Chapter 36

6.9K 236 23
                                    

Hi! Here's the update :).
-M4E

***

[Third Persons POV]

Humihiyaw ang ibang mga estudiante at pilit binabalaan si Shayle na umiwas sa paparating na atake ng isang babae. Ngunit tila nabato si Shayle at hindi makagalaw sa kaniyang kinatatayuan dahil sa isang napaka pamilyar na presensyang nararamdaman.

Batid niya ang kaba sa bawat segundong dumaraan. Isinisigaw nang kaniyang isipan na umiwas upang hindi mapuruhan ngunit ayaw sumunod ng kaniyang katawang lupa. Isa pa sa inaalala niya ang ang unti unting pag luwag ng control niya sa kaniyang kapanguarihan. Hindi niya lubos maisip kung anong mangyayari kung sakaling tuluyan niya itong hindi maicontrol.

"Miss Oz umiwas ka!"

"Umalis ka na babae!"

Sigawan nila, malamig na pinag papawisan si Shayle habang hindi alam kung anong gagawin. Pero sa isang mabilis na pangyayari, tuluyang nawala nang control si Shayle dahilan upang mangyari ang isang di inaasahang pangyayari.

Isang dangkal nalang bago lumapat ang matataas na kuko nang babae nang biglang bumulwak ang isang napaka lakas na enerhiyang nagpatigil sa buong mamamayan nang Houesuff City. Ramdam ito nang buong daigdig ng mahika, lahat ay natahimik at napatigil. Lahat ay natulala at di makagalaw sa kanilang kinatatayuan, lalong lalo na sa loob nang Gakuen Hoshii.

Naiwan sa ere ang kamay ni Cassidee, kasalukuyan siyang gumagawa nang magic experiments upang mahasa ang kaniyang kakayahan sa pag gawa nang mga potions. Isang hindi pangkaraniwang kapangyarihan ang naramdaman. Nanlaki ang nga mata nito pero kaagad ding nakumposa ang sarili. Sa isip niya'y hindi na dapat siya magulat pa, dahil sa simula pa lang alam na niyang mangyayari ang bagay na ito. Isa ito sa mga nakikita niya sa tuwing hindi sinasadyang masilip niya ang hinaharap. Napangite siya nang mapait at napahinga nang malalim. Sa ilang dekadang pagtatago, sa wakas ay nagparamdam na ito sa kauna unahang pagkakataon.

" you made the world suffer for decades, now it's time to repay all the debs"

Naibulong nito tsaka mabilis na nagteleport papunta sa lugar nang pinanggalingang presensya. She wanted to witness what happen with her own naked eyes, this is her chance para makilala ang taong naging isang 'myth' nang dahil sa matagal nitong pagtatago.

Hindi makapaniwala ang mga estudiante sa nasaksihan, lahat ay binalot nang takot at kilabot, ang iba ay namangha at natulala. Pero hindi ito naging dahilan upang matigil ang mabagsik na atake nang babae.

Limang dangkal nalang ang layo ng kuku nang babae kay Shayle, pero sa hindi malamang dahilan. Biglaang natigil ang kamay nito sa ere na ikinataka nang lahat.

Isang malakas na enerhiya ang lumabas na nagpalipad sa babae at tumama sa pader, sa sobrang lakas nang impact ay napasigaw sa sakit ang babae, wasak ang pader at halos magiba ito.Napasinghap ang lahat sa nasaksihan, hindi makapaniwala, ang iba'y dahan dahang napaatras dahil sa takot na naramdaman. Napaungol si Shayle at napa hawak sa magkabilang braso dahil sa kirot na naramdaman.

Mabilis ang paghinga nito't halos mawalan na nang kulay ang mukha sa sobrang kaba. Hindi niya alam kung ano ang gagawin, natataranta na siya!, kung sakali mang tatakas sya gamit ang sariling kapangyarihan. Mas lalong ma ku kumpirmahan na siya ang dahilan ng mga kabaliwang nangyayari ngayon!, hindi pa ito ang tamang oras! Masyado pang maaga!.

'Kailangang may gawin ako!, kailangan kong—"

"A—ack!"

Napaupo si Shayle sa naramdaman, napahawak ito sa ulo na para bang gusto niya itong bunutin paalis sa kanyang katawan. Hindi nito maipaliwanag kung ano ang nangyayari pero sa hindi maipaliwanag ba pangyayari. Biglaang nandilim ang paningin nito't nawalan nang ulirat.

Napansin nang mga estudiante ang hindi muling pag galaw ni Shayle. Nanatili itong nakaupo, nakayuko at nakahawak sa ulo. Sa ilang sandaling dumaan, nanghihinang tumayo ang babaeng kani kanina'y umatake kay Shayle. Malakas ang agas nang dugo ng sugat nito sa ulo, nabalian ito nang buto at paika ikang naglakad papunta kay Shayle.

"Ohh my god! What the shit happend?!"

Hestirikal na anas nang isang babae, nasundan ito nang mga bulong bulungan. Ang ibang iba nagmamadaling umalis pero mas marami ang bagong damating at nanatili, tila lahat ay naguguluhan kung ano ang nangyayari. Lahat ay may kaniya kaniyang katanungang naisis malaman ang kasagutan.

"Hindi ba kayo tatawag nang officers?!, look what she did to me! She's a demon!"

Tila nagmamakaawang utos at tanong nang babae, hirap hirap itong tumayo. Walang umimik, lahat ay walang balak na umalis. Hanggang sa balingan nito ang babaeng kaibigan nito. Shock is written in her face! ,napaiwas ito nang tingin at pilit isinisiksik ang sarili sa mga taong nakaharang sa kaniya.

"Bitch! Call the officers! Tell them that there's a living demon in here—"

"Who do you call, Demon?"

Halos lumabas na ang mga puso nila nang marinig ang boses si Shayle. Unti unti nitong ibinaba ang mga kamay ay unti unti ring tumayo. She turned her heels and lift her head, and by that time everyone of them noticed something different about Shayle. She became more serious, relax, fierce and dangerous, She is far different.

"Fuck shit!"

Napabaliktawas si Ethan mula sa pagkakatulog. Napalingon ito sa kaliwa't kanan dahil sa sobrang kaba. Muli nitong pinakiramdaman ang paligid upang makumpirmahan ang presensyang naramdaman. Baka kasi isa nanaman itong maling kalkusyon ng kaniyang sistema which he doubt about, alam kasi nito sa sarili na hindi kailanman pumapalya ang kalkulsyon nito.

Muli itong napamura at dali daling tinungo ang pinanggagalingan nang presensya. Halos magiba ang pintuang nilabasan niya at mabilis na tinungo ang hallway. Napahinto siya nang mapansin ang kakaibang ekspresyon ng mga estudiante, lahat ay mukhang tangang natigilan hindi ito ang kadalasan niyang nakikita sa tuwing dadaan siya sa hallway. Mukhang naramdaman nilang lahat.

NAPASINGHAP ang lahat sa sobrang gulat. Gulat sa biglaang pagsalita ni Shayle, gulat sa pag tayo nito at gulat sa biglaang pagbabago nito. Shayle stared at the bitch who provoked her to show her different personality. She was hella pissed dahil tinangka siya nitong saktan, and whoever tries to hurt her will make her suffer. She smirk at the thoughts thats been running in her mind.

Nahinto sa paghakbang si Leo Richards at napahinto rin sa pagbasa. Pinakiramdaman niyang muli ang paligid upang makumpirma ang presensyang nararamdaman. Ngunit sa ikalawang pagkakataon, tuluyan niya nang naibaba ang librong kani kanina'y binabasa niya. Hindi tulad nang iba, kakaibang paghanga't admira ang nararamdaman niya, nanindig ang balahibo niya hindi dahil sa takot, kundi sa kakaibang paghanga sa taong nagmamay ari nito. Ang tanging mahikerong kayang maglabas nang ganitong uri nang presensya.

"Finally..."

He whispered.

***
I was about to post this update within this week but I guess I can't let my readers wait any longer haha!. So, here it is! This is still unedited kaya wag nang magtaka kung marami kayong mapapansing errors lalo na sa grammars at the way it was narrated, kaya bear with it nalang muna 'k? ( ̄∀ ̄)
-m4e

Laiphar: A Great Sorcerer (2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon