OVERCONFIDENT

91 4 0
                                    


MADISON'S POV




Nagtataka talaga ako kay Basil dahil hindi ko man lang siya nakitang kinabahan sa ginagawa namin. Natural at totoong saya ang nakikita ko sa kanya samantalang halos himatayin ako sa sobrang kaba. Malakas ang loob niya sa kanyang pinaggagagawa samantalang hindi ako makatingin ng diretso kina Tita Jessica at Tito Andrew ng umuwi kami.



TInanong ako ni Tiffany kung ano ang pinanuood namin. Si Kuya Basil ang sumagot. Ipinakuwento sa akin ni Tiffany pero wala akong maikuwento.




"Madison, 'yung totoo... nanuod ba kayo ni Kuya ng sine."

"Hindi, joke lang..." Sabi ko sa kanya habang paakyat kami ng hagdan.

"Oo nga nanuood kami..." Sabi ni Kuya Basil.

"Eh bakit wala kang maikuwento unless..."Biglang huminto si Tiffany. Lumapit mabuti sa mukha ko at sinipat mabuti ang mukha ng kanyang kuya.

"Bakit?" Tanong ko.

"Alam ko na... Hindi kayo puwedeng magkaila..."

"WHAT?" Tanong ko.

"Ikaw Kuya ha! Sumimple ka kay Madz. Tell me, what did you do? ?A lot of things happens in the dark" Dinig kong sabi niya pero hindi ko sila pinansin. Pumasok ako sa kuwarto at humilata sa malaking kama.

"Tama ba itong ginawa ko... Oh Lord..." Tumingin ako sa kisame kausap ang butiki.




Samantala....



Matagal ang 100-araw ng panunuyo para lubusan kaming magkapalagayang loob ni Dwight. Maraming puwedeng magbago habang kinikilala namin ang isa't isa. Hindi ko isinasara ang posibilidad na magbabago pa ang tingin niya sa akin. Kahit sana maging magkaibigan na lang kami sa bandang huli basta't huwag lang niya akong paghigantihan. Sa kabila ng lahat, ipinapakita ko sa kanya na kahit seryoso siya sa panliligaw sa akin, hindi pa rin iyon kasiguruhan.




Naglakas loob siyang tanungin ako. "Hindi mo pa ba ako sasagutin?"

"Bakit may 100days na ba?"

"Talaga bang sigurado ka sa 100 days mo?"

"Puwede ring huminto kung napapagod ka na?"

"Ikaw talaga, hind ka na mabiro?"

"Huwag mo akong idaan sa biro" seryosong sabi ko. Hindi ko maitago ang pagkairita ko sa tuwing nakikita ko siya.




Para sa akin ,ang lahat ay parang sugal lang. Tumataya ako at binibigyan siya ng pagkakataon sa kabila ng katotohanan. Puwede siyang masaktan sa bandang huli dahil sa dulo nito, wala siyang mapapalang sagot na matino sa akin. Kinumpronta niya ako dahil hindi daw niya ako maintindihan, minsan okay, minsan naman hindi. Sigurista kasi siya. Gusto niya, panalo siya sa bandang huli.

THE CHRONICLE OF A MAN HATERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon