93

2.2K 99 108
                                    

Seungkwan sent a message to your group wonder pets

Seungkwan: hao

Seungkwan: ikaw na magdoorbell

Haoi: nang gagago ba u?

Haoi: wonu, ikaw na

Wonu: mingyu idoorbell mo nga ikaw malapit

Mingyu: sure teddy bear. ♥️

Wonu: sabi ko pindutin ang doorbell bakit tinitigan mo lang?

Mingyu: ha ha e jeonghan ikaw nalang magdoorbell.

*dingdong* {/dantes chos;/}

Seungkwan: ay ampota nagdoorbell na!

Haoi: jisoo pray for us

"Ano kailangan niyo?" Bungad na tanong ng tatay ni seungcheol pagkabukas niya ng punta.

Kinabukasan kasi matapos nilang kumbisihin si Jeonghan e pumunta na sila dito para kausapin sa papa choi.

{/Wonder pets fighting!/;}

"Good morning po tito," pag bati ni wonwoo sakanya.

"O, wonu ikaw pala, mga kaibigan mo ba tong kasama mo? At— yun ba si jeonghan?" Nakitang napasimangot si papa choi nang makita si Jeonghan. "Ano bang kailangan niyo?" Inis nitong tanong.

"Sir, ito po si Mingyu," sabi ni wonu saka hinila sa braso si mingyu palapit sa kanya. "Boyfriend ko po."

Si Mingyu e tahimik lang at palihim na napapangiti. Kinikilig amfufu.

"Ah,-- ano?! Pati ikaw may boyfriend? Bakla ka rin?!" Inis na singhal ni papa choi dahilan para mapatahimik silang lahat.

Kitang kita ang inis sa ekspresyon ng papa ni cheol. Nang akmang isasara na nito ang pinto e biglang nagsalita.

"S-sir Ako po si Jeonghan Yoon." Panimula nito. "S-sir mahal ko po ang anak niyo."

{/i love you too;/}

Napangisi si papa choi. "Mahal? Anak ko? Alam mo ba yang pinagsasabi mo? Pareho kayo ng kasarian! Kasalanan yan sa diyos!"

"Tito mawalang galang lang po ha, wala naman po sigurong masama sa pagmamahal diba?" Lakas loob na pagsingit ni Minghao.

"Tro tito. Nagmamahalan po silang dalawa." Pag dugtong ni kwan.

"Tito wala namang pinipiling kasarian ang pag-ibig, hindi rin kasalanan ang umibig sa kahit sino. Siguro magiging kasalanan lang yun kapag may ginawa silang nakakasakit sa kapwa, pero sa estado naman po nila Jeonghan at Seungcheol, sa tingin ko wala naman silang sinasaktang ibang tao. Mahal lang nila ang isa't isa at gusto lang nila na maging masaya." Mahabang paliwanag ni Wonwoo na hanggang ngayon e nakakapit parin sa braso ni Mingyu.

"Ah, eh, tama po." Pag sang ayon ni mingyu. Ampota daming tulong gyu ha.

"Mahal na mahal ko po talaga ang anak niyo tito-- sir. Hindi naman po siguro kasalanan yun kasi sabi naman e magmahalan tayo. Pumunta po ako dito para harapin kayo, para ipaglaban yung relasyon namin kasi alam naman naming wala kaming ginagawang masama." Paliwanag ni Jeonghan.

Tahimik ang lahat at walang nagsasalita.

Bumuntong hininga si papa choi. "Umuwi na kayo." Sabi nito.

"Teka lang po--"

"Umuwi na kayo." Sabi nito saka agad na sinaraduhan ng pinto ang tropang wonder pets.

-

ek tropang wonder pets pauso nanaman si inang myghad

KapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon