Seungcheol sent you a message
1:59pm
Seungcheol: hi han :)
Seungcheol: nasa labas ako ng room niyo. Sunduin sana kita, pwede ba?
Jeonghan: si san pedro ka ba?
Seungcheol: hindi pero susunduin kita :)
Seungcheol: tapos hahatid kita sa puso ko.
Seungcheol: BOOM WALEY!
Jeongcheol: ewan ko sayo cheol.
Seungcheol: 😊
Seungcheol: shit ang bakla ko.
Jeonghan: haha di naman masyado.
Jeonghan: oy asan ka?
Seungcheol: secret walang clue.
Jeonghan: ah ok,
Jeonghan: una nalang ako.
Seungcheol: uy wag, nasa likod mo ko.
Jeonghan: ayun sasabihin rin pala e.
Jeonghan: hello :)
Seungcheol: bakot sng fsnda no,
Jeonghan: ha?
Napatingin si seungcheol sa cellphone niya, natypo pala siya dahil sa kakatitig sa magandang mukha ni Jeonghan.
Napakamot siya sa batok saka nag type,
Seungcheol: sabi ko ang pogi ko :)
Agad napasimangot si Jeonghan.
Ang ayaw niya kasi sa lahat e yung nagsisinungaling.
Pero syempre joki joki lang yung pag simangot niya.
Jeonghan: ano, tatayo nalang tayo? Hahahaha.
Ilang sandali pa e magkatapat na nakatayo parin yung dalawa. Walang umiimik at tila ba ilang na ilang.
Si jeonghan na sobrang friendly at kahit sino e kinakausap e ngayo'y hindi makapag salita at namumula sa di malamang dahilan.
Habang si seungcheol, ganun parin. Nagpapasalamat sa lahat ng barkada ng banal na hong jisoo kasi biniyayaan siya at ang dating crush niya e nililigawan na niya ngayon.
"Hoy ano kayong dalawa diyan, istatwa o painting?" Pag susungit ng bitter na si Seungkwan nang madaanan ang dalawang nakatayo habang nagngingitian lang.
"A, hehe. Halika na han, ako na magdala ng bag mo." Pagboluntaryo ni Seungcheol pero umiling lang si Jeonghan. "Kaya ko na." Aniya saka ngumiti.
"Ayaw pa? Cheol yung akin nalang dalhin mo please." Sabi ni seungkwan pero nginitian lang siya ng binata dahilan para mapasimangot at mapairap siya. "Ululzzz lang forever." Bulong niya saka nauna na.
Walang imikan parin ang dalawa habang naglalakad; parehong tulala sa phone at iniisip kung ano pwede sabihin.
Jeonghan: kumain ka na?
Seungcheol: oo kanina pa :)
Jeonghan: a,
Seungcheol: ikaw?
Jeonghan: tapos na rin.
Seungcheol: sorry a, kinakabahan talaga ako.
Jeonghan: hindi naman kita papatayin ^^
Seungcheol: pero namamatay na ako ngayon
Seungcheol: namamatay sa kilig.
"Ikaw lang ba?" Bulong ni Jeonghan nang mabasa ang message ni seungcheol dahilan para mapatingin sakanya si cheol.
"Ako lang?" Tanong ni cheol na ikinagulat ni jeonghan.
"A-a, o-oo, ikaw lang ba namamatay? Ano... Namamatay ako sa i-init." Pagdadahilan ni jeonghan saka pinaypayan ang sarili gamit ang kamay.
-
Buti pa ang jeongcheol malakas pandinig. Di tulad ng mene. Mga bingi. Che. Huehue
Halloo sa mm na walang kakonek konek sa chappy
BINABASA MO ANG
Kape
Fanfiction{ Jeongcheol fanfic } "Buti pa ang kape, matapang." ©️ i do not own the photo used