Multong inang's pov
"Cheollie pop~ naboboring akoooooooo~" pag reklamo ni jeonghan habang nakahiga sa balikat ni seungcheol na nakahiga rin sa kama nila. "Dapat pala di na ako nagday off ngayon, sabi mo kasi aalis tayo e." Sabi niya pa saka nagpout at tinignan si seungcheol na nangingiti lang.
"E kesa naman araw araw kang nasa trabaho no, nawawalan ka na ng time sakin." Sabi ni seungcheol.
"Ay hehe, nagtatampo ka ba hehehe." Sabi niya. "Sige hindi nalang ako magtatrabaho hehehe." Sabi ni jeonghan saka tuluyan nalang na humiga saka yumakap kay seungcheol. "Ano ba gusto mong gawin natin ngayon ang susungit naman ngayon nila hao at seungkwan e hindi ko makausap ng matino." Sabi niya.
"Ah, tulog?" Sabi ni seungcheol kaya nangunot noo si jeonghan na tumingin sakanya.
"Tulog nanaman?" Inis niya tanong saka umupo nalang at tinali ang buhok (mahaba pa buhok niya cuzz i mizz it na.)
"Palagi ka nalang tulog ng tulog. Ikaw ata nawawalan ng time saakin."
Nagulat si seungcheol sa inasta ni jeonghan kaya maging siya na inaantok e napaupo rin. "Ikaw naman nagtatampo?" Pang aasar nito kay han saka gumapang (lol what a term) palapit kay jeonghan para i-back hug ito. "E kasi palagi ako puyat dahil night shift ako diba, tapos madalas pa akong maaga gumising kasi gusto ko gumising kasabay mo sa umaga dahil maaga ang pasok mo." Paliwanag nito kasabay ng pag halik sa ulo at pag amoy sa buhok ng binata. "Iba ata ginamit mong shampoo."
"Ha? Hiniram ko shampoo ni minghao hehehe naubos na kasi yung akin kahapon,"
"Hindi ka pa naliligo?"
"Hindi pa."
Pabirong lumayo si Seungcheol kay Jeonghan dahilan para matawa si jeonghan at amuyin ang sarili, "huy hindi pa naman ako mabaho." Sabi ni jeonghan saka nagpout. "Amuyin mo pa ako," sabi nito saka nilapit ang leeg kay seungcheol
Kaso imbis na amuyin e hinalikan ni seungcheol ang leeg ni jeonghan dahilan para mapapitlag ito. Wag pala dudumihan ang utak cheol, no?
"Uy cheollie." Natatawang sabi ni Jeonghan saka hinampas sa braso si seungcheol dahilan para matawa rin to.#walanangjeonglyn #masakit #sobrangsakit
"O, e ayaw mo naman ako patulugin ano gusto mong gawin?" Sabi ni Cheol habang hinihila nanaman si Jeonghan para yumakap.
"Usap nalang tayo. Hehehe." Sabi ni jeonghan.
"Tungkol saan?"
"Ewan ko, hehehe." Sabi ni jeonghan saka umakbay kay Seungcheol na nakayakap sa bewang niya. "Siguro ang cute ng magiging anak nila wonu no? Hehehe. Sana hindi siya magmana kay mingyu o kaya kay wonu."
"Paanong hindi sakanila magmamana e sila nga yung magulang." Natatawang sabi ni Cheol.
"E saakin nalang magmana para mabait tapos papahabain ko rin buhok niya." Sabi ni jeonghan saka ngumiti. "Cheollie ano gusto mong gender ng anak natin?" Tanong niya dahilan para masamid si seungcheol sa sarili niyang laway.
"Buntis ka na?" Tanong niya.
"Ayaw mo?" Balik na tanong ni jeonghan. "Pero hindi pa ako buntis hehehe nagtatanong lang."
"Kahit anong kasarian naman okay lang." Sabi ni seungcheol. "Pero jaze ipapangalan natin ha?"
"Jaze diba kanta yun? Jaze and confused." Pagbiro ni jeonghan dahilan para mapatingin sakanya ng seryoso si seungcheol.
"Nagjojoke ka ba hannie?" Tanong nito kaya mapasimangot si jeonghan.
"Okay sige matulog ka nalang-" akmang tatayo na sana si jeonghan nang hilahin siya mi seungcheol palapit sakanya
"Natawa kaya ako sa joke mo mga lima tignan mo, ha ha ha ha ha." Sabi ni seungcheol dahilan para pangliitan siya ng mata ni jeonghan.
"Edi wow cheollie." Sabi ni jeonghan habanv pisil pisil ang pisngi ni seungcheol. "Pero gusto ko kasing pangalan seunghan e hehehe."
"Seunghan?" Tanong ni seungcheol kaya tumango si jeonghan. "Pero gusto ko Jaze." Sabi niya kaya napapout nalang si jeonghan.
"Edi kambal nalang hehehe." Sabi nito kaya napatingin si seungcheol kay jeonghan.
Ikaw pa talaga naghangad ng kambal han, no? #masakittalaga #ithurtssosmuts
"Pero pwede ring pagkambal, ang ipangalan sa isa confused para jaze and confused na talaga heheheh." Sabi ni jeonghan.
"Pwede," sagot naman ni seungcheol saka sinandal ang ulo sa balikat ni jeonghan. "Hannie may naisip na akong gawin." Sabi ni seungcheol,
"Ano yun?"
"Gawin natin si Jaze." Sagot nito saka agad na humalik kay jeonghan.
Wag pala talaga dumihan ang isip ni jeonghan, mga pitingini. #masakit #hurtedsileng
-
at dahil nga kasali ako sa #teamnoreply sa menpa nila kahapon ha ha ha ayan nalang : )
BINABASA MO ANG
Kape
Fanfiction{ Jeongcheol fanfic } "Buti pa ang kape, matapang." ©️ i do not own the photo used