Ito na talaga. Ipagdasal niyo ko.
-"Uuwi na ako." Sabi ni Jeonghan saka tumayo at akmang lalabas na ng kwarto kaso pinigilan ko siya.
"Ang kulit mo. Alas onse na ng gabi, lasing ka, tapos gusto mong umuwi? Dumito ka nalang." Sabi ko sakanya saka pinaupo ulit sa kama.
"Tapos ano? Tapos papatulugin mo ko dito sa kwarto mo? Ayoko. Uuwi ako." Sabi niya saka tumayo nanaman kaso hinawakan ko siya sa pulso at hinili ulit paupo.
"Dito ka matutulog. Ako sa may sala." Mabilis kong sabi.
Puta kasi. Malay ko bang nilock lahat ng kwarto dito liban sa kwarto ko. Dapat sa master's bedroom ko ihahatid si jeonghan kaso nakalock kaya dito ko nalang siya papatulugin.
Kakagising niya lang rin mula sa pagkakatulog sa biyahe. Tapos ngayon, nagpipilit siyang uuwi na siya. Kaso ayoko kasi maghahating gabi na. Pero sino nga naman ba ako para pigilan siya? Ako na mismo nagtapos ng relasyon namin. E pero, kahit na. bawal pa rin siyang umuwi.
Pareho kaming nakaupo ni Jeonghan sa may kama. Hindi na siguro siya ganoon kalasing kasi nakakausap ko na ng maayos. Walang umiimik saaming dalawa tapos siya panay ang usog na parang ayaw talagang tumabi sakin.
Bumuntong hininga ako saka tumayo na. "Pupunta na ako sa sala, tawagin--"
"Wag na. Dito ka na lang matulog." Sabi niya kaya napahinto ako at napatingin sakanya.. Only to find out na nakatingin narin pala siya sakin.
"H-hindi, ano.. Sa b-baba nalang ako m-matutul-log." Fuck. Bakit ako nauutal? Pakshit makatitig kasi tong si jeonghan e.
"Wag na. Dito ka na." Sabi niya.
Hala, seryoso ba to? Magkatabi kaming matutulog? Na lasing pa siya?
"Ako matutulog sa sala. Dito ka na sa kwarto mo." Sabi niya saka tumayo na.
"Hindi, ikaw na dito. Ako na nga sa sala." Pagpigil ko.
"Bakit ba ang kulit mo?" Inis niyang sabi. "Ako na nga sabi diba? Dito ka na matulog sa kwarto mo."
"E paano kung umalis ka?"
"Wala ka bang tiwala sakin?!" Napatigil ako sa bigla niyang pagsinghal.
"Han, hindi ganun--"
"Yun ba yung dahilan kung bakit ka nakipag break? Kasi wala kang tiwala? Kaya ka ba nafall out of love? Kasi wala kang tiwala at sa tingin mo ipagpapalit kita? Kung ganun ka lang sana kadali ipag palit baka matagal na kita nakalimutan kaso hindi e naunahan mo parin akong magkasyota. Ngayon may kiray ka na, tapos ako naghohold on parin sayo." Then he started to cry. Ako nakatayo lang at hindi alam ang gagawin- hindi alam ang sasabihin. Hindi ko alam kung paano magpapaliwanag o lilinawin ang lahat.
"Jeonghan--"
"Ganun ba talaga ako kadaling kalimutan? Ilang linggo palang ba-- parang araw pa nga lang diba? Tapos may kapalit na ako agad? Mahal mo ba talaga ako? Minahal mo ba talaga ako?"nakatayo lang rin siya at hinahayaan ang sariling umiyak. Humakbang ako palapit at ni hindi manlang siya umatras.
"Jeonghan hindi--"
"Hindi mo ko mahal? Oo alam ko na yun. Dapat talaga hindi mo na ako pinuntahan sa bar kanina. Okay na ako dun. Kahit papaano di muna kita naiisip kanina kaso bigla ka nanamang sumulpot at nagpakita. Alam mo ba kung gaano ako nasasaktan ngayon? Ha? Alam mo ba kung gaano kasakit makita kang malapit sakin pero alam kong hindi ka na mapapasakin?"
Lumapit ako ng tuluyan at hinawakan ang magkabilang pisngi niya para punasan ang mga luha niya.
Hindi siya umilag o nagpumiglas. Patuloy lang siya pag iyak.
BINABASA MO ANG
Kape
Fanfiction{ Jeongcheol fanfic } "Buti pa ang kape, matapang." ©️ i do not own the photo used