(YOW 😀)
Chapter 50
Walang gana kong tinignan ang naghihinalong si Ethan habang namimingwit ng isda. Halos mag dadalawang oras na siyang namimingwit at ni isang isada ay wala pa siyang nakuha. Hindi ko naman kasi akalaing hindi pala marunong mangista ang lalaking ito!, palibhasa mukhang anak mayaman.
“Hoy! Ano na Ethan?, wala pa rin ba? Gutom na ako!”
Reklamo ko sabay upo sa isang malaking bato, naiinis namang napatingin si Ethan saakin sabay tapon ng pamingwit niya. Sa gulat ko’y agad akong napatalon paatras sa takot na baka ay ako pa ang pag puntungan niya ng galit. Alam niyo naman yang mga lalaki, nasasaktan ang ego kapang natatalo ;) hahahah!.
“Wala pa! Pinapakain ko pa lang ang mga isda!”
Palusot niya saka pagod na umupo sa batong kinauupuan ko kanina. Hindi ko mapigilang matawa sa naging tugon niya, hindi naman kasi kapani paniwala. Tska sino ba namang sira ulo ang magpapakain pa ng isda habang gutom na gutom na!---eh malamang si Ethan na iyon!.
“Mas importante pa pala ang isda kaysa saatin?, eh malapit mo na ngang maubos ang pain!”
Singhal ko saka lumapit sa ilog. Malapit nang magdilim, hindi pwedeng matulog kaming gutom dahil sa malang ay mag wawala ang mga alaga namin sa tiyan. Ba’t ko pa kasi naisipang mag pa contest nang paramihan ng kuhang isda?, kung alam ko lang talaga na hindi naman pala boy scout itong isang to ay hindi ko na itinuloy.
“Para naman pag mabingwit na natin ay busog pa”
Malutong akong napatawa sa sinabi ni Ethan, hindi naman ito nagalit at nakitawa pa. Siguro na isip niya na ang tanga nang sinabi niya hahaha!. Napaka laki talaga ng pinagbago namin sa isa’t isa simula nung nag training kami dito sa gubat.
Hindi naman sa masyadong close, pero at least nag karoon kami ng pagkakataong malaman at maintindihan ang isa’t isa. Hindi naman pala ganuon ka suplado itong si Ethan, mayabang lang (NAPAKA) tsaka napaka seryoso lalo na pag nag sisimula na kaming mang training. Hindi siya tumitigil hangga’t hindi niya nahahasa ang mga techniques na itinuro ko sa kaniya.
“Hindi ko alam na marunong ka pa lang mag Joke”
“hindi yun joke, seryoso ako. Ikaw lang itong tumawa”
Nakangiti niyang sambit, hindi ko napigilang mapairap dahil sa palusot niya. As always, napaka denial niya pa rin sa mga bagay bagay na tingin niya ay hindi cool.
“Oo na”
Pagsuko ko saka ko malakas na inihagit ang tuwalya sa kanyang mukha. Rinig na rinig ko pa ang malakas na impact nito at ang malutong na mura ni Ethan. Hindi ko na din siya pinansin pa at seryosong tumingin sa ilog. Gamit ang hawak kong kunai, ay mabilis ko itong inihagis. Sumapol ang dalawang isda at natarak sa isang puno.
Malakas naman umungol si Ethan na hindi sang ayon sa ginawa ko.
“Uhhhh! Nakakainis! Gusto pa lang magpa tarak sa puno ng isda?, kung alam ko lang ay sana yun nalang din ang ginawa ko!”
“Hindi ka pa nga masyadong bihasa sa paggamit nito eh, so uncool!”
Kantsaw ko sa kaniya at kagaya ng dati’y hindi na siya natapos sa kakatalak ng mga bagay bagay na sa tingin niya cool. Hindi daw porket ganito ganiyan ay cool na, pero gaya nang dati ay sinakyan ko nalang ang mga kumento niya sa sarili.Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na ang seryosong Ethan Wong ng Academy ay mag ganitong ugali pala. Napaisip tuloy ako, is this really him?, the uncovered Ethan Wong?.
“Ako na ang bahalang magluto nito, magbihis ka na dun”
Sabay turo niya sa itinayo naming tent malapit sa malaking puno. Hindi agad ako kumilos at tinitignan siya habang kinukuha ang dalawang isda na nakatarak sa puno. I scanned myself, pwede namang mamaya na ako magbihin eh, hindi naman ako basa---medyo madumi nga lang, unlike him na basang basa na.