LOVE-RARY

84 5 0
                                    

MADISON'S POV




Subsob kami ni Tiffany sa aral ngayon dahil sa quarterly exams. Late pa rin akong umuuwi pero hindi ko nakikitang nakabantay si Kuya Basil sa gate.



"Himala! Wala siya sa gate" Nadatnan ko sila ni Tiffany sa sala at busy sa pagrereview ng notes.

"Ehem, bakit na naman late umuwi yung isa dyan?" Nasa sala pala siya at hindi pa rin maipinta ang mukha niya.

"Nag-library lang"

"Baka love-rary na yan ha! Tapos sa library kayo nagtatagpo" Hindi na lang ako umimik. Umakyat ako sa kuwarto pero hindi na ako bumaba.

"Hala, kuya. Iniinis mo na naman si Madison"

"Hindi ka ba baba?" text message ni Basil.

"Galit ka?"

"Na-miss kita buong maghapon. Hindi kita nakita sa school"

"Reply ka naman"

"Bahala ka. Akala mo magre-reply ako" Ibinaba ko ang cellphone.

"Miss you"

"Miss you"

"Miss you"

"Magreview ka na nga" reply ko.



Samantala sa baba, kanina pang nakikiramdam si Tiffany kay Basil.

"Kuya, sino ba ang ka-text mo?"

"Magreview ka na nga"

"Ikaw kuya, makakapagreview ka ba sa kate-text mo?"

"Ikaw, Tiff, makakapag-review ka ba sa katatanong mo sa akin?"

"Bakit ba ang sungit ng mga tao dito?"



Biglang nawalan ng gana si Kuya Basil sa pagrereview. Halos ihagis niya ang kanyang libro pati na ang kanyang cellphhone.



"Madz, di ka magrereview?" Habang pababa ako ng hagdan. Nakita kong nakasimangot si Basil habang kinukuha ang libro at cellphone na inihagis niya sa sopa.

"Hindi na. Araw-araw ko nang ni-rereview ang notes ko"

"Wow ha!"



"Heto na lang sa Math. Patulong naman , Kuya Basil" Ngumiti ang loko sa akin. Kahit hindi pa siya tapos magreview, inuna muna niya akong turuan. Sinubukan kong sagutan ang ilang praktis sa libro at pina-check sa kanya. Pagkatapos ng dalawang halimbawa, huminto na ako kasi ang totoo, alam ko na iyon.



"Miss you" Pasimpleng bulong niya sa akin habang dinikdik ako sa upuan. Maluwag naman iyo pero siniksik niya ako sa lugar ko. Tinitigan na naman niya ako. Hindi ko maintindihan kumbakit ganoon siya sa akin kahit magpinsan kami. Parang ang sweet na ewan. Ayokong bigyan ng kahulugan ang lahat. Hindi iyon tama kahit magpinsan pa kami.



Natuwa naman sina Tita Jessica at Tito Andrew ng makitang nasa ibaba kaming lahat at nag-aaral.

THE CHRONICLE OF A MAN HATERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon