Chapter 35

7.4K 224 17
                                    

Hi guuuys! Dahil matagal akong nakapag update at gusto kong bumawi't magpasalamat sa inyong super support, ito at gumawa ako agad nang continuation! ( ̄∀ ̄). Maraaming salamat po sa patience at pagtangkilik nang storya kong hanggang ngayon ay struggling pa rin ang plot. ヽ(´▽`)/ Thankyou po and enjoy!

-

[Shayle]

Mabigat ang mga paa kong naglakad papunta sa classroom, nakasimangot ang mukha at parang tangang nagsasalita sa gitna nang daan. Ramdam kong pinagtitinginan na ako nang iba pang mga estudiante pero hindi ko na sila pinansin.

"Bwesit na Wong!, humanda talaga yung gagong yun!"

Nanggagalaiting saad ko sabay padyak nang isang paa. Monday na ngayon at hanggang ngayon hindi ko pa rin nakikita ang gagong Wong na iyon!, tignan niyo! sa sobrang inis ko nagiging rhyme na ang mga words ko!.Buong araw ko siyang hinahanap pero ni anino niya ay wala akong nakita!. Saan naman kaya iyon nag sususuot?!.

Sinipat ko nang tingin ang aking wristwatch at tinignan ang class schedule ko. Hanggang ngayon kasi eh hindi ko pa rin ito memoryado, ang tanging alam ko lang ay ang oras nang kainan at uwian, halos lahat naman siguro nang studiante iyan ang unang nasasaulo.

Kung nandirito lang sana si Drianna hindi sana ako mahihirapan nang ganito!, pati ang isang iyon ay tila bulang pumutok sa gitna nang kalangitan. Matapos kasi naming nakauwi kahapon galing sa Park ehh para siyang kamatis sa pula at biglang nagiging magugulatin, which is unusual. Napapaisip tuloy ako kung may nangyari bang kakaiba sa kanila ni Richards.

~
A few days ago...

Mag isa kong nilibot ang BUONG parke at isa isang sinipat ang mukha nang bawat taong nadadaanan ko. Kanina ko pa kasi hinahanap sina Drianna pero hindi ko talaga sila makita!. Nakakainis pa ang Wong na iyon dahil iniwan na nga ako, ININIS NIYA PA AKO! humanda talaga sakin ang lalaking iyon!, parang bakla!, mukhang paa! heh!.

Sa paglalakad ko, nadaanan ko ang nagkukumpulang mga kababaihan sa may shooting area. Puro tilian at sigawan nang mga estudiante ang nangingibabaw sa buong area, hindi ko na sana papansin pero kusang naglakad ang mga paa ko papalapit sa lugar. Ilang beses kong inattempt na tumalon para masilip man lang kung anong meron pero di ko pa rin makita kaya sa huli, sumali ako sa pakikipagsiksikan nang mga estudiante. Tulak dito, tulak doon, may time ngang nahihila pati buhok ko o di kaya'y natatapakan o nasisiko ako kaya napapa aray ako paminsan minsan.

"Excuse...excuse me... ex—"

"Ano ba?!, wag ka ngang sumingit!"

Singhal sa aking nung isang babae tsaka binalik ang tingin sa harap. Napairap naman ako at pa sikretong tinulak ito nang malakas saka ako dali daling umalis kaya ang resulta, yung isa pang babaeng katabi ko ang napagbintangan. Napatawa naman ako sa isipan.

"bullseye!"

"Waaaahhh!!!"

"Wooooh!!! Go Leo!"

Rumagundong ang buong lugar at mas umingay ang mga tao. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero nang marinig ko ang pangalan no Richards agad akong bumaba at gumapang sa paanan nang mga tao. Payat naman ako eh, kaya di naman siguro nila mapapansin hahahaha!.

Mabilis akong nakarating sa harapan pero nanatiling nakababa, hindi ko na alam kung anong nangyari basta ang nakikita ko lang ngayon ay isang bow amd arrow, malaking... dart board? At isang lalaking may dalang malaking teddy bear at naglalakad patungo sa babae....kay Drianna.
.
.
.
.
Wait... what?!.
.
.
.
Anong nangyari?!.

Flashback ends.

~
Pag katapos nun ay nilapitan ko siya't tinanong pero wala siyang sinabi puro 'ha?' lang ang sinasagot niya. Kinulit ko na siya nang kinulit pero wala pa rin siyang sinabi hanggang nakauwi kami sa Dorm.

'Timecheck: it's 12:17pm'

'12:45pm to 1:45pm -2nd Sem. Room 154 Magic Class.'

Malapit na ang afternoon class pero hindi pa ako nakakapag lunch, masyado ko atang inabalang ang sarili sa paghahanap nang dalawang iyon. Nakakainis! wala tuloy akong kasabay kumain!.

Sa huli'y napag pasyahan kong dumayong mag isa sa canteen, kasabay kong naglakad ang iilang estudianteng busy sa pakikipag usap sa kanilang mga kaibigan, ni hindi nga nila napapansing may nababangga na sila eh!.

"aray, dahan dahan naman"

Naiinis na reklamo ko sa dalawang babaeng parang kiti kiti, tuloy ay napa hinto sila at hinagod ako nang tingin. Medyo na concious tuloy ako at napatingin rin sa sarili. What?.

"You filthy Chairo, may reklamo ka?"

Mataray nitong kumpronta saakin, nagkasalubong ang kilay ko dahil sa isang salitang narinig mula sa kaniya. Filthy?! Hindi ba niya marealize na pinapakinggan niya ang sarili niya?!. sa itsura't galaw pa lang, halatang hindi na ito Fresh. Kumbaga, parang isdang pilipili at iniiba pag hindi na sariwa.

Naradaman ko ang mabilis na pag daloy nang dugo ko at enerhiyang pilit kumakawala sa aking katawan. Panandaliang kumirot ang Vessel Jewel sa aking braso kaya naging alerto ako't pilit pinapakalma ang sarili. Stay calm, focus Shayle!. Don't let that hella bitch burst the hell out of you!.

"Conceited...Bitch"

Tanging tugon ko at mas piniling tumalikod at umalis. Mainit ang ulo ko ngayon, wag niya sana akong piliting sumabog dahil tiyak malilintikan siya sakin!.

Pero mukhang hindi nga nila ako titigilan dahil mula sa kinatatayuan ko, ramdam ko ang mainit at intense na aurang pinapakawalan nila. Napayuko ako at napakuyom, hindi dapat ako mag padala... may mga bagay na hindi ko muna ipakita. Umalis ka na Shayle!.

"Kisama..."

*you brat!*

" Yamete "

* stop *

"DAMAREEEE!"

* shut uppp! *

Ngunit tila binging sumugod ito saakin, she's fast. Nakabuka ang mga palad nito at nagsitaasan ang matulis nitong mga kukong animoy kuko nang isang mabangis na hayop. Hindi ako gumalaw, at hinayaang sugudin ako nang matalim nitong mga kuko.

Ngunit sa sadaling unti unti na itong nakalapit saakin, bigla akong nabagabag dahil sa napaka pamilyar na presensya. Iba't ibang imahe nang taong iyon ang boluntaryong pumasok sa aking isipan. Mga sceneriong matagal ko nang kinalimutan. Mga ala alang nalipasan na nang panahon.

" Nico-senpai..."

I wispered as I loosed the griped and let my power came out.

No...

***

Laiphar: A Great Sorcerer (2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon