TCOAM 2: DO'S AND DON'TS

79 3 0
                                    

MADISON'S POV



Bago siya umalis ng bahay, marami siyang bilin. Huwag magpaligaw sa iba. Tigilan ko ang kare-reply kay Mark. Huwag gumala sa bahay ng naka-bathing suit. Maagang umuwi dahil hindi na daw niya ako mamo-monitor.



Noong una, madalas siyang dumalaw sa bahay nina Tita dahil hindi pa siya abala sa kanyang pag-aaral sa kolehiyo. During weekends, hindi niya nakakalimutang sumaglit kahit ilang oras sa bahay. Kapag maaga ang uwian niya, hihintayin niya ako sa bahay. May mga pagkakataon na masu-sorpresa na lang ako sa school dahil sinusundo niya ako.



Madalas pa rin niya akong pinagagalitan kapag late na akong umuwi sa bahay. May mga pagkakataong nahuhuli niya akong nagsisinungaling dahil matagal na pala siyang naghihintay sa bahay tuwing may surprise visit siya sa akin . Pero atleast hindi ko na nararanasang may mang-aaway sa akin pagpasok ko pa lang ng gate. Nag-aalala lang daw siya dahil hindi na niya ako masusundo na tulad ng dati.



Natuto na siyang makialam ng cellphone ko. Nagtsi-check siya ng text messages at maging mga miss calls ay tinitingnan niya. Hindi rin ako makakatakas sa mga tawag na tinatanggap ko maliban sa tawag ni Papa at tawag niya. Minsan ay pinag-awayan namin si Marko dahil nakikita niya ang mga messages nito sa akin . Pati nga received calls ko ay tinitingan niya. Hindi ko lang nabura ang tawag ni Marko. Galit na galit siya dahil inabot kami ng isang oras sa cellphone at madaling araw na akong nakatulog noon. Pasado ala una na iyon.



Hindi pa rin niya ako tinigilang pagalitan lalong lalo na kapag hindi ako nagba-bathrobe tuwing maliligo kami ni Tiffany sa pool. May mga pagkakataon kasing nasa sala pala siya at naghihintay sa akin at magugulat na lang ako. Hate pa naman niya sa lahat yung makita akong naka-two piece dahil parang wala na daw akong tinatakpan sa katawan ko.



May mga pagkakataong nakakapagdate pa rin kami, nanunuod ng sine, nagsa-shopping at bumibili ng gamit sa school. Nanunuod kami sa mga nag-i-skating at nakukuntentong magpalipas ng oras sa walang katapusang kuwentuhan bago niya ako ihatid sa bahay.



Napanatag na rin ang loob niya dahil wala na sa campus si Dwight dahil kasabay niya itong gumradweyt. Si Brian lang ang malimit magpunta sa bahay dahil nanliligaw ito kay Tiffany. Ang hindi niya alam, madalas pa rin akong suyuin ni Dwight. Pinadadalhan niya ako ng bulaklak at patuloy na humihingi ng sorry. Sampung beses siyang nagpadala ng bulaklak sa school , then after that huminto na siya. Nalaman na lang namin na sa ibang bansa na pala siya.


THE CHRONICLE OF A MAN HATERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon