BE STRONG, BASIL

88 4 0
                                    

BASIL'S POV




Wala na si Madison . Iniwan na niya ako. Hindi ko alam kung paano ko bubuuin ang sarili ko ng araw na iyon. Tinawagan lang ako ni Catcat dahil wala pa raw si Madison sa set. Itinuloy na rin ni Valerie tulad ng go signal ni Madison sa kanya. Hindi ko inaasahan na maleta ang dala ni Madison habang pasakay siya ng taxi at alam kong aalis siya. Iiwan na niya ako.



"Sir, nandito na po ang kliyente ninyo sa opisina."

"Sige, Ikaw muna ang bahala. I'm on my way." Habang nasa biyahe ako, tumunog ang cellphone ko, si Papa Basti ang nasa linya.

"Papa, kumusta po?"

"I'm sorry po."

"I'll come and fetch her. Hindi ko na po kasi siya naabutan" Kunwari kong sagot kay Papa. Babalik pala ng Dubhai si Madison. Saglit lang iyon. Susuyuin ko siya at sabay kaming uuwi dito para magpakasal. Pigil na pigil ang iyak ko. Iniisip ko kung ano ba talaga ang ikinagalit niya.



Nasa harap na ako ng Skycraper Tower. Sumulyap ako sa salamin at tiningnan kong halata bang galing ako sa iyak. Huminga ako ng malalim at ngumiti ako para lang pagtakpan ang kalungkutan ko ng araw na iyon.



Dumiretso ako sa aking opisina at kinausap si Ms.Vanilla Oli kasama ang kanyang asawa. Akala ko nga body guard niya ang lalaki. Malaki kasi ang katawan nito at para siyang modelo ng mga polo shirt . Nag-usap kami tungkol sa kanilang request na commercial .


"The shoot has been on going, Ms. Oli."


"Yes, I see... But I would like to talk to Ms. Taylor. " Luminga-linga siya sa buong lugar na tila may hinahanap. " Noong mag-usap kasi kami, sabi ko sa kanya kakausapin ko na lang siya dito. I was impressed with your wedding proposal kaya gusto ko sana kayong kuning modelo for wedding gowns in collaboration with Mr. Carlos ng KCi Clothing. Hindi ba niya nabanggit sa iyo?"


"Hindi pa kasi niya naire-report sa akin ang update."

"Nasa commercial shoot ba siya ngayon?"

"Ms. Oli, I'll give you updates ..."

"Sige, I'll drop by to talk to her kapag ok na rin ang commercial . Thanks. Hindi na kita masyadong aabalahin, mukhang busy talaga dito sa opisina mo."

"Sige po, Ms. Oli..."



Sumandal ako sa aking upuan at kumuha ng bote ng alak sa lower drawer ko. Hindi ko mapigilan ang kalungkutan ko ng oras na iyon. Napayuko ako at umiyak. Ibinaba ko ang aking kurbata . Hindi ako nakapagtrabaho ng maayos. Ikinansel ko lahat ang appointment ko.



Late in the afternoon bumalik ang buong team. Pumasok si Valerie para mag-update sa nangyari.



"Basil, bakit ka umiinom ng alak?"

"Anong pakialam mo? Iniwan na ako ni Madison. Masaya ka na?"

"What?"

"Anong what? Seems to be a good news for you, right? Wanna hug me? Or kiss me?" Niyakap ko si Valerie at pinupog ng halik tulad ng gusto niyang mangyari.

"Ano ba? Basil, bitiwan mo ako..."

"Bakit kapag ako na ang humahalik, ayaw mo na? Hindi mo na ako kailangan pang nakawan ng halik? Bukod sa halik, ano pa ang gusto mong mangyari? HA!"

"Ikaw, ikaw lang at ang pagkakataong mahalin mo ako... 'yon lang ang gusto ko. Pero hindi para bastusin ako"

"Bakit? Hindi ka ba nakakaramdam ng pagkabastos sa tuwing hahalikan mo ako? Hindi mo ba ako nababastos?"



Natigilan si Valerie sa mga sinabi ko. Umiiyak siya. Ayokong humantong sa ganito ang lahat pero anong magagawa ko kung iniwan na ako ni Madison. Anong silbi ng pagpapakapagod ko kung wala nang kasal na magaganap?



Umuwi ako at itinuloy sa loob ng condo ang aking pag-inom. Nakadalawang long necked bottle din ako. Pumasok ako sa loob ng kuwarto. Ibinagsak ko ang aking pagod na katawan. Tumulo ang aking luha . Kinuha ko ang unan at amuy na amoy ko pa rin ang showergel ni Madison.



"Madison... Madison..."



Hanggang sa tuluyan akong nakatulog. Medyo tinanghali na ako ng gising. Ilang miss call na rin ang nakarehistro sa aking cellphone pero hindi ko iyon pinag-aksayahan ng panahon. Hindi ako nagbukas ng messenger.



Pagkatapos kong magkape, saka ako dumiretso ng banyo para maligo.



Nakakabingi ang katahimikan sa loob ng unit ko. Dalawang linggo na rin ako palaging mag-isa. Kakayanin ko bang mag-isa sa pangalawang pagkakataon? Paano kung hindi na siya bumalik?

THE CHRONICLE OF A MAN HATERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon