TCOAM 2: THE PROPOSAL

77 5 0
                                    

MADISON'S POV



Tulad ng dati, maaga siyang gumising at nagluto ng almusal. Gusto kong ma-enjoy ang tulog ng araw na iyon. Bukas na ang pinto ng kuwarto dahil naligo na rin siya sa banyo.



"Papasok ka na?" Tanong ko sa kanya.

"Dito ka lang ba?"

"Susunod na lang ako sa'yo"

"Why don't you think it over? Join my advertising department team"

"Why don't you hire someone else?"

"Di ba mas maganda kung misis mo ang kapartner mo sa trabaho?"

"Bakit naman?"

"Para mas inspired ka"

"Hindi ba nakakasira yun sa trabaho nila?"

"Sa tingin ko, pinagdadaanan talaga nila ang mga ganoong bagay pagdating sa trabaho"

"Teka, wala ka pang necktie" Hinanapan ko siya ng necktie na babagay sa kanyang damit.

"So, anong balak mo?"

"May dadaanan lang ako kaya una ka nang pumasok. Hindi maganda na nali-late ang boss. Hayan, okay na. Pogi naman."

"Ngayon mo lang ba nalaman?"

"Parang ngayon lang kita natitigan ng mabuti. Ilang taon mo nang empleyado si Valerie?" sabay tingin nito sa relo at tinalikuran ako.

"Naku, mapupunta na naman tayo sa ibang usapan."

"Basil! Isa, bumalik ka dito" Huminto ang binata sa pinto. Nilapitan ko siya at dinampian ng halik.

"Huwag kang aalis na hindi nag-go-goodbye kiss sa akin"

"Ay oo naman. Hinding hindi ko iyon dapat kalimutan" Masaya siyang umalis.



Ayaw talaga niya akong patulan kapag si Valerie ang aming pag-uusapan.



Pagdating sa opisina. Ibinigay ni Valerie ang kanyang schedule.

"By the way, Sir. Sa sunod na linggo na po ang dating ni Mr. Jeffersons."

"Sa Creative Planning mo siya i-assign. Ikaw, ayaw mo bang sumama sa team nila"

"Sa Commercial Department ang gusto ko"

"I'll keep that in mind. "



Hindi ko alam na may inihandang surprise sa akin si Basil ng araw na iyon.

"Nasaan ka na?"

"Sige, I'll wait"

"I love you"

Kinuha niya ang maliit na box sa kanyang drawer.



Lumabas ito ng kanyang opisina.



"Okay, your full cooperation is needed to make this successful for me this day. Tulad ng ating pinag-usapan at pinagplanuhan, help me with this one. Pleeeaseeee!"



"No problem Sir Basil" Sigaw ng lahat.



Pagbaba ko ng taksi, nakita ko ang isang electronic ad sa building ng Advertising Agency. Interview ng isang lalaki. Nakatalikod ito at boses lang ang naririnig. Pamilyar sa akin ang boses pero hindi ko masabi kung sino. Huminto ako at pinakinggan ang interview. Ayon sa interview, 8 years na ang kanilang relasyon at gusto na niyang mag-asawa. Magpopropose daw siya ngayong araw. Simple lang daw ang mapapangasawa niya pero gusto niyang malaman na lahat kung gaano daw niya kamahal ang babae. Kinilig naman ako. Napangiti ako pagpasok ko ng opisina. Pero mas nagulat ako ng makita ko kung sino ang ini-interview. Live Interview pala talaga iyon. Nilapitan ako ni Basil. Lumuhod siya sa harapan ko at inilabas ang singsing.



"Will you marry me, Madison?"

Napuno ng sigawan sa loob ng opisina.

"Say "Yes" ang sigaw ng ilan.

"Marry Him! Marry Him" ang kantyaw ng iba.



Napabuntunghininga ako. Inaasahan ko ang proposal pero hindi sa madaming tao at hindi sa isang electronic board na nakikita ng lahat. During the weekends, na-pressure na ako ng pagpunta namin kina TIta Jessica at kina Mama at Papa pati ang tawag ni Papa from Dubhai.



"Yes, I will marry you" Lalong napuno at lumakas ang sigawan sa loob ng opisina habang isinusuot ni Basil ang singsing sa aking daliri. Biglang nagsigawan ng kiss ang ilan niyang staff and he sealed it with a kiss. He made the kiss a little longer kaya lalong nagtilian sa kilig ang lahat. Hindi rin nila akalaing mangyayari ang mga bagay na iyon matapos nila akong makita . Parang may shooting talaga! Nilapitan ako ng ilan niyang staff at iniabot sa akin ang iba't ibang kulay at klase ng stuffed toy. Nanlaki ang aking mga mata dahil alam ni Basil ang aking kahinaan pagdating sa stuffed toy. Binati nila ako ng may ngiti sa labi. Tuwang tuwa sila at kilig na kilig.



Habang nagaganap ang lahat, maraming commuters sa tapat ng building ng opisina ni Basil ang napahinto at nanuod ng kasalukuyang nagaganap sa loob ng kanyang opisina.



Dahil sa tagumpay ang kanyang proposal, sinagot ni Basil ang tanghalian ng buong staff niya. Nagpadeliver ito ng pagkain na pinagsaluhan ng lahat.



Samantala sa loob ng opisina.

"Nakakainis ka talaga!"

"Lagi ka na lang naiinis sa akin" Habang yakap-yakap niya ako.

"Nagustuhan mo ba?"

"Oo, I love you,Basil"

"Puwede na ba mamayang gabi?"

"Hay, I don't like that idea. Better for you to undergo a 100-day challenge before getting married"

"What? Na naman?"

"Take it or I'll leave it" sabay turo sa singsing.

"Sige, what challenge is that?"

"You are not going to stay with me in bed. "

"Pinaparusahan mo ba ako?"

"Sa labas ka ng kuwarto matutulog o uuwi ako kina Tiffany"

"Sige nga. Can't I kiss you?"

"Puwede mo naman akong halikan? Bawal ka lang tumabi sa akin dahil malikot kang matulog."

"Hindi ako malikot matulog"

"Yung kamay mo ang malikot, yun ang big kong sabihin"



Madami ang tumawag sa opisina ng araw na iyon dahil sa magandang feedback ng electronic ad na pakulo ni Basil. Tumawag din ang KMJS para interbyuhin kaming dalawa tungkol sa aming love story. Gusto rin nilang sundan ang mangyayari kung matutuloy ba ang lahat sa kasal.


THE CHRONICLE OF A MAN HATERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon