Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
(Third Person's POV)
Hindi niya mapigilang mapangise habang nakatingin sa mga taong halos magmakaawa na upang mailigtas ang kanilang buhay. This is the pleasure that he always want to achieve at ngayon ay abot kamay na niya, napakalaking galak sa kaniya ang mga nangyayari.
Sa gitna nang kaniyang panonood ay napansin niya ang tatlong taong nasa labas ng Dome, sugatan ang mga ito at parang may pinag aawayan. Mas lalo siyang napangise sa nakita, mas nakadagdag ito ng galak sa kaniyang sistema.
"Sige lang, mag away lang kayo. Punuin niyo nang galit ang inyong puso't isipan"
Bulong niya sa hangin at unti unting nawala.
---
(Cassidee)
Tila hinigop ang kaluluwa ko sa sobrang lakas ng pwersang aking nilabas, ramdam ko ang pag iba ng kapaligiran hanggang sa pabalyag akong bumaksak sa semento. Hindi ko pa man na iangat ang ulo ko'y may narinig na naman akong pagsabog. Mahigpit kong hinawakan ang aking ulo at tilakpan ang aking tenga dahil sa nakakabinging tunog ng pagsabog.
"Hanggang dito ba naman?"
Naiinis kong sambit saka unti unting tumayo. Sa aking pagtayo ay may bumagsak na katawan malapit saakin, nagulat ako at halos maduwal sa nakita. Bangkay ng isang kawal ang tumilapon, nakanganga na ito at halos hindi ko na makilala kung sino.
Hindi ata makayanan ng mata ko ang nakita kaya hindi ko na napigilan ang pag duwal. Hindi ako makapaniwala sa nakita, bakit umabos sa ganito ?. Hindi ko akalaing ito kaagad ang madadatnan ko sa isang totohanang digmaan. Ibang iba ito sa Ranking Quest ng school, kailan man ay hindi ko pa ito nararanasan.
"saan na yun? baka buhay pa"
Isang tinig ang aking narinig hindi malayo sa aking kinaroroonan, kabado akong napatingin sa bangkay sa aking gilid at napatingin sa kinaroroonan nang boses. Iba't ibang imahe ang kaagad rumihistro saaking isipan na kaagad kong tinakwil. Hindi dapat nila ako makita!, kapag nagkataon ay maaaring hindi na nila ako bubuhayin!.
Sa huling segundo ang mabilis ngunit maingat akong naglakad papunta sa isang eskinita, kasiya ako rito ang problema nga lang ay maraming nagkalat na mga basura. Kaontiing galaw ko lang ay maaaring makuha ko kaagad ang kanilang atensyon.