PAGSUKO [Part 2]

156 4 0
                                    

Mahigit 4 na oras akong nagtiis sa kakahintay na matapos sila sa office works nila. At sa apat na oras na iyon pakiramdam ko napapatay ko na si Zander sa isip ko dahil sa pagiging galante niya kay Miranda, kitang kita ko yung hindi maipaliwanag na chemistry at sparks sa kanilang dalawa. Naprapraning na naman ako. Nagkamayan lang silang dalawa nang matapos sila sa trinatrabaho nila at nagpaalam na si Miranda sa amin.

"Tss. Ang galing niyong magtrabaho, talagang may sweet gestures ano?" may pagkasarkastiko kong anas.

Hinilot ni Zander and sentido niya bago ako nilingon. "Can you please shut it out? Pagod na pagod ako Saab. Kahit na anong gawin kong paliwanag hindi ka naman makikinig eh."

"Masisisi mo ba ako? Ang ganda niya tapos matalino-"

"Ganyan ba talaga kababaw ang tingin mo sakin Saab?" may halong pait ang boses niya. Napalunok ako, hindi naman ganun ang pinupunto ko eh.

"Hindi naman sa-"

"No. Are you trying to say that I'm unfaithful?"

"Zan..." napayuko ako.

Alam kong padalos dalos ako. Pinairal ko na naman ang litsing selos ko. Hindi ko naman intensyun na iparamdam sa kanya na may nagawa siyang kasalanan. Ako ang may problema at ang litsing selos ko ulit.

"Let's just talk about this some other time Saab, can we? Pagod na pagod na talaga ako eh, gusto ko na lang magpahinga." He pinched the bridge of his nose. Tumalikod siya sa akin at pumasok sa kwarto niya. Hindi man lang siya nagpaalam sa akin. I sighed.

Naguilty ako. Pinagsasampal ko ang sarili ko. Am I too reckless? Hindi tuloy maiwasan ng puso ko ang kumirot habang inaalala ang pagod na mukha ni Zander. Napakabusy na nga ng tao pinagdudahan ko pa. Masyado akong nagpadala sa selos.

Bagsak ang balikat ko na umuwi. Sinabi ko sa pinsan ko ang nangyari pero tinitigan lang niya ako na may simpatya at niyakap ng mahigpit.

Nang hindi ako makatulog ay naisipan kong itext si Zander.

To: Zander

Panget, I'm sorry. Your girlfriend is just overreacting. It's just that I love you.

Ilang segundo lang ay nagvibrate ang cellphone ko. Binuksan ko ang text at nakita ko na galing kay Zander iyon kaya napukaw ang diwa ko.

From: Zander

It's okay. Sleep, okay? Gabi na.

Bumagsak ang balikat ko sa nabasang text. Nageffort siyang magtext pero pakiramdam ko naman ang lamig ng pagkakasend niya. Kasalanan ko naman eh. Di ko siya masisisi kasi ako naman talaga ang nauna, nagpadala ako sa instinct kong hayop. Huminga ako ng malalim at pinilit pinakalma ang sarili ko.

Nang sumunod na araw ay napagdesisyunan kong pumunta sa kompanyang pinagtratrabahuhan ni Zander. I want to say sorry personally and make up the mess I made. Nagsuot ako ng ripped jeans, sleeveless with cardigan sa upper ko. Sinukbit ko ang shoulder bag ko bago umawas.

Nakarating na ako sa L Corp. at nakikipag usap sa sekretarya ni Zander. Well yes, my boyfriend's a boss. Nalaman ko na nasa meeting pa si Zander kausap ang mga investors nila. And yeah- with Miranda. Iwinasiwas ko na ang selos sa sarili ko since it won't do any good, sisirain lang nito ang relasyon namin ni Zander. Dapat iniintindi ko siya dahil malaki ang responsibilidad nito sa kompanya, hindi din kasi madali ang posisyon nito.

Nang matapos ang meeting ay kumatok ako sa pintuan ng opisina ni Zander at marahan itong binuksan. Naabutan ko si Zander na subsob na naman sa trabaho. Seryoso itong nagbabasa ng mga papeles.

"Zan?"

Inangat nito ang tingin at bahagya pang nagulat nang makita ako. Hindi naman kasi ako dumadalaw sa opisina nito since ayoko siyang abalahin sa trabaho. Madalas akong tumatambay sa condo nito.

Pagsuko [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon