Nanghihinayang...

9.5K 83 15
                                    

KINABUKASAN....

Nagising si Karylle at nakita niya ang text sakanya ni Vice.. di niya alam kung anong  mararamdaman niya kung mag sisisi ba siya or magiging masaya. Masakit para kay Karylle ang nangyari sakanila ni Yael. Dumoble pa yung sakit dahil kay Vice. 

---

(a/n: idk if appropiate yung song sa multimedia box mga lines ha.. just play it before you read the next lines)

Sa kabilang dako naman ay maaga nagising si Vice dahil nga pupuntahan niya si Kurba at sabay sila papasok..

V: Goodmorning kurba! Are u ready? I'll be there in 15 mins. :)

K: Morning, okay sige.

Bago pumunta si Vice sa bahay ni Karylle ay napagisipan niyang dalan ito ng breakfast and coffee. Kaya dumaan muna siya sa isang coffee shop at bumili ng breakfast for K. Pagdating ni Vice sa bahay ni K ay nagulat siya sa nadatnan nito..Sobrang gulo, nakakalat ang mga gamit at may nakita pa siyang glass and bottle of wine sa dining table. Nagtaka siya kaya tinanong niya si K kung anong nangyare.. 

V: Kurba anong nangyari dito sa bahay mo? Tila ka nabagyo ah. Tapos may wine pa sa table mo. Karylle uminom ka ba pag alis ko??...

K: Vice... *nagsimula tumulo ang luha galing sakanyang mga mata* I.. I'm sorry. Di ko alam kung ano nangyayari sakin, di ko na alam. :( Pagod na pagod na ako vice.... *at bigla siyang napaupo sa sahig*

Nang makita ni Vice si Karylle ay napatakbo agad ito sakanya nabitawan niya ang hawak niya ng mga pagkain.

V: Karylle!! Ano ka ba! Ano ba yang ginagawa mo sa sarili mo?! Tignan mo nga yan. Amoy alak ka pa. Sa tingin mo ba masosolusyunan ng alak yang problema mo? Karylle ikaw lang makakatulong sa sarili mo para makabangon ka ulit. Tanggapin mo na ang totoo na wala na kayo ni Yael! Alam ko masakit Karylle! Alam ko! Binigay mo lahat sakanya oo, nagpakatanga ka nung mga panahon na alam mong niloloko ka na niya di mo parin siya iniwan. Pero K naman, kahit ngayon lang intindihin mo naman sarili mo. Wag mo na ipagpilitan sarili mo sakanya.. kahit anong paglaban pa yang ginagawa mo siya na mismo sumuko.. Karylle ang daming nagmamahal sayo diyan, kaming mga kaibigan mo, family mo. Karylle andito ako.. para sayo. Bilang KAIBIGAN mo..

Napatingin si Karylle kay Vice ng sinabi iyon sakanya ni Vice.. nagplay sa head niya ng paulit ulit yung huling katagang sinabi ni vice sakanya..

"Andito ako.."

"Kaibigan mo."

"KAIBIGAN"

Nagsink in kay Karylle lahat ng sinabi ni Vice... after nito ay tyaka siya umiyak ng sobra. Naramdaman niya lahat ng sakit. Nagsisisi siya sa mga nagawa niya.. sa pagpapakatanga niya. At lalong lalo na sa pagbabalewala kay Vice noong mga panahon na nandito ito para sakanya.. ngayon niya lang narealize na si Vice ang totoong nagmamahal sakanya noon.

K: Vice.... sorry. Sorry kung pinagmukha kitang tanga noon. Kung pinaasa kita sa mga sweet words na nasabi ko. Kung nasaktan man kita noon.. pero Vice eto ako. Walang wala na.. :( Natatandaan mo ba yung sinabi mo sakin? "Karylle andito lang ako mamahalin kita sa mga panahon na walang wala ka na. Sasaluhin at sasapuin kita kahit magmukha akong tanga...dahil mahal kita K, mahal na mahal"  Vice, hanggang ngayon pinanghahawakan ko pa rin yung mga katagang sinabi mo.... nasa'n na? Nasa'n na yung Vice na nagsabi sakin non?

V: Karylle andito pa rin naman ako. Andito pa rin si Vice na minahal ka simula noon hanggang ngayon Karylle.. pero iba na kasi ngayon Karylle. 1 buwan na ang lumipas. Maraming nagbago, maraming nawala.. may dumating at yun si Karen. Karylle, mahal ko si Karen... siya ang naging sandalan ko nung mga panahon na binabalewala mo ko.. *starts to cry* Minahal niya ako nung mga panahong walang wala na ako. Ayoko siyang saktan K.. mahal ko siya.... Minahal kita Karylle, pero binalewala mo lang yun.. binalewala mo ko at lahat ng effort ko para sayo. Nagpakatanga ako, ng sobra.. kaya nasaktan din ako ng sobra. At nung nasaktan ako ng sobra, sinapo ako ni Karen. Siya ang nagbuo sakin ulit..

K: *covers her face* *hagulgol* Im so sorry Vice... im so sorry. Di ko alam kung ano pang dapat kong sabihin... *tanggal ng kamay sa mukha* Vice mahal mo pa ba ako??

Sa sobrang iyak ni Vice at Karylle ay di na nila nakayanan... gusto na iwan ni Vice si Karylle dahil di na niya kaya dahil bumabalik lahat ng sakit na binigay karylle noon..

"Vice, mahal mo pa ako?"

V: I'm sorry K..... Mahal kita, pero hanggang kaibigan na lang.. I'm sorry. *walk out*

....

Daylight || VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon