Chapter 33

8.9K 243 31
                                    

Hindi pa man 'opisyal' na inanunsyo, I am happy and proud to be a PRESIDENT Duterte Supporter (ノ'ヮ')ノ. Sinong maka DuCay dito? (^_^). Para sa inyo ito! ( ^∇^)

-
[Shayle]

Otomatiko akong napahinto sa presensyang naramdaman ko. Mabilis akong lumingon lingon sa paligid at pilit na hinanap kung saan nanggagaling ang presensyang iyon. Alam ko, alam ko kung kanino yun!,kahit na ilang taon na ang nakakaraan, alam kong sa kaniya ang naramdaman kong presenya. Pero...bakit siya nandito?.

Tatakbo na sana ako nang bigla akong nahinto dahil sa isang kamay na pumigil saakin.Nang lingunin ko ito, nakabusangot na mukha ni Wong ang bumugad saakin.

"San ka pupunta?"

Puno nang katanungan ang mukha nito, sandali akong tumingin sa mga taong dumadaan sa harapan namin bago ko binalik ang tingin kay Wong.

"Wala...nevermind"

Agad na nagkasalubong ang kaniyang kilay saka padabong na binitawan ang kamay ko. Hindi naman ako nagreact at tumingin lang sa kaniya.

"You've been acting weird, tapos sasabihin mo 'wala,nevermind'. Ano yun? lokohan lang?"

"wala nga talaga eh-"

"kung ganun-why the heck are you looking for something as if na parang importanteng makita mo iyon?,hindi mo man lang naisip na meron kang kasama!"

Galit na saad nito, medyo napapatingin na ang mga tao saamin pero parang wala lang sa kaniya iyon. Ako naman ngayon ang napakunot noo habang nakikipagtagisan ng tingin kay Wong.

"why do you care anyway...?"

Tila kaagad na nawala ang galit sa mukha niya at frustrated na isinuklay ang mga kamay sa kaniyang buhok. Mahabang katahimikan ang bumalot saamim, kahit na ang ingay ingay nang paligid ay tila bang bigla itong tumahimik. Para kaming tangang naka tayo sa gitna nang daan, nababangga na nga kami nang mga tao pero hindi parin kami umaalis.

I was about to speak nang bigla niya akong hilahin paalis. Magrereklamo na sana ako nang maramdaman ko ang mahigpit na hawak nito sa aking mga kamay. For the nth time, I chose not to speak.

"If iniisip mo na may gusto ako sayo,well then think twice"

Nagulantang ako sa sinabi niya kaya walang pagdadalawang isip ko siyang binatukan dahilan para mapahinto siya. Inis ang mukha nito pero halatang natatawa, astang babatukan ko ulit siya, agad siyang nag iwas at lumayo kaunti saakin.

"woah!- kidding okay, I was just kidding"

"Kidding mo mukha mo! hinding hindi talaga ako magkakagusto sa isang-sa isang katulad mo!"

"Wala naman akong sinabing magkakagusto ka sakin ah"

Titig na titig ito saakin na para bang may ginawa akong kasalanan pero pinanliitan ko lang siya nang mata at inirapan.

"alam mo nakakapikon ka na!"

Nasabi ko nalang saka nag walk out, hindi ko naman kasi alam kung anong i tatapon kong salita sa kaniya. Oo nga wala nga siyang sinabi, ba't ko ba yun nasabi? ahh ewan!.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at nakasunod naman saakin si Wong sa likod. Ewan ko ba sa kaniya, pupwede niya naman akong iwan dito pero sunod parin siya nang sunod, baka isang araw magmukha na talaga siyang buntot sa kakasunod saakin.

Medjo malayo rin ang nilakad ko bago ko napagpasyahang huminto. Tumabi naman saakin si Wong at tinuro ang gusaling nasa tapat namin.

"What are we goin' to do in here?"

Laiphar: A Great Sorcerer (2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon