PAGSUKO [Part 6]

112 3 0
                                    

Alas diez ng umaga nag open ang coffee shop. N'ung una ay kukunti pa ang dumadating pero nang magtanghali ay napupuno na rin ang kwarto. Naging benepisyal rin ito sa bawat panig- may ari ng coffee shot at naming mga photogrphers dahil medyo kilala sa lungsod ang coffee shop na ito at mas dumami rin ang mga pumapasok dulot na rin ng mga masterpiece naming nakasabit sa bawat dingding.

Wala akong masabi kundi job well done! Talagang mapapahinto ka sa bawat litratong mahahagip mo sa bawat sulok ng kwarto. Nakakaproud isipin na naging makahulugan ang mga litratong aming pinaghirapan dahil naging instrumento ito upang magkaroon ang mga customer ng bagong kaibigan o kakilala. Everyone is enjoying the photographs and they're talking about it.

Patingin tingin ako sa cellphone ni Justine, nagbabakasakaling tatawagan o may text galing kay Zander. Malapit nang matapos ang lunch time pero wala pa siya!

Si Justine naman ay busy sa pakikipagusap sa mga audience na nagtatanong ng tungkol sa works ko. I just can't focus right now, kahit anong pilit ko ay hindi gumagana ng ayos ang utak ko para makipaghalubilo sa mga tao. Sumasabat naman ako sa usapan kapag may tanong ang mga tao ng mga exclusive informations.

"Lunch? It's past 1 already." aya ni Justine sa akin nang unti unti nang humupa ang mga tao.

Umiling ako. "Oorder na lang siguro ako ng coffee dito."

Tumaas ang kilay niya. "Niyerbyusin ka naman dyan! Kumain ka kaya ng kanin!"

Umiling ulit ako. Ayaw tumanggap ng sikmura ko ng pagkain ngayon. "I'll be fine. You go."

Nag-aatubili ang kanyang mga mata pero nakumbinsi ko naman siya kalaunan. Umupo ako sa upuan na para sa customers. Pinaglalaruan ko ang aking mga daliri, it's like they have their own world.

No phone calls and texts from him, well, I think he's busy... With Miranda. That same old heartche came rushing down my system over and over again.

"Oh. Exceptional." narinig ko ang isang hindi pamilyar na baritong boses sa likod. Nilingon ko ito, nakita ko ang isang lalaki na naka office suite at naka eye glass na sa tingin ko nasa kanyang mid 50s na. May hawak itong tasa sa kaliwang kamay. Tumayo ako at lumapit rin sa kanyang tinitingnan na picture.

It was my masterpiece. Nakaframe ito at mas malaki ang size compare sa mga minor photographs ko. Zander and Miranda's shot. Mas lalong naging katangi tangi ang ganda nito dahil sa improved framing and such.

"Well, I guess so." hilaw akong ngumiti dito.

"You're Saab, right? Zander's... girlfriend?"

Bahagya lang akong ngumisi bilang sagot. Nagtatanong ko siyang tiningnan dahil kilala niya kaming dalawa ni Zander. He's probably working in L Corp. as well dahil base na rin sa pananamit nito ay mukhang isa rin ito sa boss ng kompanya.

"Oh, I'm sorry. By the way I'm Eddie Buentura. Actually ka officemate ko ang boyfriend." there you go.

Tinanguan ko lang siya.

"He's not around?"

Tumikhim ako. Well, ofcourse he can't be here, there's Miranda already. "He's... uhm... I think busy. You know a hands on man like him." I said almost half lied.

"Oh, yeah, I remember he's helping the COO with her upcoming business. I hope he's still having his leisure above all his responsibilities? Mabuti naman at hindi ka nagseselos sa trabaho niya n'yan?" pabiro pa itong tumawa.

Pero imbes na makitawa rin sa kanya ay para akong nabuhusan ng napakalamig na tubig sa sinabi niya. Mas lalo akong naguluhan.

"Uhm, if you don't mind, what business is it po?"

Pagsuko [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon