Vice: Hindi pa. Hayaan niyo sya.
Ngunit sa pang-apat na araw, nagsimula na rin mag-alala si Vice dahil nga wala pa siyang balita kung nasaan si Karylle. Wala naman kasing nakasulat kung saan siya pupunta.
Vice: *binuksan ang pinto* Mga beks... punta lang akong Resorts World..
Archie: Ayuuuun, hindi mo rin pala matitiis eh.
Vice: Ha? Cacasino ako.
Buern: Di mo kami mauuto. Haha, gora na!
Pumunta si Vice sa RW at hinanap ang production manager nito ng play ng Cinderella.
Vice: Nasa'n po si K?
PM: Ha? Eh... wala sya rito. Apat na araw na nga siyang di nagrerehearse. Diba ikaw Vice Ganda ang boyfriend niya? Pakisabi naman, kung hindi pa siya papasok sa makalawa ay papalitan na namin siya.
Nainis naman si Vice sa kanyang narinig at pasigaw nang nagsalita.
Vice: Alam niyong hinahanap ko siya, hindi ba? Tapos tatanggalin niyo pa sa trabaho?! Kung di rin pala kayo makatutulong, ako na lang ang hahanap sa kanya!!!
Papunta sa parking lot si Vice na umiiyak nang may kumalabit sa kanya.
Christian: Vice!
Vice: Oh. Andito ka pala.
Christian: Tumawag si K kagabi sa akin na umiiyak. Nag-away daw kayo eh... Sabi niya sa'kin, 'wag ko raw 'tong ipaalam sayo pero alam kong pareho lang naman kayong nahihirapan.
Vice: Nasaan siya?!
Christian: And'un siya sa rest house nila sa Tagaytay. Puntahan mo siya, ha?
Vice: Oo, sige... Salamat talaga.
Christian: Sige, ayusin niyo yan! Goodluck.
Sobrang saya ni Vice nang malaman niya kung nasaan ang mahal niya. Pero kakambal nun ang takot niya..... paano kung hindi na siya matanggap nito?
BINABASA MO ANG
Daylight || Vicerylle
FanfictionSome people meet for a certain reason. Will their dreams really come true, or will they make their own reality?