PAGSUKO [Part 7]

125 3 0
                                    

"Just..."

"Hmm?" tugon ng pinsan ko nang hindi ako sinusulyapan, abala ito sa tatype sa kanyang laptop, gumagawa ng office works dahil tambak pa rin sa kanilang department ang naiwang trabaho ni Miranda.

"Saang ospital na confine si Miranda?" tanong ko rito nang nakatuon lang ang pansin ko sa tv.

Gulat niya akong nilingon ngunit nanatili lang na malamig ang ekspresiyon ko. Agaran niya akong nilapitan sa sofa.

"At bakit mo naitanong?" matigas niyang tanong pero alam kong may ideya na siya kung bakit, gusto niya lang ng kumpirmasyon.

"Maybe, I should visit her? What do you think?" I tried to make it sound normal and cool.

Nanliit ang mata niya sa akin. "You bad ass! Huwag mo akong pinapakaba, Saab. Konti na lang talaga aatakehin na ako sa'yo."

She even looked at me like I'm a psycho.

"Anong bang problema sa pagbisita sa taong may sakit, to think na malapit ito sa boyfriend ko? Maybe I should show concern as well?"

"Oh, God! Don't be such a bad ass martyr, Saab." she rolled her eyes.

"Can you just please tell me what hospital is it? 'O baka gusto mong pumunta pa ako sa building niyo-"

"Okay, fine! But please promise you'll behave, Saab." may diin niyang paalala.

"It's not as if I'm going to kill your COO!"

"Malay na'tin kung anong kaya mong gawin. Aba, sa dami ng trabahong naiwan niya, dapat lang talaga na mabuhay pa siya!"

Nagsagutan pa kami ng konti bago niya tuluyang naibigay sa akin ang address ng ospital. Pinaalalahan niya pa ako ng mga dont's. Paulit ulit ko rin na pinapakikot ang mata ko. Is she that fragile? I won't kill her, pero hindi ko rin mapapangako na hindi ko siya masasaktan.

Sa lahat ng nalaman ko at ang sari saring emosyon na idinulot nito sa akin ay hindi ko na alam kung paano ko papakitunguhan ang sitwasyon. Hindi planado ang maaari kong gawin. Maybe I'll just go with the flow. Kung ano man ang ibibigay sa akin Diyos na kakaharapin ko ay hahayaan ko na lamang ito. Kaya hindi ako mangangako na hindi ako makakasakit. Hindi naman natin alam, nasaktan rin kasi ako.


Bahagya akong tumingala para tingnan ang langit na unti unti nang nagkukulay orange hudyat na papalubog na ang araw. Bahagya ko rin na inakap ang sarili, napakagat ako ng labi. Everything's a mess now. Sobra sobra na ang tahip sa dibdib ko, kulang na lang ay tuluyan na akong sumabog. Hindi ako binigyan ni Zander ng anumang assurance, wala akong mapanghahawakan sa ngayon.

Humugot ako ng isang malalim na hininga nang maramdan ko na naman na parang pinipiga ang walang kamuwang-muwang kong puso. What's with Miranda, anyway? Mas maganda ba siya? Mas feminie? Mas matindi ba siyang magmahal? Am I not worthy enough?

Tangina, may kulang pa ba sa akin? Tangina ulit, nakakahibang na ang mag-isip ng mga tanong na alam kong si Zander lang ang makakasagot!


Isang araw, nag-ayos ako. Ripped jeans ulit, medyo loose na v-neck shirt at flat shoes. Balak kong dalawin si Zander sa condo niya. Nag luto rin ako ng paborito nitong pork sinigang. Just like the old times. Ramdam ko ang pasulyap sulyap sa akin ni Justine, malalamig na ekspresiyon ang pinapakita niya sa tuwing namamataan ko siyang tinitingnan ako. I get it, nagmumukha akong desperada sa mga ikinikilos ko. Pero for the meantime, ito lang kasi ang kaya kong isukli kay Zander. Gusto ko pa rin ipakita sa kanya na kahit na may dilubyong pilit na sumisira sa relasyon namin ay pinagsisikapan ko panatilihin ang tibay nito.

Pagsuko [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon