66

2.2K 113 165
                                    

Jeonghan

"O, san lakad?" Tanong ni minghao pagkalabas ng kwarto. Ay hehe nasabi ko na bang kakalipat niya lang dito? Ang bait niya nga tapos ang kyut kyut niya kapag nauuntog.

"E makikipag kita kay cheollie ko." Sagot ko saka nangiti.

"Teka! Tama ba narinig ko? Cheollie? Kita? Waah~ buhay pa si cheolandi." Narinig kong sabi ni pakwan.

"E hehe di naman siya namatay." Sabi ko.

"Gaga. Tatlong araw di nag paramdam yun diba? Tapos biglang makikipag kita?" Aniya ni hao

"E teka, bakit di nalang siya pumunta rito aber? Pwede naman siya dito ha." Sabi ni pakwan.

"E?" Ano ba ibig nila sabihin.

"Di mo ba napapansin si Cheol? Ang weird weird na niya." Napalingon ako kay Wonwoo na lumabas mula sa kwarto ni Mingyu. Teka, palagi na siyang nandito a, dito na rin ba siya nakatira?

"Hehe ano namang weird kay cheollie hehe."

"Nung huli niyang dalaw dito parang sobrang lungkot niya. Then all of a sudden, aabsent nalang siya. Tapos after three days makikipag kita sa may plaza instead na puntahan ka?" Sabi ni wonwoo.

"Teddy bear bakit ka ba lumabas di pa tayo tap--" natigil si Mingyu sa dapat sabihin kasi agad piningot ni Wonwoo yung tainga niya.

"Manahimik ka. Sinasampal namin si Jeonghan." Sabi ni wonu.

"Ha? Ako? Hala, may galit ba kayo sakin? Bakit niyo ko sasampalin?" Tanong ko.

"Sasampalin ka namin ng katotohanan. Iba na kasi kutob namin sa pakikipag kita niya ngayon." Sabi ni Minghao.

"Wait, sinasabi niyo bang makikipag break si Seungcheol? Imposible yun, okay? Kilala ko si Cheol. Highschool palang pinapangarap na niya si jeonghan. Ako saksi sa wagas niyanv pagmamahal kay jeonghan." Sabj ni mingyu habang hinihimas ang tengang piningot ni Wonwoo.

Napangiti ako, hehe. Tama si mingyu. Love ako ni Cheollie 😇

"Una na ako hehe male late na ako e," sabi ko saka lumabas nalang agad para di na nila ako kausapin pa.

Oo tama si mingyu. Mahal ako ni Cheollie.

Hannie, mahal ka ni Cheollie.

Mahal ka.

Nag commute lang ako papuntang plaza,

Agad akong dumiretso sa may perya at nakita nga si Cheollie.

Hala. Si cheollie ko, nangayayat. Haggard na siya. Laki na ng gilagid.

"Cheollieeeee~" pagtawag ko saka agad agad siyang niyakap. Hala. Namiss ko talaga si cheollie ko.

"A, jeonghan." Di pa rin ako bumibitaw sa pagkakayakap ko sa kanya. E? Sino tumawag sakin ng jeonghan? Medyo kaboses ni cheollie. "Jeonghan."

Hinawakan ni cheollie yung braso ko para kumalas sa yakap ko sakanya. E, hehe ako lang pala yung yumakap. Ako kasi hindi niya niyakap pabalik.

"E? Jeonghan? Asan na si Cheollie ko? Uy ilabas mo si cheollie ko." Sabi ko saka tinusok tusok yung pisngi niya.

Kaso hinawakan niya yung kamay ko saka nilayo sa pisngi niya.

"E, hehe. Gusto mo mamasyal tayo cheollie? Bili tayo lollipop?" Tanong ko.

Pero umiling lang siya.

"Jeonghan." Pagtawag niya ulit saka yumuko.

"E? Ano yun?" Tanong ko.

"Ayoko na." Sabi niya.

"Ayaw mo na tumayo? O sige upo nalang uli--"

"Jeonghan ayoko na.. Satin." Sabi niya.

"Ha? Anong satin. Cheollie di kita maintindihan hehe. Linawin mo nga,"

Bumuntong hininga siya, "alam mo ba meaning ng Ily?" Tanong niya.

"Oo! Hehhe. Alam ko na. Di pala i love yakult yun kung hindi--"

"I, i'm leaving you." Seryoso niyang sabi.

"Ha? Yun ba yun? Hehe."

"Jeonghan i'm breaking up with you."

Ha?

"Jeonghan... Na fall out of love na ako. Ily doesn't mean I love you anymore." Sabi niya pa.

"Teka, hehe. April fools? Hehehehe tapos na yun diba? Delay celebration mo ba to? H-Hehehe." Sabi ko.

Pero hindi siya ngumiti o tumawa.

"Bye Jeonghan. Thanks for the memories." Yun lang tapos umalis na siya.

Pinagmasdan ko lang siyang lumakad palayo; ni hindi man lang ako nilingon.

Binreak niya ako?

Wala na kami?

Break na kami?

Parang ganun na nga.

Hehe ganun na pala talaga.

Wala na kami. Di na niya ako mahal. Sinungaling si Mingyu. Di na niya mahal.

Wala nang cheollie pop si hannie bar.

Hehe.

...

Hehe ulit.

-

bakit ba hirap na hirap ako sa mga ganitong bagay + hahak shet pagdasal niyo ko mga dai huhuhu gusto ko maorder yung love&letter huhuhu.

KapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon