Seungcheol
Totoo ba talaga yun?
As in totoong totoo?
Sinagot na ako ni jeonghan?
"Cheollie~ gising ka na?" Nakarinig ako ng isang mala anghel na boses.
Utang na loob. Totoo ba yun????
Agad akong bumangon dahilan para mangunot ang noo ni jeonghan. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat, "jeonghan, nananaginip lang ba ako kanina?" Tanong ko.
Natawa siya saakin saka agad umiling. Kinuha niya yung teddy bear na nasa tabi ko kanina. "Yung angry birds na niregalo ko, hindi yun panaginip cheollie." Sabi niya sakin kaya agad agad ko siyang niyakap.
SINAGOT NA AKO NI JEONGHAN!!!
HINDI JOKE HINDI PANAGINIP AT HINDI ILUSYON,
SINAGOT NIYA NA AKO!
"Uy cheollie i can't breathe." Sabi niya.
"I love you too." Sabi ko. Hindi naman ako nainform ng hannie ko na gusto niya ng mala she's dating the gangster.
I'm dating the angel e
Ay hindi, i'm in a relationship with an angel.
Tanginaaaaaaaaa.
"Wala naman ako sinabing i love you." Sabi niya pagkakalas ng yakap.
Napa-pout ako. Shet ang bakla pero yaan na. Ngayon lang ako makakapag pacute sa boyfriend ko kasi ngayon niya lang ako sinagot. "O, bakit ka nagpa pout diyan?" Tanong niya.
"E kasi di ka pa pala nag a-i love you." Sagot ko.
"E? Kailangan pa?" Tanong niya.
"Sige wag nalang. Parang ayaw mo pa mag i love you e." Kunwaring pagtatampo ko saka kinuha nalang yung bag ko at inayos.
Narinig ko lang siyang tumawa. Tsk. Pasalamat ka jeonghan mahal kita dahil kung hindi mamahalin parin kita.
"Oo na." Sabi niya, "i love you cheollie ko~" malambing niyang sabi kaya napakagat nalang ako sa ibabang labi. Putang ina cheol choi. Tangina laglag puso ko.
"Uy." Sabi niya saka kinalabit ako. "Nag i love you na ako," dugtong niya.
"Ay, pilit?" Tanong ko kaya natawa nanaman siya.
"Hindi po." Sabi niya saka nilapit ba naman sakin yung angry birds at pinahalik sa pisngi ko. "I love you daw sabi ni jeonghan mag i love you too ka na daw po." Pakunwaring pag dubbed niya sa teddy bear kaya natawa ako.
Mas lumapit ako sa pinag kakaupuan ni jeonghan dito sa clinic saka mas nilapit ang mukha sa kaniya. "I love you too," saka ko siya mabilis na hinalikan sa labi. "Hannie ko." Sabi ko saka kumindat pa.
Nilagay lang ni jeonghan yung buong palad niya sa mukha ko saka nilayo ako sakanya. "Tama na nga, cheollie." Natatawa niyang sabi.
"Uhm, tapos na ba kayo?" Biglang singit ng nurse na nasa pinto. "Kasi kung oo, pwede nang umalis." Dugtong niya.
Tumayo na rin naman kami ni Jeonghan saka niligpit yung mga gamit namin.
Habang inaayos niya yung gamit niya, e bigla nalang akong napatingin sakanya.
Hong Jisoo ang bait bait mo sakin.
Salamat sa pag bigay ng anghel sa buhay ko.
Shet. Yung crush ko noon, boyfriend ko na.
Nasa akin na si jeonghan, wala na akong hihilingin pa.
-
You make me breathless 🎵
BINABASA MO ANG
Kape
Fanfiction{ Jeongcheol fanfic } "Buti pa ang kape, matapang." ©️ i do not own the photo used