TCOAM 2: LAST WORDS FROM MARKO

108 5 0
                                    

MARKO'S POV



Napanuod ko ang interview nina Basil at Madison sa KMJS. Napabuntunghininga na lang ako. Simula ng malaman kong hindi siya napasama sa trahedya ay ipinangako ko na hinding hindi ko na gagambalain pa silang dalawa.



Nagpasalamat ako dahil nakumbinsi kong huwag nang umalis si Madison na siyang nakapagligtas sa kanya sa plane crash na iyon.



"Mahal na mahal kita Madison."

"Marko, alam mo naman kung sino ang mahal ko kahit noong una pa lang."

"Bakit hindi mo ako hinintay?"

"Hindi naman ako nangako sa iyo."



Nagsumikap ako sa pag-aaral. Naisip ko kasing mas mahalaga ang pag-aaral at hindi puwedeng pagsabayin pati ang pakikipagrelasyon. Mahirap ihandle ang dalawang magkaibang bagay. Ayoko din sa relasyong masyadong komplikado.



Hindi umayon sa amin ang pagkakataon. Bagamat nag-break sina Madison at Basil, hindi niya ako tinanggap bilang kanyang boyfriend para sana masubukan ko man lang. Hindi ako nagtagumpay.



Nang magkita kami ni Madison sa Coffee Shop, akala ko ay puwede na pero hindi pa rin pala dahil engaged na siya.



Ang totoo, masyado daw akong Mama's Boy. Masyado daw akong masunurin sa aking mama. Baka pagdating daw ng araw ay maging problema namin iyong dalawa. Ang sabi ko kay Madison, nasa pag-uusap naman ang lahat. Minsan na daw siyang sumugal kay Basil. Kapag hindi sila magkakabalikan bago siya magtapos ng kolehiyo, makakasiguro ako sa kanya. Pero hindi na kami nagkita matapos niyang maka-graduate. Umalis siya kaagad papuntang Dubhai at kitang kita ko kung paano siya niyakap ni Basil ng buong higpit. Hinalkan siya na parang hindi na sila magkikita.



Ah, talagang mahal nila ang isa't isa.



Nang makasalubong ko siya sa Terminal 3 ng Airport, nakita kong namumula ang kanyang mga mata na parang kagagaling sa pag-iyak. Naisip ko na baka nag-away lang sila ni Basil pero matinding away para maisip niyang bumalik sa Dubhai.



"Huwag mong takasan ang problema. Nadaaan naman ang lahat sa mabuting usapan." Biglang bigla siyang humagulgol. Para daw akong matanda kong magsalita. Bigla niyang naalala si Tito Basti dahil ganoon din daw ang payo sa kanya ng magbreak sila ni Basil.



"Hindi kita yayayaing sumama sa akin. Alam ko kung gaano ka kasaya sa piling ni Basil. So, bakit ka lalayo? Matuto kang lumaban. Huwag kang basta mag-give up. Hindi na magiging masaya ang buhay ni Basil sa iba... Sa iyo lang... Tama ba?" Tumango si Madison pero nakita kong nag-check in na siya.




Kinabukasan, bumulaga ang balita sa akin ng magplane crash ang Arab Emirates na sinakyan ko na alam kong sinakyan ni Madison papuntang Dubhai. Napasugod ako kay Basil at nasaktan ko siya. Mabuti na lang talaga at nagbago ang isip niya, kung hindi...



Di bale... makakahanap din ako ng babaeng para sa akin.



May iba pang Madison sa mundo. Maaaring hindi talaga si Madison but could be like her. Kung sino ang dumating sa akin, tatanggapin ko kung sino pa siya.


THE CHRONICLE OF A MAN HATERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon