HURTING INSIDE

87 4 0
                                    

3RD PERSON'S POV




Nang araw na iyon, natyiempuhan ko ang grupo nina Dwight na nagkakasiyahan sa canteen. Malakas ang kanilang tawanan kaya pati mga staff doon ay naiinis. Kunwari lang si Dwight pero part of his heart is aching for Madison. He can never hate Madison later because he loved her first. Actually, he hated Madison first and love her later. Iyon ang pinakamasakit. Doon siya talo. Lahat ay palaging nasa huli. Mukhang binabaliktan niya ang mga pangyayari sa harap ng kanyang mga kaibigan.



"Paniwalang paniwala ba siya?"

"Oo naman. Ako pa. This calls for a celebration. " sabi ni Dwight.

"Hindi niya nahalata?"

"Wala siyang kaalam-alam kasi naman, batang bata pa."

Buong tapang ko siyang nilapitan.

"What?" tumingin siya sa akin. Hindi siya nakakilos ng bigla ko siyang buhusan ng malamig na gulaman.

"O di nakahanap ka din ng katapat?" Dinig kong sabi ni Jeffrey kaya inihagis ko sa kanya ang plastic cup na may konti pang laman na gulaman.

"You know nothing about this" Natuwa ang mga lalaking napaiyak ko sa nangyari at pakiramdam nila ay si Dwight ang katapat ko. Pero nanahimik siya ng balikan ko siya ng salita.

"Nagsi-celebrate naman ang mga pare-parehong luhaan at talunan dahil sa akin" Tumayo si Jeffrey para sapakin ako pero inawat siya ng mga kasama nitong lalaki.

"Sige, gawin mo yan para maireklamo kita sa Student's Affair at ng matanggal ka sa pagiging varsity mo"

"Aba't"

"You can never celebrate because of my defeat. Just celebrate because you are all band of LOSERS. Ikaw "

 Sabay turo kay Carlton. "Ikaw" 

Sabay turo kay Jeff. " At ikaw" 

Sabay turo kay Dwight... "THE TRIPLE LOSERS"and what is this video? Gawain lang ito ng mga taong mahihina na tulad mo, Dwight. Baka naman hindi mo pa nakita ang sex scandal ninyo ni Veronica noong JS ninyo tapos ang lakas ng loob mong siraan si Basil. Pare-pareho lang kayong manggagamit, alam mo ba iyon?"



Lahat ay natameme. Hindi sila makapagsalita. Nagkatinginan silang lahat.



Kinahapunan, nakita niya ang isang malaking kahon sa harapan ng kanilang gate. Ibinalik ni Madison ang halos isangdaang piraso ng stuffedtoys na binili niya para sa dalaga simula ng suyuin niya ito.



Kinumpronta ni Brian ang kuya. Halata ng nakababatang kapatid na sa tagal ng panunuyo niya ay hindi niya naisip na bahagi lang iyon ng pustahan o may bahid ng katiting na paghihiganti kundi pawang seryosong panunuyo.




"Kuya, bakit mo nagawa iyon kay Madison?"

"Di ba iyon naman talaga ang plano natin?"

"Natin? Bakit? Hindi mo ba talaga siya minahal?" tanong ni Brian.

"Hindi" tugon ng kapatid.

"Hindi ako naniniwala sa sagot mo. Halatang nagsisinungaling ka lang"

"Ano ba ang gusto mong marinig?"

"Yung totoo lang sana. Bakit kailangan mong magsinungaling sa akin?"

"Dahil yun talaga ang totoo"

"Huwag mo akong lokohin kuya. Alam ko kung kelan ka nagsasabi ng totoo at hindi"



Napansin ni Brian na hindi makatingin ng diretso ang kuya at pinipisil nito ang kanyang kamay, patunay lang na nagsisinungaling ang kapatid.




"Paano mo naatim na pagsabayin silang dalawa ni Veronica?"

"Paano mong..."

"Hindi ko akalaing ganyan ang gagawin mo. Binasted ako ni Madison dahil ang totoo, nalaman niya ang plano nating dalawa"

"Bakit hindi niya sa akin sinabi?"

"Dahil baka puwede kang magbago ng plano. Baka puwede mo rin siyang mahalin ng totohanan. Posible yun di ba?"

"My gosh!"

"Tapos na ang palabas Kuya. Naloko mo kaming lahat doon. Magaling kang artista"



Tinalikuran na siya ni Brian. Maging siya ay hindi pinansin ng nakababatang kapatid. Masama ang loob nito dahil hindi lang basta paghihiganti ang ginawa ni Dwight. Sobra sobra pa ito sa paghihiganti na inaasahan niya.


THE CHRONICLE OF A MAN HATERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon