An: Pasensya na po talaga kung ngayon lang nakapag UD. Pasahan kasi nang mga projects ngayon kaya medyo busy ako, sana po wag kayong magsawa kahit na medyo matagl tagal pa ang takbo nang storyang ito. Tsaka sorry rin po kung wala masyadong kilig-kilig...uhmm... wala po kasing experience ang author niyo kaya medyo cold ang love life ng mga bida—hahahaha! XD. Anywaysss! Ito na po ang Chapter 44! ENJOY!.
-M4E***
[Shayle]
"Nicofranco WIN!"
Isang nakakabinging sigawan at tilian ang dumagundong sa buong arena nang inanunsyo kung sino ang nanalo. Mahigit isa't kalahating oras na rin nang magsimula ang duel between all families, duel upang ma klarisipika ang kakayahan nang bawat isa. Dalawa lang naman ang maaaring mangyari, tumaas ang lebel mo o bababa. Sa isa't kalahating oras kong pananatili at paghihintay, napansin kong halos hindi umuusad ang Chairo Family, lahat ay halos natalo at iilan lang ang nanalo.
Wala rin akong kakilala sa mga natapos na, halos ang mga nagsimula ay ang mga nasa mababang lebel pa. Hindi na rin ako magtataka kung any minute by now ay ako naman ang tawagin. Mayroon lang akong gustong i klaripika, hindi lahat ng studiante ay lalaban. 50% na studiante dito ay accelerated kaya malamang ay hindi sila pasasalihin sa duel dahil lagpas na sila sa qualifications ng mga nararapat pang umakselera.
"Tubig?"
Nakangiteng inabot saakin ni Drianna ang isang bote ng tubig na hawak niya. Nanginginig ang kamay nito kaya maagap kong hinawakan ang kanyang kamay upang pakalmahin, medyo umawang ang bibig nito dahil sa gulat pero hindi ko na ito pinansin.
"kinakabahan ka..."
I stated tsaka kinuha ang tubig ay binuksan. Naramdaman ko naman siyang umupo sa tabi ko't nagbuntog hininga, saglit ko siyang tinignan bago muling itinuon ang atensyon sa ngayong naglalabanan. Isang taga Capulet at Montague...interesting.
"Kinakabahan malang, eh pano kung taga Montague ang makaharap ko? Edi dedu na talaga ako! Ayaw na ayaw pa naman ng mga taga Montague sa mga taga Chairo, paglalaruan lang ako sa battle stage"
Hysterical na sambit ni Drianna na nakatingin sa harap habang nginangatngat ang kuko. Hindi ko tuloy malaman kung matatawa ba ako o maaawa sa kaniya. Kung tuluyan siyang kinain ng takot at pangamba eh napaka delikado, hindi ka pwedeng masyadong kabahan o matakot kapag nasa labanan, mapapahamak ka lang nito.
"Relax"
Ani ko.
"Ikaw ba Shay? Hindi ka ba natatakot? Hindi ka ba ni nenerbyos?"
Puno ng kuryosong tanong ni Drianna, natigilan naman ako dun at napatingin sa kaniya. Sa totoo lang, kahit mukha akong relax... sa loob loob ko'y hindi rin ako mapakali. Hindi madaling lumaban sa mga Montague lalo na't hindi mo alam kung ano ang mga kaya nilang gawin, wala naman kasing background check na naganap para malaman mk ang mga kahinaan nag opponent mo.
Talagang sinadya ang ganitong pagpipili para walang kaalam alam ang bawat isa sa mga kahinaan ng mga kalaban nila. Kanina ko na rin napansing talagang hindi magkakakilala ang mga naglalabanan kaya walang ni isang nag hesitate na makasakit ng iba. Well... maliban nalang sa ibang taga Chairo, natatakot kasi silang matandaan at makabangga ng mga taga high family dahil baka matandaan sila—na hindi rin malabong mangyari.
"Heaven knows kung gaano ako ka nerbyos ngayon..."
I honestly said, nagulat naman si Drianna at napatingin saakin. I meet her gaze and I gave her an assuring smile.
"...Pero wala ding magagawa ang nerbyos kung ipapakita mo. Dahil once makita ng kalaban na na iintimidiate ka sa kanila—panigurado they will take that advantage to stomp on you"
Isang mahabang katahimikan ang namayani saamin ni Drianna habang parehong nakatingin sa ibaba. Inanunsyo na ang nanalo, kitang kita ko ang kislap ng kasiyahan sa kanilang mga mata na ngayon ay inaasam asam ko—namin.
"Your right..."
Basag ni Dri sa katahimikan, hindi ako umimik ni lumingon, hinayaan ko lang siyang sabihin ang gusto niyang sabihin. Siguro ay meron siyang na realize sa mga sinabi ko, kung meron man ay natutuwa akong malaman iyon.
"Thank you Shay"
I grin at unti unting tumayo, sa sobrang tagal ng paghihintay ko'y sa wakas makakapag ensayo na ako. Kasabay ng pag tingin ko sa baba ay ang pag tagpo ng aming mga mata, wala itong bakas ng kahit anu mang emosyon pero sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay nakita ko ang panandaliang pagkislap ng kaniyang magagandang mga mata.
Hindi ko mabawi ang mga titig ko sa kaniya kahit na pakiramdam ko'y unti unti akong tinutunaw nang kanyang mga titig. And I'm fucking insane to say that I am more than willing to melt in his eyes.
"You welcome...Dri"
"Next is Miss Olivia Endiva from the Capulet and Miss Oracle Oz from the Chairo!"
[Ethan Wong]
Bilang humina ang kanina'y nakakabinging sigawan at tilian ng mapagtanto nila kung sino ang kalaban ni Endiva. Kahit ako'y nagulat sa susunod na maglalaban, hindi ko inaasahang sa rami ng studiante dito sa academy, si Endiva pa talaga ang makakalaban ni Oz. Hindi sa minamaliit ko ang babaeng Oz, pero alam ko kasi kung ano ang mga kayang gawing ni Endiva. Isa siya sa mga malalakas na estudianteng taga Montague kahit kakasimula pa lang nitong maging isang Montague ay marami na siyang napatunayan, unlike kay Oz na kabago bago pa lang at wala pang napapatunayan.
I was looking at her intently, trying to figure out what she feels but I sense no fear on her. I wasn't that shock kung sakaling hindi man siya natatakot because I know hindi siya madaling takutin. Alam kong hindi pa niya nakikilala o na meet man lang si Endiva kaya siguro parang hindi pa siya threaten.
"What the heck, kasali pa ba si Endiva sa Duel?. Malakas na siya para isali pa sa duel!"
Nag tatakang saad ni Leo mula rito sa kinauupuan namin. I sigh heavily tsaka sumandig sa aking upuan. He's right—but quite wrong, malakas na nga siya pero hindi pa sapat ang mga napatunayan niya para mapabilang sa mga Noble ones ng Montague, as far as I know.... this is the last phase para maging officially Noble student siya.
" you're wrong Leo, she's still not qualified yet"
Malamig na tuon ni Cassidee sa kaniya, sandali kong naramdaman ang pagtitig sa akin pero hindi ko siya sinulyapan. This is really hard for the two of us.
"Sinong inaabangan mo't napadpad ka rito... Ethan?"
Mabilis akong napalingon kay Cassidee, pati si Leo na kanina'y abala sa kakamasid sa paligid ay natigilan at medyo napalingon saamin. Hindi na kasi kami sanay na tinatawag ako ni Cassidee in a first name basis.
"Gusto kong masaksihan ang mga mangyayari ngayon, napaka tagal narin nung huling bisita ko rito sa Arena"
Simpleng sagot ko at tinignan ang dalawang babaeng seryosong nagtititigan sa gitna ng Arena. Endiva is surely powerful, I can sense her overflowing power within her kabaliktaran naman kay Oz. Halos wala akong nararamdaman sa kaniya, her aura mutual and so Calm... a very dangerous one. Sa panlabas ay aakalain mong isang simpleng labanan lang ang mangyayari pero If you would look at them deeper, you will realize how heavy their aura is. They are exchanging deadly glares using their cold and intense eyes. By the looks of it, parang matinding labanan ang magaganap.
"I can sense danger..."
I heard Cassidee whispered and with that the battle begins in no time.
This is still the start...
***
Malaki ang kasalanan ko sa inyo :( hindi ako nakapag update agad. Sorry talaga guys! Huhuhu! T...T
-M4E