TCOAM 2: ENTRANCE KEEPER

59 3 0
                                    

MADISON'S POV




Inihatid niya sa HallyuTowers. Wala nang traffic kaya ilang minuto lang ay nakarating kaagad kami . Huminto ang kanyang kotse sa parking nito at pinatay ang makina.




"Thank you pala. Sana ay hindi ka na nag-abala na ihatid ako dito"

"Bakit? Magagalit ba si Basil?"

"Kilala mo naman iyon. Mortal na kaaway ang tingin niya sa iyo."

"Masyado pa rin siyang takot na baka maagaw kita..."

"Salamat, Mark. And by the way, thanks for sending me flowers" Nagmadali akong lumabas ng kotse

"See you tomorrow" Saka niya pinaharurot ang kotse.



Naupo muna ako at lumanghap ng hangin. Napabuntunghininga ako.



Kaaalis lang ni Marko ng mapansin ko si Basil sa entrance ng HallyuTowers. Mabuti at hindi niya kami naabutan doon . Wala siyang kangiti-ngiti at naka-tiger look siya. Umuusok na naman ang ilong niya sa galit. Pagtingin ko sa relo, past 10 na pala. Walang bago, sesermunan na naman niya ako.




"Bakit ngayon ka lang?" Parehong tanong.



"May emergency lang..." Hindi na ako nagbigay ng detalye dahil alam kong magagalit siya at magsisimulan pa ito ng away nila ni Dwight at Marko.



Wala kaming imik habang nasa loob ng elevator. Hindi niya kinuha ang bag ko at hindi niya ako hinawakan. Siya ang nagbukas ng pinto at dumiretso siya sa kuwarto para kunin ang kanyang unan at kumot.



"Kumain ka muna bago ka matulog."

"Tutulog na ako. Pagod na ako."

"Kumain ka muna."




Sinamahan ako ni Basil sa mesa habang kumakain. Alam kong pagod na siya pero natiyaga siyang naghintay sa akin. Saglit ko siyang sinamahan sa sopa kung saan siya natutulog.




"Tulog ka na" Binigyan ko siya ng halik bago matulog. Nakatulog ako saglit sa tabi ng sopa.


"Madison, pasok ka ng kuwarto"


" Yap, maaga pa ako bukas. Kailangang maaga kami sa location for shooting. Dadating 'yong mga taga- DreamWorkX kasi sila ang Official Photographers ng KCi Clothing. "



Nasa lababo ako noon at nagsasalin ng gatas sa baso. Niyakap niya ako at hinalikan sa batok. Pinaharap niya ako at hinalikan.



"I love you, Madison."


"I love you Basil" Hindi rin niya ako natiis. Niyakap niya ako ng mahigpit. "Tulog ka na."


"Tulog na tayo..." Tinitigan niya ako. Makahulugan ang kanyang ngiti.


"Ayoko ng ganyang ngiti. "


"Madz naman eh. Sige na..." Nangulit lang naman siya.


"Isa. Basil, ano ba?"


"Ayoko..."



Sinisid niya ako ng halik. Napapikit ako at tumugon ng halik sa kanya. Hindi ko namalayang natapos ang buong maghapon ng ganoon kadali. At the end of the day, I am back in his arms again.



Paghiga ko sa kama, naalala ko ang nangyari. Marko, Dwight and Basil are making things hard for me. Lahat sila, may kanya - kanyang laban para patunayan ang kanilang pagmamahal sa akin. B

THE CHRONICLE OF A MAN HATERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon