I love you too..
I love you too...
I love you too..
Paulit ulit na naririnig ni seungcheol ang mga salitang galing kay jeonghan habang nasa kusina siya't nagluluto.
"Seungcheol!" Gulat si seungcheol na napalingon nang sigawan siya ni seungkwan.
"Bakit? Bakit?" Tanong ni Seungcheol.
"Lutang ka ba?" Tanong ni Seungkwan.
"Hindi, bakit?"
"Ah hindi?" Tanong ni seungkwan saka lumapit, "kaya pala nilagay yung noodles sa kawali tapos nilagyan pa ng mantika. Tapos yung nilulutong itlog, binasag sa pinapakuluang tubig. Tapos naghahalo ka ng sandok sa baso? Seryoso ka ba sa trip mo sa buhay, cheol?" Tanong ni seungkwan dahilan para unti unting mapagtanto ni Seungcheol ang nagawa niya.
At oo nga tama yung sinabi ni Seungkwan. Lutang si cheol.
"Aish! Sorry!" Sigaw niya saka dali daling nilinis ang kanina'y mga niluluto.
"Aysus, ano ba kasi iniisip mo?" Tanong ni Seungkwan. "Saka wag ka na magluto, nag pa-order." Sabi niya. "Iligpit mo nalang yan. Baka mamaya pag nagluto ka, lalo pang lagnatin si jeonghan. Maawa ka plis." Sabi niya.
Napakamot nalang sa batok si Seungcheol, pagkatapos maglinis e naupo nalang siya sa may lamesa habang inaantay yung pina-order ni seungkwan. Ganun rin naman si Seungkwan.
"Sinagot ka na ba ni Maharut?" Tanong ni Seungkwan.
"Hindi pa." Maikling sagot ni Cheol saka nangiti.
"Wow, may 'pa' lakas ng pag asa mo a." Sabi ni Seungkwan. "Pero may pwede ba ako sabihin? Seryoso to a." Sabi ni Seungkwan.
Uy seryoso si kwann aheu hit the kwan.
"Seryoso ka?" Tanong ni Cheol.
"Kakasabi ko lang diba? Ilang ulit pa?" Inis na sabi ni kwan. "Ito na nga," he then cleared his throat. "Wag mo ko tatawanang gilagid ka ha?"
Natatawang tumango si seungcheol.
"Magkaibigan na kami ni Jeonghan simula pa lang. Yung kainosentihan at kabanalang pinapakita niya, totoo yun. Minsan talaga hindi ka nalang maniniwala kung tao ba talaga siya o anghel. Basta malandut siya." Sabi ni seungkwan. "Hindi pa rin siya nagkakaboyfriend ha? Hindi niya pa nararanasang umibig at masaktan. Kaya ngayong nililigawan mo siya at natutuwa siya sayo, sana wag mo siyang sasaktan. Syempre kapag sinaktan kasi ang mga malalandut, pumapangit sila. Kaya kapag sinaktan mo siya, papangit siya, tapos matatakot ako, tapos papatayin kita, okey?" Sabi ni Seungkwan.
Tumango naman si seungcheol.
Maya maya e nag doorbell na rin yung pinag orderan ni seungkwan. Pinagbuksan nila yun saka kinuha yung order. Umakyat na rin naman si Seungcheol sa kwarto ni jeonghan pagkahanda ng pagkain.
Pagkarating niya, nakaupo na't tulala lang si Jeonghan. "Okay ka na?" Tanong ni seungcheol saka nilapag yung tray sa higaan ni Han. "Kumain ka ng soup na yan para mainitan tiyan mo, tapos mamaya uminom ka ng gamot para mawala na sakit mo." Sabi niya saka nilagay ang likod ng palad sa noo ni Han. "Hindi ka na mainit, ang galing kong doktor." Sabi ni Cheol.
Natawa naman si Han. "Ang galing ng doktor ko." Sabi niya. "Sana magkasakit ka rin para maalagaan kita." Sabi ni Jeonghan.
"He he." Napangiwi si Seungcheol. Sa lahat ba naman ng hilingin e yung magkasakit pa siya. "Hindi ko naman kailangan magkasakit para alagaan mo ko e, pwede mo naman ako alagaan habang buhay." Sabi niya.
Weh lamporeber aheu
Nagsimula nang kumain si Jeonghan at pinagmamasdan lang siya ng binata. "Gusto mo?" Tanong ni han, saka pilit na sinubuan si cheol kahit tumanggi siya. "Ikaw naman aalagaan ko." Sabi pa ni Han saka kumindat.
Putang ina seungcheol choi. Kalma puta kalma. Sabi ni cheol.
Natawa lang si Seungcheol, "ikaw na ba nurse ko?" Tanong niya.
"Gusto mo ako nalang?" Tanong ni han
"Oo, gusto ko ikaw." Biglang sabi mi cheol kaya napatingin sakanya si Jeonghan. "Ah-- gusto ko ikaw maging nurse ko. He-he."
"Ay cheol, malapit na pala birthday mo no?" Biglang sabi ni Jeonghan.
(GUYSH I KNOW MEDYO MALAYO PA PERO KUNWARI MALAPIT NA HAHAHAH.)
"Paano mo nalaman?" Tanong ni seungcheol.
"Sinabi sakin ni Mingyu," sabi ni Jeonghan. "Advance happy birthday." Nakangiti niyang sabi.
"Thank you. Wala akong regalo?" Biro niya.
"Wala." Jeonghan playfully stated as he sticks his tongue out.
"Aray a, aray." Sabi ni seungcheol saka kunwaring nasasaktan ang puso.
Natawa lang si Jeonghan, natapos na rin siyang kumain kaya ininom niya nalang yung gamot. Maya maya e nahikab siya.
"Inaantok ako," sabi niya.
"Tulog ka na, babantayan kita."
"E? Inaantok ka rin ba? Lika tulog tayo." Sabi ni jeonghan saka biglang hinila si Seungcheol pahiga sa tabi niya.
"Jeong---" di na nakapag salita at nakagalaw si Seungcheol nang maramdaman ang mainit na yakap ni Jeonghan.
-
Shingina. ):
BINABASA MO ANG
Kape
Fanfiction{ Jeongcheol fanfic } "Buti pa ang kape, matapang." ©️ i do not own the photo used