TCOAM 2: BACK TO SINGLE

86 4 0
                                    

MADISON'S POV



Dahil alam niyang may kasalanan siya, todo effort siya ngayon para manghingi ng sorry. Sumakit nga ang tenga ko sa sorry niya eh.



Madalas niya akong puntahan sa school para sunduin pero sa ibang gate ako dumadaan para makatakas sa kanya. Sa tuwing dadalaw siya kina TIta Jessica, hindi ko siya binababa. Hanggang sa sumuko na rin siya. Napansin ko na hindi na rin niya ako kinukulit sa text.



"Madison, gusto mo bang sumama?"

"Saan?"

"Maysakit si Kuya. Nagka-dengue kaya na-confine sa ospital."



Nagkataon pa naman na madami talaga akong gagawin kaya humingi na lang ako ng pasensya. Hindi na rin ako pinilit ni Tita Jessica. Sa kabila noon ay may kung anong kumurot sa puso ko. Hindi ko naman siya natiis kaya kinabukasan, maaga naman ang uwian kaya lihim akong pumunta sa ospital. Hindi na ako pumasok sa kuwarto niya pero nakita kong okay na siya. Sinilip ko lang siya at hindi na ako nagpakita.



"Get well soon" Text ko sa kanya.



Hanggang sa dumating ang graduation day . Nasulot ko ang pagiging Valedictorian mula sa kaklase namin kaya masayang masaya ang lahat. Nandoon din si Basil para batiin ako. Hindi ko siya pinansin pero nagdala siya ng regalo sa akin. . Syiempre, nagkaroon ng double celebration dahil dalawa kaming gumaradweyt ni Tiffany. Kumain kami lahat sa labas. Pag-uwi saka ko na siya kinausap.



"Congratulations, graduate ka na rin"

"Thanks..."

"Madison, puwede na ba tayong..."

"No, wala na akong balak na makipagkasundo sa iyo. Let's break up"

"Madison naman..."

"Let's move on and go on separate lives."

"Inaamin ko naman ang pagkakamali ko, Madison."

"How could you be so sure na matapos mo akong makuha ay pananagutan mo ang anumang mangyayari sa atin? Hindi mo na ba iniisip ang kinabukasan ko?"

"Look, I am just a fool to try it. Hindi ko naman tuluyang ginawa dahil iginagalang pa rin kita"

"NO... I want us to break up. That's my final decision."



"Please, Madison... Sorry na... Hindi ko na uulitin. Please..." Lumuhod siya sa harapan ko at umiyak. Hindi ako nakaramdam ng awa sa kanya ng araw na iyon. Hindi na rin ako galit pero gusto ko lang na dumistansya muna sa kanya.



"Do whatever you like and I can go my own . Marami ka pang makikilalang babae. Alam mo, hindi ako nadadala sa mga ganyan mo Basil kaya puwede bang tumayo ka na dyan." Tinalikuran ko siya at saka ako umakyat at pumasok sa aking kuwarto. Hindi ko na inisip si Basil. Mas iniisip ko ngayon ang pagpasok ko sa kolehiyo.



Basil was so devastated. Natuto siyang uminom ng alak sa sobrang sama ng loob. Hindi siya umuwi sa condo ng gabing iyon. Nagwala siya sa bahay nina Tita Jessica. Kinabog niya ang pintuan ko at iyak siya ng iyak sa pagmamakaawa. Pero nagmatigas ako at hindi nagpadala sa pagmamakaawa niya.

THE CHRONICLE OF A MAN HATERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon