THE TRAGEDY

64 4 0
                                    

BASIL'S POV



Medyo matrapik na ng oras ng iyon. Maaga pa lang pero ang dami ng sasakyan at unahan sa pagkuha ng kanilang pasahero sa kalye. Naisip kong tawagan na lang si Madison pagdating sa opisina. Pagbaba ko ng Skycraper kinuha na ng driver ang aking kotse para dalhin ito sa parking area. Pagpasok ko ng building, Inusisa kaagad ako ng guwardiya kung nasaan daw si Madison.



"Nasa bakasyon si Madison..." Pagtatakip ko. Ayokong sabihing nakipag-break na sa akin at iniwan na ako. Malungkot ito at halatang galing sa iyak ang guwardiya .Nagtaka ako sa klase ng tingin niya sa akin. Yumuko siya at hindi ko na lang siya pinansin.

Pagpasok ko ng opisina, nakatutok sa telebisyon ang mga staff ko.



"Grabeh! Nakakatakot naman..."

"Alam mo, ngayon lang ulit nagkaroon ng plane crash."

"Angtagal na rin 'yon. Bakit daw ba bumagsak?"

"Engine Trouble lang naman palagi ang problema sa mga eroplano. "

"To think na Arab Emirates pa ang eroplano."

"Hindi kaya terrorist attack na 'yan"



Lalong nagpanting ang tenga ko ng marinig ang balita. Arab Emirates? Nag-crash? Nagmadali akong nagbukas ng computer para tingnan ang detalye on-line. Pumasok si Catcat kasama si Marko.



"Walanghiya ka!" sinugod ako ni Marko ng suntok sa loob mismo ng aking opisina.

"Sira ulo ka ha! Anong problema mo?"

"Hayop ka! Papatayin kita! Pinabayaan mo siya..." Sigaw ni Marko.

"Ano bang sinasabi mo?" Bumungad sa akin ang malaki at makapanindig balahibong balita. Hindi ako makapaniwala.

"Nagkita kami ni Madison sa terminal 3 kahapon. Galing ako ng Dubhai. Babalik muna daw siya ng Dubhai para makapag-isip-isip...Ang eroplanong iyon ang sinakyan ko at ang mismong sasakyan din ni Madison."

"Ha!"

"Mapapatay talaga kita. Hayop ka!" Nagkagulo sa loob ng aking opisina. Inawat kami ni Dwight at ng guwardiya ng mga oras na iyon.

"Hindi ako naniniwala..." Oo... hindi ako naniniwala hangga't walang matibay na ebidensiya na wala na talaga si Madison.

"Catcat, tingnan mo nga ang computer ni Madison. Tingnan mo ang history ng kanyang computer. " Saglit lang si catcat pero mga lukot na papel ang dala niya sa akin.

"Ang sabi ko , look at her computer... NOW!" Hindi ko balak tingnan ang mga papel na iyon.

"Sir..." Inayos ni Catcat ang papel... Madison is securing a plane ticket online... Mukhang naubusan siya ng ink sa kopya na iyon pero nandoon ang pangalan ng airline na sinakyan ni Madison.

"MADISONNNNNN!" Nag-iyakan ang mga staff ko ng sumigaw ako.

"NOOOOO...." Humagulgol ako ng tuluyan. Halos hindi ako makahinga sa sama ng loob. Hindi ko alam... Biglang nagsipagtunugan ang mga linya ng telepono namin... all were asking for Madison. Nagtatanong kung totoo ba ang balita. Nasa linya si Papa... Umiiyak siya dahil wala pa daw si Madison. Ano daw ang nangyari? Delayed daw ba ang flight niya? Biglang naputol ang linya.

Hangos na dumating sina TIta Jessica at Tiffany. Niyakap ako ni Tiffany at nag-iiyak .



"Tito, anong nangyari?"

"Basil, anong nangyari kay Madison? Magsalita ka! Anong nangyari?"

"Tita, hindi ko din alam..."



Tumawag sina Mama at Papa dahil nabalitaan nila kay TIta Jessica na umalis si Madison kahapon. Nabanggit ni TIta na mukhang nagkatampuhan kami pero hindi ko inaasahan na hahantong sa ganitong trahedya.



Umiiyak si Valerie sa kanyang cubicle. Hindi rin makapagsalita si Dwight.


Gusto kong sisihin ang sarili ko ng mga oras na iyon. Walang may gusto na mangyari ang aksidenteng iyon.



"TIta, iko-confirm ko muna sa airline kung kasama sa manifesto si Madison. "

"Pero nakasalubong daw siya ni Marko at nagcheck in kahapon."

"Tito..."

"TItingnan ko po muna. Kailangan nating magdasal at umasa na isa lang itong..."

"Basil..."

"Aalis po muna ako. Dwight, kindly take over. Marko, salamat pero kailangan ko munang siguruhin ang lahat."



Galit na galit si Marko dahil nagkausap daw sila ni Madison bago umalis. Halata niyang masama ang loob ng dalaga.



Wala akong inaksayang oras. Nagtungon kaagad ako sa airlines. Madaming tao doon ng mga oras na iyon. Kagabi pa nga daw ang ilan dahil kagabi ang flight ng eroplano. Sumugod kaagad sila para malaman ang totoo. Dinig ko ang sinabi sa manifesto... pangalan ni Madison ang huling binanggit.



Napaluhod ako sa aking kinauupuan. Hindi ako makapaniwala. Gusto kong iumpog ang aking ulo para malaman ko kung gising ba ako o binabangungot lang.



"Oh God please... "



Magbibigay na lang daw ng opisyal na pahayag ang pamunuan ng  Arab Emirates Airlines para sa nangyaring trahedya. Ginagawa nila ang kanilang makakaya para makuha ang mga bangkay. Sa susunod na 72-hours ay umasa na makukuha ng ilang mag-anak ang mga kagamitang nakuha sa site ng trahedya.

 

THE CHRONICLE OF A MAN HATERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon